Chapter 9

2.7K 84 1
                                    

Kenneth's POV

"Jake?" gulat kong tanong sa kanya.

"Kenth, please, give me a chance to explain para maintindihan mo ang lahat lahat." sabi nya.

"Kenth, tara na." sabi ng nasa likod ko. Alam ko na si Mark na yun.

"Sorry bro pero may kailangan pa kaming puntahan e." dugtong nya pa at saka ako hinatak palayo pero nag-salita kaagad si Jake.

"Teka bro. Sino ka ba? Hindi mo ba alam na nag-uusap kami?" inis na sabi ni Jake at huminto kami ni Mark sa pag-lalakad at humarap sya kay Jake.

"Ako lang naman ang BOYFRIEND nya!" sabi ni Mark at idiniin nya pa ang salitang boyfriend na syang ikinagulat ko naman. Hindi ko rin maexplain ang itsura ni Jake nung sinabi ni Mark yun.

Hinatak na ako palayo ni Mark at hindi ako makapag-salita, parang napipi ako sa nainig ko kanina. Tinignan ko naman si Jake sa kinalalagyan nya pero nakita ko syang lumalakad na palayo.

Nakarating kami sa mga kasama namin pero hindi parin ako nag-sasalita. Kinakausap ako ni Jester pero hindi ko maintindihan yun dahil paulit ulit sa isipan ko yung sinabi ni Mark na "Ako lang naman ang BOYFRIEND nya!"---"Ako lang naman ang BOYFRIEND nya!"---"Ako lang naman ang BOYFRIEND nya!"---"Ako lang naman ang BOYFRIEND nya!". Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang mga yun.

"Huy Kenth! May problema ka ba?" nag-aalalang tanong saakin ni Jester.

"Kasalanan ko." biglang sabi ni Mark.

"Owhh, Guys mukhang kailangan nyong mag-usap muna. Doon muna kami sa ground habang nag-uusap kayo. Saka na tayo mag-mall kapag ayos na yan." sabi ni Miko. Umalis na sila at naiwan kaming dalawa.

"Sorry... Ginawa ko la..." naputol sya sa pag-sasalita nung nag-salita na ako.

"Sa mini park tayo." matamlay kong sagot sa kanya, sa wakas nakapag-salita na rin ako. Lumakad na ako palayo habang kasunod ko sya hanggang sa makarating kami sa park.

Umupo kami sa bench na malayo sa mga tao.

"Bakit mo sinabi yun?" tanong ko sa kanya.

"Kasi yun lang yung naisip kong paraan para tigilan ka nya e." sagot nya.

"At iyun din ang sabi ng puso ko." dugtong nya pa. Lalo akong naguluhan sa sinabi nya.

"Ano bang pinagsasa-sabi mo ha?" gulong-gulo kong tanong sa kanya.

"Kenth, I like you, I love you. Hindi ko alam kung paano o bakit pero yan yung nararamdaman ko e." sagot nya. Ano? He likes me? He loves me? F*ck!

"Alam mo Mark, kung  joke to? Hindi to nakakatawa." sabi ko sa kanya. Tumayo na ako para umalis pero bigla nya akong hinatak pabalik at tinitigan nya ako. Iniwas ko ang mga mata ko sa mata nya.

"Kenth! Look at me, mukha ba akong nag-bibiro ha?" seryoso nyang sabi.

"Alam ko nabigla ka. Hindi mo inaasahan to, pero Kenth hindi ako nagmamadali. Handa akong maghintay, just give me a chance to love you." dugtong nya pa. Natameme ako sa sinabi nya. Tumayo nalang ako ulit at mabilis na naglakad palayo. Pumunta muna ako sa kinaroroonan nila Jester at nag-paalam ako sa kanila na uuwi na ako.

"Guys, uuwi na pala ako, biglang sumama yung pakiramdam ko e." palusot ko sa kanila.

"Ha? Hatid na kita" sabi ni Jester.

"Wag na, kaya ko pa naman. Kayo nalang muna mag-mall. Enjoy nalang kayo. Sige, bye." derederetcho kong sabi at hindi ko na hinintay yng sagot nila at lumakad kaagad ako ng mabilis papunta ng sakayan ng jeep.

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon