Chapter8: Senior Level Training

3 0 1
                                    

Draven's Pov

"What ?! Ako mag tetrain sa babaeng yan ? Wag na !" Sigaw ko ng malaman kong itetrain ko si Chandria .

Hindi naman sa ayaw ko , nakakairita kasi yung pag ngiti niya , mga tawa at nakakairitang boses niya !

"May problema ba Mr. Darktower ?" Tanong ng Teacher namin saka ako tinaasan ng kilay .

"Oo ma'am ! Eh mas magaling pa nga sakin yan eh!" Sigaw ko sabay tingin kay Chandria na nakangisi sa akin .

"Ohw talaga ba Mr. Darktower ? So mas mabuti pang magpalit kayo ni Ms. Faulkson" Sabi nung teacher .

"Yes ! salamat ma'am" Sigaw ko sa sobrang tuwa . Ayoko kasing makasama ang isang nakakainis na babae na tulad niya .

"Ms. Faulkson ikaw na ang mag turo kay Mr. Darktower" Sabi nung teacher . Pero Ano daw ???? Si Cha ang mag tuturo sa akin ? Dafuq !

"What !!! Pero ma'am —" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi sumingit na agad si Ma'am .

"No Buts Mr. Darktower"  Seryosong sabi ni ma'am .Tinignan ko si Chandria at nakangiti sya ng abot langit -.-

Isang bagay na ayaw na ayaw kong makita .

"Fuck!" Sabi ko saka tuluyang lumabas sa Classroom namin .

Pumunta ako sa Ibabang training room para mag unwind . Kaasar si Chandria pa ang makakasama ko sa Senior Level Training . hayy nako  .

"Isang slave ? Tuturuan ang amo ? Dafuq !" Sigaw ko saka bumato ng isang fireball sa malayo .

"Ano bro ? Isang slave ? si Chandria ba tinutukoy mo ?" Sabi ni Penumbra na kadarating lang . Gumamit nanaman sya ng ibang mukha . Ganyan ba ginagawa ng lahat ng Shapeshifters ? araw araw mag palit ng mukha ?

"Bro sino nanaman yang ginaya mo ?" Tanong ko sa kanya .

"Si Alden Richards . Ang gwapo niya no?" Kinikilig na sabi ni Penumbra .

"Bro bakla ka ba ?" Natatawang tanong ko sa kanya .

"Huh ? Loko ka ah !" Sabi niya saka bumalik nanaman sa pagiging anino . "Saka wag mo nga ibahin ang usapan!" sabi niya saka umupo sa upuan sa Harap ko  .

"Hindi porket itinanghal ka ng prinsipe Draven Darktower ay ituturing mo ang sarili mo na amo at yang mga kaibigan mo o ang lahat ng nasa ibaba ay isang slave  . Mali yun Draven" Seryosong sabi ni Penumbra .

"Yun na nga Penumbra . Ako yung prinsipe tapos tuturuan ako ni Chandria? Edi nag mukha akong mahina" Sabi ko .

"Hindi lahat ng bagay alam mo Draven . Marunong ka mag luto ?" Tanong ni Penumbra na ipinag taka ko . So ano konek ?

"Eto yung point Draven , Hindi lahat ng bagay alam mo o kaya mong gawin . anong gagawin mo para matuto ng ibang bagay ? Edi mag papaturo ka sa nakakaalam diba ?" Seryosong sabi ni Penumbra at saka tumayo .

"Fine !" Sabi ko saka nag walk out . Nakayuko ako habang nag lalakad kaya di ko namalayan na may tao sa harap at nabangga ko iyon .

"Araayy naman ! Sa susunod nga tumingin ka sa dinadaanan mo !" Sigaw ng isang babae at nang makita ko sya nagulat ako sa itsura at kasuotan niya  .

"Sino ka ? at saka saan ka nanggaling ?" Tanung ko sa kanya habang tinititigan syang tumayo .

"Ako ? Ako nga pala si Andrea , Andrea Gonzales " Sabi ng babae saka iniabot ang kamay niya . Pero tinitigan ko lang sya .

Magulo ang nakataling buhok , Itim na hikaw , Itim na lipstick , itim na vneck shirt at itim na punit punit na pagtalon .

"Hoy anong pangalan mo ?" Tanong niya at saka ako tinaasan ng kilay . Aba matapang tong babaeng to ah .

UNBREAKABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon