Chapter 22

1.8K 60 6
                                    

Kenneth's POV

Lumipas ang isang linggong pag-pasok sa school at alam ko narin yung importanteng bagay na sinabi nya nun sa text. Nag-break na pala si Miko at yung girlfriend nya. Alam ko yung nararamdaman nya, alam ko kung gaano ya kamiserable at kailangan nya ng kaibigan para icomfort sya. Bumawi naman saakin si Mark sa halos buong week naming hindi nakakapag-usap ng ayos dahil nga sa pinag-daraanan ni Miko at naiintindihan ko naman yun.

-----

*After 4 months*
"Happy Monthsary Yohan! I love you." sabi nya saakin habang nandito kami sa park na lagi naming pinag-kikitaan tuwing may out of town trip kami. Dahil imbis na mag-date sa mamahaling resto or any fancy food establishments mas napili namin sa simpleng park nalang dahil we celebrate our monthsary because of love na hindi kailangang i-express ng mamahaling resto.

"Happy Monthsary din Grae. I love you more." sagot ko sa kanya and we kissed each other.

"Saan mo pa gustong pumunta?" tanong nya.

"Dito nalang. Basta kasama kita okay na ako." sagot ko at kiniss nya ako sa noo.

"Tara kain nalang tayo?" sabi nya. Nag-luto kasi sya ng mga pagkain para yun yung kakainin namin. Yun pa yung mas maganda kaysa sa mamahaling resto mag-dadate dahil in this simple way ay naipapakita nya na may effort sya para lang pasayahin ako.

-----

Kumuha sya ng pagkain at naglagay ng napakarami sa plato. Ang takaw talaga nya.

"Dami nyan ha. Ang takaw mo!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Sino ba nag-sabing ako lang yung kakain nito?" tanong nya.

"Ha?" sabi ko sa kanya pero dahil naka-nganga pa ako ay kaagad nyang sinubo yung kutsara saakin.

"Masarap ba?" tanong nya. Masarap nga, muntikan naman akong mabulunan nung bigla nyang ssinubo saakin yung kutsara.

"Oo..." sagot ko at gumuhit naman ang malapad na ngiti sa mukha nya. Nakaisip naman ako ng pang-ganti sa kanya. Hahaha.

"Lasang daga." dugtong ko pa at biglang nawala yung kaninang ngiti nya at sumimangot.

"Lasang daga pala ha?" sabi nya. Binitawan nya yung hawak nyang plato sa tabi nya at bigla nya akong kiniliti sa bewang kaya napahiga ako sa damuhan.

"Wahhh! Ta-tama naaaaaaa! Wahhh!" sigaw ko. Alam nya talaga kung saan yung kahinaan ko.

"Lasang daga ba?" tanong nya habang nakapatong parin saakin.

"Wahhh! Oo na. Masarap na promise!" sigaw ko para tigilan nya na ako.

"Pero may mas alam akong mas masarap dun sa niluto ko." sabi nya habang nakatitig sya saakin.

"A-ano?" tanong ko.

"Eto oh." sagot nya. Unti-unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko, hindi parin napapatid ang pag-titinginan naming dalawa. Nag-dikit ang aming mga ilong at unt-unti na ring nag-dikit ang aming mga labi.

-----

This is the best monthsary ever. Kahahatid nya lang saakin kanikanina dito sa bahay at nag-paalam na syang uuwi. Four months na pala kami, parang kailan lang nung tinanong nya ako sa beach kung pwedeng maging kami. Ang alam ko ngayon ay sobrang saya ko lang. Sobra sobrang saya.

Nag-hahanda na akong matulog ng biglang tumunog ang phone ko.

From: 0927*******
Next week, Wednesday, hihintayin kita kung saan natapos ang lahat.

Kinabahan kaagad ako sa nabasa ko. Alam ko na sya to. Alam na alam ko. Alam ko na si Jake to.

Paano nya nakuha ang number ko? Nag-palit na ako ng phone at simcard. Saan nya nakuha? Iniisip ko kung rereplyan ko ba sya o hindi. Tumunog ulit ang phone ko.

From: 0927*******
Please. I will wait for you.

Nang mabasa ko yun ay hindi ko nalang sya nireplyan. Kunwari nalang wrong number yung nacontact nya. Pinilit ko nalang matulog pero hindi mawala sa isip ko yung text nya. Bakit nya ako pinapapunta sa park? Makikipag-balikan ba sya? Haaaaaaaay! Dahil diguro gulong gulo at stress na stress na ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Mark's POV

Ang saya ko dahil 4 months na kami ni Kenth. Walang away pero may tampuhan naman. Hindi naman nawawala sa isang relasyon yun e. Isa yun sa mga minor challenges na kailangan nyong lagpasan ng mag-kasama.

-----

Kinabukasan, Thursday na at napag-desisyunan kong pumunta ulit sa kanila. Ako lang mag-isa, dahil si Miko at Max laging mag-kasama simula nung nakausap nya na nag-break si Miko at girlfriend nya. Iniisip ko nga baka may relasyon na din sila e. I don't know, pero let' move on sa amin ng Yohan ko. Love story namin to e. Hahahaha.

So, nag-bihis na kaagad ako at nagpa-gwapo syempre. After kong mag-ayos ng sarili ko ay kinuha ko na yung phone at susi ng kotse ko at nagdrive na papunta sa kanila.

-----

Pag-dating ko sa kanila ay nagulat sya ng dumating ako. Ang aga ko kasi e, dati mga after lunch ako pumupunta at gabi ako umuuwi pero ngayon 9:00 am palang nasa kanila na ako.

"Grae, ang aga mo yata?" nag-tatakang tanong nya.

"Wala lang, gusto lang kitang makita ng mas maaga." sagot ko. Akala ko ay ngingiti sya dahil noon kapag sinasabihan ko sya ng ganun ay napapangiti kaagad sya. May problema kaya to?

"May problema ba?" tanong ko. Lumakad ako papunta sa kama nya at naupo sa tabi nya.

"Wala naman." sagot nya.

"Wala daw, e bakit hindi ka man lang ngumiti sa sinabi ko kanina, dati naman ngumingiti ka." sabi ko.

"Wala lang siguro ako sa mood." sagot nya. Tumago nalang ako sa sinabi nya.

Sa buong araw na pamamalagi ko sa kanila ay wala paring pag-babago sa kanya. Tss, ano ba alagang problema nya?

-----

Simula nung thursday at ngayon ay wednesday na. Araw-araw akong pumupunta sa kanila pero ganun parin sya. Naiinis na ako, kailangang kailangan ko ng malaman ang problema nya pero paano naman? Haaaaay!

Kenneth's POV

Wednesday na, ito na yung araw na sinasabi ni Jake. Simula nung last week na nag-text sya saakin ay hindi na sya tumigil kakatext na hihintayin nya daw ako. May time na tadtad na tadtad ang phone ko ng messages nya. Ngayon, nakahiga ako sa kama ko at tinitignan ang oras, 7:30 pm na pala. Kakahatid ko lang rin kay Mark sa labas, maaga ko syang pinauwi dahil gulong gulo ako ngayong araw. Hindi naman sya nag-pumilit na mag-stay kaya okay naman.

-----

Tulala lang ako sa orasan nang tumunog ulit ang phone ko.

From: 0927*******
Nandirito na ako. Hihintayin kita.

From: 0927*******
Please Kenth, pag-bigyan mo lang ako kahit ngayon lang. Promise ko sayo na hindi na ako mag-papakita sayo kapag pumunta ka.

Huminga ako ng malalim at saka ako nag-desisyon na pupuntahan ko na sya. Kailangan ng matapos to! May mahal na akong iba.

-----

Votes and Comments po :)

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon