Chapter 14

2.2K 86 0
                                    

Kenneth's POV

Matapos nung sinabi ko kay Mark. Araw-araw nya akong tine-text, pinupuntahan kapag walang klase at laging inaayang kumain sa labas as in effort talaga sya. Way nya daw yun para maipakita saakin kung gaano nya ako kamahal. Parang tanga lang pero kita ko naman na sincere sya sa mga ginagawa nya. Kaya hindi ko maiwasan na isipin na natuto na kaya akong mahalin sya? Minan din ay pumupunta ako sa bahay nila pero madalas na kasama namin sila Miko.

*Sembreak*
Hays! Salamat. Natapos na ang madugong finals namin at lahat naman kami ay nakapasa kaya nag-plano ulit kami na mag-beach pero one week daw kami dun para maenjoy daw namin ng sobra at mawala yung hang-over namin sa finals.

Ngayong gabi palang ay nag-ayos na ako ng mga dadalhin kong gamit. Para hindi na sila mag-hintay bukas saakin tulad nung nakaraan. Habang itinutupi ko yung mga damit ko, tumunog yung phone ko. Kinuha ko yon at binasa yung text.

From: Mark
Goodnight Baby!

To: Mark
Itulog mo nalang yan. HAHAHA

From: Mark
Hindi nga ako makatulog e. Excited kasi ako bukas.

To: Mark
Parang ano ka kamo. Parang ngayon ka lang mapupunta sa beach.

From: Mark
Di naman ako sa beach excited e.

To: Mark
E saan naman?

From: Mark
Sayo. Dahil makikita ulit kita.

To: Mark
Gag*!

From: Mark
Tss. Alam ko kinikilig ka.

To: Mark
Goodnight na!

From: Mark
Goodnight din baby. I love you :*

-----

Hindi na ako nag-reply sa kanya at itinuloy ko nalang yung pag-ayos ko ng mga dadalhin ko bukas. Nang matapos kong ayusin ang lahat at masigurado ko na kumpleto na yun, kinuha ko yung phone ko at nag-set ako ng alarm. Pumasok na ako ng banyo para mag-toothbrush at mag-hilamos at naghanda narin ako para matulog.

*Kinabukasan*
7:00am na ng magising ako sa alarm ng phone ko. Tumayo kaagad ako at dumiretcho sa banyo para maligo. Matapos kong maligo ay nag-ayos na ako at bumaba na. Hinihitay ko nalang sila Jester na dumating dahil malapit na namang mag-8am. Binukas ko muna ung TV para malibang habang hinihintay ko sila. Tinext ko rin si Jester para tanungin kung nasan na sila.

To: Jester
Nasan na kayo?

Binaba ko muna yung phone ko sa tagiliran ko at nanood muna. Maya-maya pa ay tumunog na ito.

From: Jester
Wait lang. Malapit na kami.

To: Jester
Okay.

-----

Habang nanonood ako ay ma kumatok sa pintuan namin at alam ko na sila na yun. Lumakad ako papunta a pinto at binuksan na yun.

"Bakit ang tagal nyo?" tanong ko kaagad pag-bukas ko palang ng pinto.

"Na-flat kasi yung kotse ko kaya ayun. Pina-vulcanize ko muna tapos saka ko lang dinaanan tong tatlo. Ayaw ko namang sabihin sa text kanina at baka mabwisit ka lang." sagot ni Jester.

"Tara na! Excited na ako." sabi ni Miko.

Kinuha ko na yung mga gamit ko at nag-paalam na kami kay Mommy. Nauna silang sumakay ng kotse dahil naiwanan ko sa sofa yung phone ko kaya kinuha ko muna yun. Lumabas na ako at pumunta sa kotse, pagka-bukas ko ng pinto sa unaahan ay nakita ko na nakaupo sa upuan ko si Miko.

"Hoy! Hoy! Bakit ka nandyan sa upuan ko? Baba!" sabi ko sa kanya.

"Anong sayo? Kotse mo ba to? Saka anong upuan mo? May pangalan mo ba?" sagot nya. Nangiinis pa tong bwisit na to ah!

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon