Chapter 3 ~ Hero
Umakyat na ako sa kwarto ko pagkaalis ni Kiel. Sabi niya, ngayong may pamilya na raw kami ay mas magsisipag na raw siya, haha, adik talaga iyong lalaking ‘yon. Ewan ko ba kung naka-katol o kung ano man.
Tinignan ko si Hero na payapang natutulog, ang cute niya talaga. Sige ako na ang paulit-ulit, pero kasi hindi ko mapigilan iyong kakyut-an niya.
“Ate, maraming salamat.” Nagsalita siya. Teka, anong sabi niya? Ate?
“Anong sabi mo Hero?” tanong ko sa kanya. Alam kong tulog siya pero baka sumagot siya bigla eh.
Naghintay ako pero hindi na siya sumagot. Sa paghihintay ko, ‘di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinaumagahan…
Nagising ako na wala na si Hero sa tabi ko. Nasaan na iyon?
Pagbangon ko.
“Good morning mama!” sigaw niya at bigla-biglang lumitaw sa harap ko. Saan ‘yun nanggaling?
“G-Good morning din Hero.” Bati ko sa kanya. Nakita kong galing pala siya sa ibaba ng kama. Teka, bakit ang kalat? Puro papel ang nakita ko sa kwarto ko.
“Mama, para sa’yo,” sabi niya sabay pakita sa akin ng paper origami na swan, “punta ka sa kasal ng ate ko ah?”
“Ha? Para saan ulit ‘to?” tanong ko.
“Para sa kasal ng ate ko. Basta mama pumunta ka.” Sabi niya. Iyon pala ang ginawa niya kaya maraming papel ang nagkalat. Marami yata siyang ginawa.
“Teka, sino ang ate mo?” Oo, tama, nag-sleep talk siya kagabi at binanggit niya din ang ate niya, naalala ko na nawawala nga pala ‘tong batang ito.
Umiling-iling ulit siya.
“Hindi ko matandaan ang pangalan niya.”
“Ay sayang.”
Bumaba na kami ni Hero dahil oras na para kumain ng almusal. Sa tono ng pananalita ni Hero, parang hindi siya seven years old.
“Good morning, Pa, Good morning, Ma,” bati ko kila mama at papa, “Good Morning mga kapatid ko!” bati ko naman sa aking tatlong pinakamamahal na kapatid.
“Good morning, Anak!” bati ni mama at papa.
“Good morning, Ate!” bati naman ng mga kapatid ko.
Ganito talaga kami araw-araw, masayahing pamilya.
“Hello po, lolo, lola,” bati ni Hero sa mga magulang ko, “hi tito, pati sa inyo mga tita ko.” Ngumiti siya sa kanila.
“Ang cute mo talagang bata.” Sabi ni mama sabay kurot sa pisngi ni Hero.
Kumain na kami ng almusal. Masarap ang luto ni mama, tuyosilog (tuyo + sinangag + itlog) tsaka sopas. Ang sarap, busog na busog ako. Tinigan ko si Hero, mukha naman siyang nasarapan sa pagkain.
“Masarap ba, Hero?” tanong ni mama.
“Opo,” sabay napadighay siya. Tumawa kaming lahat.
Ayun, nakipagbonding si Hero sa mga kapatid ko. Tinuruan siya ni Alysse magbasa ng story books, si Arissa naman, nakipaglaro sa kanya, si Arth, ayun, naglaro sila ng video games sa sala at tinuruan din siya nitong magbike.
Hapon na nang matapos silang magbike. Pinunasan ko yung pawis ni Hero, para na talaga akong nanay nito.
“Nag-enjoy ka ba Hero?” tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Will Never Forget
Teen Fiction"Minds can forget, but our hearts can't" Apryl is a high school student who met a guy. She never imagined she'll fall for someone. She thought her life would be normal, but then, she was wrong. One day they met a child and their so called 'normal' l...