Chapter 15 ~ Kurt, Kiel, Kian
Umuwi muna ako sa bahay. Lalo ako nawi-weirduhan sa mga nangyayari. Nakapulot ako ng panyo na may burda ng pangalan ni Kian. Pwede namang magkapangalan lang sila ‘di ba? Ang dami-daming Kian sa mundo. Pero, anong ibig sabihin ni Q na malapit lang ang hinahanap ko? Ay, teka, bakit ba ako naniniwala eh ‘di ko naman siya kilala. Humiga muna ako sa kama ko. Hindi ko alam kung paano ko kinakaya ‘tong mga bagay na nasa isip ko. Tumayo ako at kinuha ‘yung blue bracelet sa drawer ko. Napakalaking parte ng kabataan ko si Kian. Tinignan ko lang ito ng matagal. Ewan ko ba kung anong sumapi sakin pero bigla kong naisip tumayo at bumalik sa park. Alam kong para akong ewan napabalik-balik sa lugar na ‘yon pero ang lakas ng feeling ko na mahahanap ko na rin ang sagot sa wakas. Kailangan ko lang makita ulit si Kian. Alam kong malapit lang siya sakin.
Dali-dali akong bumalik ‘dun. Parang kusa akong dinadala ng mga paa ko papunta sa lugar na ‘yun. Ang park na pinangyarihan ng masasayang karanasan ko. Alam kong dito ko rin mahahanap ang kasagutan. Kasagutan sa lahat ng bagay na gusto kong malaman. Kasagutan sa mga katanungan ko tungkol sa kanya. Hawak ko pa rin ‘yung panyo at blue bracelet ko. Alam kong nandito siya. Nakarating na rin ako sa park. Nakita ko siya. Nakaharap siya sa isang puno. Hinihintay niya ba ako? Nagulat ako sa biglang pagharap niya, kaya ko na bang harapin ang katotohanan?
“Apryl?” Tawag niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. Eto na ‘yun.
“Kurt.” Tinignan ko lang siya.
“Nandito ka pala.” Sabi niya sakin. “Anong ginagawa mo rito?”
“Lagi naman akong nandito,” sabi ko, “ simula pa pagkabata.”
“Gan’un ba?”
“Oo, tsaka, tamang-tama rin, gusto kitang makausap.” Tumigin lang siya sakin. Alam kong masakita pa rin para sa kanya ang pag-friendzone ko. “Totoo bang Kian ang nickname mo?”
“Oo.” Mabilis niyang sagot. Kung gan’un tama nga.
“Bakit hindi ko alam?”
“’Yun ‘yung tawag ng mga ka-close ko sakin. Hindi naman kasi tayo naging close dati.”
Sandali akong napatahimik. Tama naman siya ‘dun. “Kung gan’un, sa’yo ba ‘to?” Ipinakita ko sa kanya ‘yung panyong napulot ko. Matagal niya itong tinignan. Nakatingin lang ako sa kanya. Malalaman ko na rin sa wakas.
Tumingin siya sakin tsaka umiling. Hindi sa kanya ang panyo? Tama ako, baka nga sa ibang tao ‘to.
“Hindi ako nagpapabuburda sa panyo ng pangalan ko.”
“Eh eto, alam mo ba kung ano ‘to?” Ipinakita ko sa kanya ‘yung blue bracelet.
“Ano ‘yan? Sa’yo ba ‘yan?” nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya alam? Nakalimutan niya ba? O hindi talaga siya ‘yung Kian na hinahanap ko.
“Last na tanong na.” sabi ko. “Wala ka bang childhood memories sa park na ‘to?” kinakabahan ako sa maari niyang isagot.
BINABASA MO ANG
I Will Never Forget
Teen Fiction"Minds can forget, but our hearts can't" Apryl is a high school student who met a guy. She never imagined she'll fall for someone. She thought her life would be normal, but then, she was wrong. One day they met a child and their so called 'normal' l...