Chapter 8

2.9K 90 5
                                    

Kenneth's POV

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Buti nalang nandyan si Mark. Oo, si Mark, ipinagluto nya kasi ako ng noodles at pina-inom ng gamot yung tatlo kasi tulog pa. Hindi ko ba alam kung bakit naging ganito to bigla. Nag-punta lang naman kami sa beach bigla nalang nag-iba.

----

Nag-aayos na kami ngayon ng mga gamit namin dahil uuwi na kami ngayong araw. Pasasalamat ko naman dahil nawala na ang sakit ng ulo ko.

Nang maayos namin ang lahat. Lumabas na kami at dumeretcho sa kotse. Doon ulit ako umupo sa harapan at yung tatlo ulit sa likod.

Habang bumabyahe kami. Nag-earphones muna ako, nakatingin lang ako sa labas ng bintana at unti-unting bumigat ang mga mata ko kaya pumikit na ako.

Jester's POV

"Kenth, gising na. Nandito na tayo sa inyo" pag-gising ko sa kanya. Dahan-dahan nyang idinilat ang mga mata nya.

"Ay... Sorry nakatulog ako." sabi nya. Sumilip naman sya sa backseat at nagtanong.

"Nasan na sila?" tanong nya.

"Dun nalang sila bumaba sa park, sila nalang daw uuwi na sabay-sabay. Bakit? Hinahanap mo ba si Mark?" nakangisi kong tanong sa kanya.

Kagabi kasi umamin sa aming tatlo si Mark habang tulog si Kenth.

*Flashback*

Nang makapasok kaming tatlo sa kwarto namin, naabutan namin si Mark na nanonuod sa sala.

"Guys... Pwede kayong makausap?" tanong nya saamin. Umupo kaming tatlo sa sofa at tinanong ni Max kung bakit.

"Bakit? May problema ba?" tanong sakanya ni Max.

"Kasi... Ahm... Ano... May kailangan kasi akong sabihin sa inyo, hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ko, alam nyo naman yung nangyari saamin ni Kenth kanina diba?" tumango naman kami sa tanong nya.

"Nung nangyari yun, narealize ko na i like him and i love him. Yung tibok ng puso ko tuwing nagkaka-titigan kami ibang-iba, sobrang bilis." dugtong nya pa.

"Diba straight ka?" tanong ni Miko.

"Oo nga pero hindi ko talaga alam kung paanong nagyari pero isa lang ang sigurado ko. Mahal ko na sya." sagot nya. Seryoso ba sya sa sinasabi nya?

"Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo!" madiin nyang sabi.

"Suportado kita." sabi ni Max at tinapik nya sa likod si Mark.

"Ako rin." sabi din ni Miko.

"Suportado din kita bro basta isa lang ang hihilingin ko sayo, wag na wag na wag na wag mong sasaktan si Kenth kundi papatayin kita." sabi ko sa kanya.

"Salamat bro. May isa din akong hiling, wag nyo sanang sasabihin kay Kenth ah. Kasi gusto ko ako ang mag-sasabi sa kanya. Gusto ko lang na alam nyo." sabi nya.

*End*

"Ano? Hi-hindi." nauutal nyang sagot.

"Ows?" pang-iinis ko pa.

"Tigilan mo nga ako. Bababa na ako! Bye." sabi nya at saka bumaba ng kotse ko.

Hinintay ko muna syang makapasok ng baha nila bago ako umalis.

Kenneth's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko nakahiga nanaman sa kama at nag-lalaro lang sa phone ko nang biglang may nag-text saakin

From: Jester
Hey bespren, wag mong kalimutang i-upload yung mga pictures natin ha?

Mamaya ko na iuupload yung mga pictures namin hayaan mo sya. Di kasi nag-dala ng sariling camera tapos atat na atat pa na i-upload kaagad, bumaba muna ako para kumain.

-----

Nang matapos akong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung camera at laptop ko. Pumili ako ng mga pictures na ipopost ko. Nang mapili ko ng lahat. Nag-log in na ako sa facebook ko at inupload yun at syempre tinag ko sila. Hiyang hiya naman ako sa kanila baka magalit pa yung mga yun.

-----

10 pm na kaya nag-handa na ako para matulog, may pasok pa kasi bukas e. Ipinikit ko na ang mata ko nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Mark
Goodnight :)

Nireplyan ko naman ya kaagad.

To: Mark
Goodnight din :)))

From: Mark
See you in my dreams.

Dafaq. Napano nanaman to. Hindi ko na nga lang rereplyan. Inilapag ko na yung phone ko sa table ko at bigla ulit itong tumunog.

From: Mark
Joke lang.

Hindi ko nalang sya nireplyan kunwari nalang tulog na ako. Ipinikit ko na yung mga mata ko at nakatulog na.

-----

*Kinabukasan*

Nagising ako sa alam ng phone ko. Kaagad ko yung pinatay at dumiretcho na ako sa banyo para makaligo na. Nang matapos akong maligo, as usual bumaba ulit ako para mag breakfast at naabutan ko ulit si Mommy at Kuya doon.

"Oh Kenth, kamusta yung outing nyo?" tanong ni Kuya sa akin.

"Okay naman Kuya, masaya." sagot ko sa kanya.

Tumuloy na kami sa pag-kain namin, nung natapos kami, nagpaalam na kami kay Mommy at hinatid na ako ni Kuya sa school.

-----

Nandito na ako sa klase ko ngayon. As usual discuss lang ng discuss. After ng lahat ng klase namin nag-kita kita kaming mag-kakaibigan, mag-mamall naman daw kami dahil pareho namang maaga ang tapos ng mga klase namin. Pag-labas namin ni Jester ay nakita namin kaagad sila sa harap ng pintuan.

"Ready?" tanong ni Miko.

"Wait lang. Mag-ccr muna ako" paalam ko sa kanila..

"Sabay na rin ako. Naiihi narin ako e." sabi ni Mark.

"Sigurado ka bang iihi ka lang?" nakangising tanong ni Max.

"Oo!" madiin nyang sabi.

"Sige na, mag-cr na kayo para makaalis na tayo, wag lang kayong gagawa ng kababalaghan dun ha?" sabi ni Jester. Tiitigan ko sya ng masama, saka lumakad na ako palayo at sumunod naman saakin si Mark.

Pumasok kami sa mag-kaibang cubicle. Malamang, alangan namang mag-sama kami sa iisang cubicle. Matapos kong umihi ay lumabas na ako pero hindi parin sya lumalabas. Napa-ngisi nalang ako sa naiisip ko na sakaling ginagawa nya dun. Pumunta muna ako sa salamin habang ginihintay ko syang lumabas. Busy ako sa pag-tingin sa sarili ko, ngumunguso pa ako at hinihimas yung baba ko. Oops, hindi yung baba na ano ha, yung "chin" yung ibig kong sabihin ng biglang...

"Gwapo ka na." napatingin naman ako sa likod ko. Naramdaman kong umangat yung dugo ko papunta sa mukha ko. Nakakahiya lang na nakita nya akong parang tangang nakatingin sa sarili ko sa saalamin. Ngumiti nalang sya sa bigla, sana naman hindi nya napansin yung reaction ko. Alam kong pulang pula ako dahil sa hiya. Tumabi sa saakin at tumingin rin sya sa sarili nya.

-----

Nasa labas na kami ng  cr ng mapansin ko na parang may hinahanap sya.

"May hinahanap ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Ah, yung panyo ko kasi hindi ko makita. Wait lang ha. Titignan ko lang sa cr baka naiwan ko.

"Sige. Hintayin kita dito" sagot ko at lumakad na sya pabalik ng banyo. Gumilid muna ako habang hinihitay ko sya, kinuha ko muna yung phone ko para malibang. Habang kinakalikot ko yung phone ko biglang may kumalabit sa akin. Ang bilis naman nya.

"Oh... Mark ang bilis mo ya..." napahinto ako ng hindi si Mark ang nakita ko kundi si Jake.

-----

Votes and Comments po :)

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon