Chapter 7~ Paper Swans
“Hero, anong ginagawa mo rito?” tinanong ko siya.
“Gabi na, bakit ka pa lumabas? Sinong kasama mo? Alam mo bang delikado na sa mga oras na ‘to?” alalang-alalang tanong ni Kiel.
“Mama, Papa…”
Hinimatay bigla si Hero. Nataranta kaming dalawa at binuhat ni Kiel si Hero. Malayo-layo pa ang clinic dito kaya dinala namin siya sa bahay. Nag-aabang naman sina Mama samin ‘pag balik namin sa bahay.
“Ang taas ng lagnat niya.” Sabi ni mama pagkatapos check-up-in si Hero.
Hinayaan ko siyang magkalagnat at ang malala pa, hindi ko ito napansin. Kaya pala medyo matamlay siya kanina. Napakapabaya ko.
“Dalhin na natin siya sa ospital.” Sabi ni Kiel kina mama at papa.
“Papa, ayoko po sa ospital. ‘Wag ninyo po akong dalhin doon.” Sabi ni Hero bigla.
“Shhhh,” sabi ko. “Dito ka lang aalagaan ka ni mama.” Sabi ko sabay haplos sa ulo ni Hero na nagpapanatag ng loob niya.
Hero, hindi man kita tunay na kapamilya, para naman kitang tunay nakababatang kapatid kung ituring, nagiging parang nanay mo na nga ako eh. Sana maging maayos ka.
Pagkatapos niya uminom ng gamot, nagsalita ulit siya.
“Mama, ‘wag ninyo na po ako dalhin sa ospital ah.”
“Oo, Hero, magpagaling ka ah. Nandito lang si mama.” Hinalikan ko siya sa noo.
“Salamat, mama.” At pumikit siya nang nakangiti. Mukhang panatag na siya. Inosenteng-inosente ang kanyang mukha. Siguro may nakaka-trauma siyang karanasan sa ospital kung kaya’t ayaw niyang magpadala. Sabi nila mama, kung hindi raw bababa ang lagnat niya mamaya, ay dadalhin na namin siya sa ospital.
Makalipas ang ilang saglit, nakatulog na rin si Hero. Naalala ko bigla si Kiel, ‘di pa siya nakakauwi at may pasok pa kami bukas.
“Kiel, ‘di ka pa ba uuwi? May pasok pa tayo bukas.” Tanong ko sa kanya.
“Ayaw mo ba ako rito?”
“Sira, syempre kailangan mo rin magpahinga.”
“Sabi ko nga po. Sige, uuwi na ako.” Sabi niya.
“Good night.” Sabi ko.
“Good morning na kaya.” Pagtatama niya sa akin.
Tama, umaga na nga.
Time Check: 1:03 AM
…
Nagising ako ng bandang alas-singko. Medyo inaantok pa ako pero kailangan ko pa i-check si Hero. Dinama ko ang kanyang noo, hindi na mataas ang lagnat niya kumpara kagabi. Buti naman, kahit papano ay mapapanatag na ang loob ko.
“Mama?” sabi ni Hero na noon pala’y gising na.
“Ano ‘yun?” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.
“Kailangan ko po ipamigay ang mga ‘yon.” Sabay turo sa isang box sa ilalim ng lamesita namin. Teka, ano kaya ‘yun?
Agad-agad ko naming kinuha at binuksan ang box. Puro paper swans, lahat ba ‘yon ay gawa ni Hero?
“Gawa mo ba ‘to lahat?”
“Opo, mama. Pero, kailangan ko po ipamigay ang mga iyan, malapit na po ang kasal ng ate ko.” Ayan na naman siya sa kasal ng ate niya. Itatanong ko na dapat kung anong meron sa kasal na ‘yun at kung naaalala na niya kung sino ‘yung ate niya kaso bigla kong naalala na iinom pala siya ng gamot.
“Hero, inumin mo muna ‘tong gamot mo.” Pinainom ko siya ng gamot. Papasok pa kaya ako? Narinig ko naman na may bumaba galing sa taas, si mama pala. Sinabi ko sa kanya ang balak ko na huwag munang pumasok pero sabi niya, siya na raw bahala kay Hero. Kahit medyo inaantok pa ako, nag-ready na ako para sa school.
Bago ako pumasok, nagpaalam muna ako kay Hero at pinaalala niya sakin ‘yung mga paper swans niya, ipamigay ko raw. Sabi niya pa, next month na raw ‘yung kasal ng ate niya. Nagmadali na ako kung kaya’t binitbit ko na ‘yung box at umalis na ako papuntang school.
Papasok ako ng school ng makasalubong ko si Kiel.
“Kumusta na si Hero?” pag-aalala niyang tanong.
“Medyo okay na siya kumpara kagabi.” Sagot ko sa kanya.
“Ah gan’un ba? Magaling yata ‘yung nag-alaga eh.” Sabi niya sakin at hinampas ko na naman siya sa braso, mga banat na naman nitong si Kiel eh. “Aray, nasasanay ka na ah, pero okay lang kahit ilang beses mo akong saktan, ganyan naman talaga ‘pag nagmamahal eh.”
“Anong sabi mo? Mahal-mahal ka diyan, mag-aral ka muna.” Sabi ko sabay belat sa kanya.
“Aw, basted na ako.”
“Ewan ko sa’yo Kiel, diyan ka na nga.” Akmang lalakad ako palayo sa kanya kaso pinigilan niya ako.
“Joke lang, eto naman oh.” Tapos tumingin siya sa box na kanina ko pa bitbit-bitbit. “Ano ‘yan?”
“Box ni Hero na naglalaman ng paper swans.” Binuksan ko naman ‘yung box para makita niya. “Ang sabi niya kailangan ko raw ipamigay.”
“Akin na nga ‘yan.” Sabay hablot sa box tapos naglakad siya papasok sa school at pinamigay ang mga paper swans. “Attend kayo sa kasalan next month!” sabi niya pa. Napangiti naman ako sa ginawa ni Kiel kaya humabol ako sa kanya at sinamahan siya.
…
In between classes, namimigay kami ng paper swans, pati ‘pag break time at free time namin. Feeling ko nga buong school may paper swans na. Kahit walang specific details about sa kasal na sinasabi namin, tinatanggap pa rin nila. Ewan ko rin ba pero feeling ko may something special sa gawa na ‘yun ni Hero. Hindi ko rin alam kung bakit namin ‘to ginagawa, siguro ay dahil na rin kay Hero – para na kasi siyang tunay na parte ng pamilya namin, parang tunay na anak na talaga (pero wala pa akong balak na magkaroon ng sarili kong anak).
Uwian na at last, isa na lang ang laman ng box. Palabas na kami ng gate nang makasalubong namin si Ma’am Ahmie. Nilapitan namin siya at inabutan ng isang piraso ng mga pinamimigay namin.
“Ang cute naman nito.” Sabi niya ng masaya, ibang-iba sa ‘medyo mataray’ niyang approach ‘pag klase.
“Punta po kayo sa kasalan next month ah.” Sabi ni Kiel.
“Kasalan ba kamo, parang may pupuntahan din akong kasalan next month.” Napaisip siya saglit. “O s’ya, mauna na ako at may pupuntahan pa ako.”
“Bye, Ma’am!” sabay naming sabi.
Tuwang-tuwa kami ni Kiel na naubos namin ‘yung laman ng box. Success! Sasamahan ako ni Kiel pauwi dahil titignan niya raw ang kalagayan ni Hero. ‘Pagkarating namin sa bahay, nakita ko si Hero na nakaupo sa sofa namin habang nanonood ng tv. Agad naman siyang nilapitan ni Kiel at kinandong sa lap niya – parang isang tatay na naglalambing sa anak. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako sa mga simpleng bagay na pinapakita ni Kiel.
“Sa sabado, papasyal tayo kaya magpagaling ka ah.” Sabi ni Kiel kay Hero
“Opo, papa.” Masiglang sabi ni Hero. “Mama, narinig ninyo ‘yun? Papasyal daw tayo sa Sabado.”
“Oo, Hero, papasyal tayo.” Sabi ko nang nakangiti.
“Tsaka pala Hero,” sabi ni Kiel, “tignan mo oh.” Pinakita niya ‘yung box na pinaglagyan ng paper swans na ngayo’y wala nang laman. Nakita ko naman ang malaking ngiti ni Hero. “Ganyan ka namin kamahal ni mama mo.”
June 27 – Isang araw na hindi ko malilimutan. Ito ang araw na pinakita ni Kiel na may matured and brother-like personality siya.
BINABASA MO ANG
I Will Never Forget
Teen Fiction"Minds can forget, but our hearts can't" Apryl is a high school student who met a guy. She never imagined she'll fall for someone. She thought her life would be normal, but then, she was wrong. One day they met a child and their so called 'normal' l...