Chapter 7

3.4K 110 5
                                    

Kenneth's POV

"Kenth?" biglang may nag-salita sa tagiliran namin, sabay naming tinignan kung sino yun.

Nang-laki ang mga mata ko, Sh*t! Nakita kami ni Jester, Miko at Max sa ganong posisyon. Bigla naman akong tumayo at ganon din si Mark.

"Ah... Guys, kasi ano... ahm... natulak to sya... tapos... ano..." kabang-kaba kong sabi sa kanya pero hindi ko na naituloy dahil nag-salita na sya.

"Jest... No need to explain. I'm happy for you." sagot nya na ikinagulat ko naman. I'm happy for you?.

"Guys! It's not what you think.. Aksid..." biglang pinutol ni Miko ang pag-sasalita ko.

"Max, Jest. Tara na, tayo nalang yung mag-ayos ng campfire natin. Hayaan na natin silang mag-labing labing dito. Naputol natin e." sabi ni Miko. Sh*t ano ba to? Hindi na ako naka-react sa sinabi nya. Dumiretcho sila sa pinto at lumabas. Kakasara lang ng pinto ng bigla ulit itong bumukas.

"Enjoy!" sabi ni Max at ngumiti ng nakakaloko at isinara na nya ulit yung pinto.

Tahimik lang kaming dalawa ngayon, parang walang gustong mag-salita pero hindi nya na ito natiis at sya na ang nag-simula.

"Sorry." sabi nya saakin.

"Sorry din." sagot ko sa kanya.

"Wag kang mag-sorry. Kasalanan ko naman talaga e, kung hindi sa kagagawan ko, hindi mangyayari to." sabi nya pa. Gusto kong sabihin sa kanya na "Oo, kasalanan mo talaga." kaso naisip ko na hindi nya naman alam na ganon yung mangyayari kaya iba nalang ang sinabi ko sa kanya.

"Kasalanan ko rin naman e, kaya sorry din. Ang kailangan natin ngayon mag-explain sa kanila kung ano talaga ang nangyari." sabi ko sa kanya.

"Kailangan pa ba yun? Hindi ba pwedeng gawin nalang natin yung sinabi nila?" sabi nya habang naka-ngisi. Nagulat naman ako sa sinabi nya at tinitigan ko sya ng masama.

"Tang*na mo! Papatayin kita, isang-isa pa!" inis kong sagot sa kanya.

"Joke lang. Sige na, tutulungan kitang mag-explain sa kanila." sabi nya.

"Good Basta kalimutan na natin yung nangyari ha?" pagsang-ayon ko sa sinabi nya at tumango naman sya tanda ng pagsang-ayon nya rin.

-----

"Oh, tara na. Tumulong na tayo sa kanila, baka isipin nila na ginawa natin yun." sabi nya.

Agad naman akong lumabas at sinundan nya ako. Lumapit na kami sa kanila at nang makalapit kami sa kanila, naabutan namin na inaayos na nila yung campfire namin.

"Oh... Kenth, tapos na ba kayo? Ang bilis naman." sabi ni Jester na naka-ngisi pa.

Isang suntok sa braso ang inabot nya.

"Aray! Masakit yun ha!" inis nyang sabi sa akin habang tinitignan ang parte na sinuntok ko.

"Dapat lang yan sayo!" sabi ko sa kanya.

"Tumulong na nga lang kayo." sabi nya.

Tumulong nalang kami sa pag-aayos ng campfire para masilaban na namin yun kasi gabi na rin.

-----

Nang matapos naming ayusin ayung campfire namin. Naupo na kami doon at sinindihan na si Jester yun. Damang dama ko ang init na dala ng apoy na nagmumula sa siga na ginawa namin. Ilang sandali palang nung sinindihan ni Jester yun campfire namin, nag-suggest sya na mag-open forum kami para naman mas lalo daw naming makilala ang isa't isa.

"Sino ang mauuna?" tanong ni Jest. Nag-prisinta naman kaagad ako dahil kailangan ko nang linawin sa kanila yung nakita nila.

"Oh, kenth. Sige." sabi nya.

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon