Chapter 8 ~ That Eight Letter Word
Araw ng Sabado, nandito kami ngayon sa may amusement park – ang Star Kingdom. Dahil gaya nga ng ipinangako ni Kiel kay Hero, papasyal kami.
Anong nangyari ng mga nakaraang araw? Sige, ikukwento ko sa inyo.
Nung Miyerkules, sinabi na ‘yung project namin sa Physics, gagawa kami ng Wind Vane. Kagrupo ko sina Kiel, Four, Nicole, at si Ate Jom (isa sa mga classmates namin). Napagkasunduan namin na gawin ito sa Linggo. Simula na rin ng Unit Test namin.
Araw ng Huwebes, pangalawang araw ng Unit Test. Math, English and Computer ‘yung subject. Medyo natagalan kami sa Math, ang hahaba kasi ng kailangan i-solve.
Biyernes, test lang kami sa umaga tapos uwian na. Pumunta sila mama sa school kasama si Hero, dahil sinabi raw nito. Oo nga pala, gumaling na siya sa sakit niya nung Miyerkules. Nagtour kami nila Hero sa school at ipinakilala ko siya sa mga kaklase ko. Sabi nila may kamukha raw si Hero kaso hindi nila maalala kung sino. Siguro artista ‘yung kamukha niya na ngayon ay hindi na nalabas sa mga telebisyon.
At ngayon, eto nga, Sabado na. Sobrang excited si Hero. Hindi ako masyadong nagpupunta ng amusement parks kaya hindi ko alam kung maeexcite ba ako o hindi.
“Tara na?” yaya ko kay Kiel.
“Yehey! Kasama ko sila mama dito sa Star Kingdom. Dapat kasi si ate ang kasama ko rito kaso hindi kami natuloy.” Sabi ni Hero. Ayan na naman siya sa ate niya. Hindi ko na lang ‘yun pinansin dahil wala rin naman akong makukuhang information tungkol doon.
Una kaming sumakay sa Tunnel Ride. Sasakay kayo sa Bangka tapos papasok sa loob ng tunnel at iikutin ‘yun. Puro animals ‘yung makikita mo doon. Halatang pambata.
Sunod naman ‘yung mini-roller coaster na pwede ang bata. Sobrang baba at bagal nito, walang thrill sa matatanda pero syempre, pambata nga eh ‘di ba?
Tuwang-tuwa naman si Hero sa Bump Cars. Siya ‘yung kasama ko sa car at sa isang car si Kiel. Lagi namin siyang binubunggo kaya tuwang-tuwa si Hero.
Sumunod naman kaming sumakay sa Water Cars, parang Bump Cars din kaso sa tubig nga lang at boat ang sinasakyan. This time magkakasama na ulit kami, naririnig ko ‘yung usapan ng mga tao at sabi nila, para raw kaming pamilya.
At sunod-sunod ang rides na sinakyan namin – Airplanes, Octopus, Ferris Wheel at marami pang iba na pwedeng sumakay si Hero. Nakita ko namang nag-enjoy ng sobra si Hero pero ang tumatak sa utak ko ay nung pumasok kami sa Antarctica – puno ng snow sa loob at pwede pang mag-snow fight. As usual, magkakampi kami ni Hero at si Kiel ang tanging kalaban. Madaya raw kami dahil lagi namin siyang pinagtutulungan pero ganun talaga, masaya naman eh.
…
“Nag-enjoy ka ba, Hero?” tanong ni Kiel kay Hero nung palabas na kami ng Star Kingdom.
“Opo, papa, sa uulitin po ah.” Sagot niya. “Ikaw mama, nag-enjoy ka po ba?”
“Syempre naman, kasama ko kayo eh.”
“’Yun!” biglang sigaw ni Kiel. Napatingin naman ako sa kanya. “Wala, wala.”
“Ewan ko sa’yo.”
“Gusto mo ba ng ice cream, Hero?” tanong bigla ni Kiel kay Hero.
“Opo, papa.” Sabay takbo naman si Kiel sa bilihan ng Ice Cream malapit sa labasan.
Hawak-hawak ko ang kanang kamay ni Hero. Nakangiti ako habang nakatingin sa direksyon ni Kiel. Nakakatuwa talaga ang efforts niya.
“Mama, bakit po sobrang laki ng ngiti ninyo?” nagulat ako sa tanong ni Hero.
BINABASA MO ANG
I Will Never Forget
Teen Fiction"Minds can forget, but our hearts can't" Apryl is a high school student who met a guy. She never imagined she'll fall for someone. She thought her life would be normal, but then, she was wrong. One day they met a child and their so called 'normal' l...