Chapter 1

8.6K 207 9
                                    

Kenneth's POV

Nandito ako sa park ngayon hinihintay sya. Ewan ko ba dun bakit biglang gustong makipagkita. Ilang minuto narin akong nandito at wala parin sya. Nagmuni-muni muna ako para malibang, kahit kailan talaga yun o palaging late. Sa pagmumuni-muni ko napansin ko na sunset na pala kaya pinag-masdan ko nalang ito.

Ilang sandali lang biglang may kumalabit saakin na syang ikinagulat ko.

"Ay pucha!" gulat na sabi ko.

"Ay sorry Kenth." sabi nya.

Mas lalo akong naulat dahil ngayon nya lang ako tinawag sa pangalan ko, lagi kasing babe tawag nya sakin e.

"May problema ba?" tanong ko.

"Listen Kenth, minahal kita... Totoo..." sabi nya.

Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

"Anong bang pinag-sasasabi mo?" pagputol ko sa kanya.

"Kenth... Please hayaan mo muna ako..." sagot nya.

"Ayaw na kitang saktan kaya sinasabi ko sayo to..." naputol ang pag-sasalita nya ng may lumapit na isang lalaki..

"Babe... Ang tagal mo naman, naiinip na ako." sabi nung lalaki.

Ano? Babe daw? Tama ba yung narinig ko? Gulong-gulong gulo na ako.

"Jake... A-ano to?" nangingnig kong sabi.

"Babe... Sino ba sya?" tanong nung lalaki.

"Andy... Bumalik ka muna sa kotse mamaya ko na ipapaliwanag sayo." sabi nya. Hinalikan nya muna si Jake bago lumakad naman sya palayo at naiwan kaming dalawa.

"Kenth... Let me explain." sagot nya.

Tama nga yung rinig ko. Babe nga yung tawag nya kay Jake at nag-halikan sila sa harap ko pa. Ngayon alam ko na kung yung ibig nyang sabihin.

"Explain? Narinig at nakita ko na yung dapat kong malaman tapos explain? Ha?" tumulo na yung luha ko pero hindi ko yun pinansin.

"Sorry Kenth.. Minahal naman talaga kita e, pero..." naputol sya sa pag-sasalita nya ng bigla ko syang sapakin.

Natumba sya at kaagad tumayo. Nakita kong may dugo sya sa labi pero wala akong pakialam.

"So-sorry? E gag* ka pala e. Saka minahal mo naman ako? Sorry ha. Utang na loob ko pa pala sayo yung pag-mamahal mo sakin." sabi ko at wala paring tigil ang pag-tulo ng luha ko.

Tumakbo ako palayo sa kanya. Tinatawag nya ako pero hindi ko sya nililingon. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na yun.

-----

Hindi ko ngayon alam kung gaano kalayo yung tinakbo ko. Napaupo nalang ako bigla, wala akong maramdaman na pagod, ang nararamdaman ko lang ay sakit... sobrang sakit. Umiyak lang ako ng umiyak wala akong paki kung maubos man yung luha ako basta alam ko hindi ko kayang pigilin yung sakit na nararamdaman ko.

Nang mahimasmasan ako. Tumayo na ako at nag-lakad pauwi. Ayaw kong sumakay dahil ayoko na may makakita saakin na ganito ako. Medyo malapit lang naman ang bahay namin kaya nilakad ko nalang.

-----

Nang makarating ako sa bahay. Naabutan kong nanonood ng TV si Mommy.

"Oh anak... Nandyan ka na pala. Saan ka galing?" tanong ni Mommy.

"Sa labas lang po, namasyal lang." sagot ko. Pinilit kong magpaka-normal para di niya mahalata.

Open naman ako sa pamilya ko. Alam nila na bisexual ako at ang sakanila, kung saan ako masaya susuportahan nila ako. Ayaw ko lang makita nila na nasasaktan ako.

"May problema ba anak? Parang ang lungkot mo yata?" sabi ni Mommy na halatang nag-aaalala.

"Wala po Mommy, pagod lang po siguro ako." sagot ko naman.

"Sigurado ka?" tanong nya ulit.

"Opo Mommy. Akyat na po ako." sagot ko.

"Sige anak. Mag-magsabi ka lang kung may kailangan ka ha?" sabi nya.

"Opo." sagot ko at umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Pag-pasok ko bumalik ulit saakin yung sakit na nararamdaman ko. Lalo na yung nakita ko yung picture namin dun sa computer table ko. Nag-simula ulit tumulo yung luha ko. Nilapitan ko yun at tinignan. Noon masaya pa kami yung mga ngiti namin na parang kaming dalawa yung pinaka-masayang couple sa buong mundo. Pero hindi pala. May hangganan ang lahat ng bagay. Yung akala mo na yun na, hindi pa pala.

Nilagay ko yung frame sa maliit na drawer sa ilalim ng computer table ko para mabawasan ng kahit kaunti yung sakit na nararamdaman ko. Pero parang walang nangyari. Ang sakit sakit sakit talaga. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at iniwan nya ako. Ginawa ko naman yung lahat para maging the best boyfriend sa kanya e.

Hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. Humiga na ako sa kama at yinakap ko yung unan ko. Hindi ko matanggap, iniisip ko na sana masamang panaginip lang ang lahat at gustong gusto ko nang gumising.

-----

Votes and Comments po :)

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon