Chapter 5

4.2K 123 3
                                    

Kenneth's POV

"Good Morning Bespren!" sigaw nya na ikinagulat ko.

"Ahhhhhhh!" sigaw ko rin

"Ay sorry bespren kung nagulat kita. Hehehe." sabi nya.

"Sino ba namang hindi magugulat, kagigising ko tapos bigla kang sisigaw." irita kong sabi.

"Sorry na nga e." sabi nya at nagpa-awa pa ang loko.

"Oo na wag ka nang magpa-awa, hindi ka cute." sabi ko.

"Hindi nga cute, gwapo naman." sagot nya habang nag-pogi sign pa.

"Oo nalang po. Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya.

"Wala namang pasok e kaya pumunta ako dito, aayain din kitang gumala para alam mo na, makalimot ka naman." sagot nya sa akin.

"Bakit kaaga-aga naman?" tanong ko ulit sa kanya.

"Bawal ba? Sige uuwi nalang ako. Pasensya na sa abala." lumakad sya palabas ng kwarto ko, kaarte-arte talaga nitong lokong to. Hinabol ko sya at pinigilan.

"Kaarte-arte naman neto oh. Sige na wag ka nang umalis dito ka nalang, Hintayin mo muna ako, maliligo lang ako saglit." sabi ko dito.

Ngumiti naman ito saakin.

"Sige na maligo ka na, ang baho kasi ng hininga mo e." pang-iinis nya.

"Gag* ka!" sigaw ko sa kanya at dumiretcho na ako sa banyo para maligo.

-----

Pagka-tapos kong mag-linis at maligo, pumunta bumaba na ako sa sala at naabutan kong nanonood si Jester ng cartoons. Tss... Ang isip bata talaga nito oh. Napatingin naman sya sakin.

"Kenth, nandyan ka na pala." sabi nya.

"Wala pa, multo lang ako." sarcastic kong sagot sa kanya. Lumapit na ako sa kanya at nag-salita ulit ako.

"Ano bang plano mo?" tanong ko a kanya.

"Mall tayo mamaya, pero ngayon dito muna tayo wala pa namang bukas na mall e. 8 palang oh." sabay pakita ng relo nya.

Bakit nga ba kasi kaaga-agang pumunta dito samin e.

Bigla namang dumating si Mommy.

"Oh Jester, ijo. Kamusta ka na?" tanong nya kay Jester.

"Okay lang po Tita." sagot nya naman.

"Tara na, sumabay ka na rin saamin mag-almusal." sabi pa ni Mommy.

"Thank you po Tita." sagot nya.

Pinatay nya na yung TV at dumiretcho na kami sa kusina at naupo na kami. Walang nagsa-salita saamin habang kumakain hanggang sa matapos kami. Pagkatapos naming kumain ay umakyat kami ni Jester sa kwarto ko.

Pagkarating namin sa kwarto ko humiga muna ulit ako sa kama kahit bawal. Sabi kasi ni Mommy bawal daw humiga kapag kakakain mo e. Inaantok pa kasi ako, kasi halos 2am na akong nakatulog kanina tapos ang aga-aga kong nagising. Si Jester naman, ikot lang ng ikot sa kwarto ko. Maya-maya pa ay umupo sya sa harap ng computer ko.

"Kenth... Pwedeng mag online?" tanong nya.

"Oo. Wag ka lang maingay, matutulog lang ako saglit." sagot ko sa kanya.

Ipinikit ko muna ang mga mata ko pero hindi nagtagal napadilat ako sa tinanong nya...

"Kenth? Ano to?" tanong nya sa akin at napatingin naman ako kaagad sa kanya.

Jester's POV

Habang hinihintay kong bumukas yung computer ni Kenth napansin ko na may maliit na drawer sa ilalim non kaya binuksan ko at nagulat ako sa nakita ko.

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon