Chapter 20

2K 73 6
                                    

Kenneth's POV

( Day 6 )
Simula pag-gising ko hanggang ngayong hapon na nandito kami sa dalampasigan ay napansin ko na parang may problema tong apat na ito lalo na si Mark. Napano kaya yung mga to?

"Hoy! May problema ba kayo? Kanina pa kayo tahimik e." sabi ko sa kanila. Bakit bigla silang naging wierd?

"Wala naman. Wala lang kami siguro sa mood." sagot ni Miko. Baka nga wala lang sila sa mood dahil almost sa araw-araw na pamamalagi namin dito ay puro gala kami.

-----

Hanggang gabi ay ganon parin sila pero parang mas naging wierd pa sila lalo na si Mark na parang may ka-text. Aaminin ko na nag-seselos ako sa ginagawa nya, kahit palagi nya akong iniinis at dun sa pag-papakilig nya. Dahil nakasanayan ko ng maligo sa gabi kaya naligo muna ako at iniwan ko sila habang nanonood.

Mark's POV

Wohhh... Ito na kinakabahan na kami kanina pa. Oo, kami dahil pati daw sila ay natetense at naeexcite sa pwedeng mangyari mamaya at napapansin yun ni Kenth pero syempre nag-palusot kami. Nang maka-pasok si Kenth sa banyo ay nag-bihis kaagad ako at nagpa-gwapo syempre. Kaagad silang lumabas para siguraduhing ayos na ang lahat. Kanina pa rin nag-tetext saakin yung kinuha namin na mag-ooperate ng drone at sinabi nya na ayos naman ang lahat at kaya naman ng mga drone yung hangin, sinabi ko rin sa kanila na itataas ko nalang yung kamay ko para yun na yung cue nila para ilapit saamin yung drones. So, ayun nakampante na ako. Kinuha ko muna yung singsing sa bulsa ko at tinignan yun.

-----

After ng almost 30 mins ay nakita kong bumukas na yung pinto ng banyo namin and it finally starts...

Kenneth's POV
After kong maligo at makapag-bihis ay pumunata na ako sa sala para punahan sila. Naabutan ko na si Mark lang yung naiwan sa sala.

"Nasan sila?" tanong ko sa kanya.

"Ah... Na-nasa labas. Gu-gumagawa ng bonfire natin para mamaya. Ta-tara puntahan na natin." sabi nya. Masyado yatang balisa tong lalaking to.

"Sige." simpleng sagot ko at lumabas na kami ng room namin.

-----

Nag-lalakad kami ngayon sa papunta sa bonfire na ginagawa daw ng tatlo pero hindi ko naman sila makita. Nasa kalagitnaan na kami ng buhanginan ng huminto sya.

"Oh? Bakit ka huminto?" tanong ko.

"Dito daw kasi sila gagawa ng bonfire e. Hintayin nalang natin sila dito baka kumuha lang ng mga kahoy." sagot nya at umupo na kami.

"Ganda ng mga stars no?" sabi nya.

"Oo nga." sagot ko.

"Gusto mo ikuha kita?" sabi nya.

"Ha? Pano naman?" sagot ko. Natatanga nanaman siguro to at pag-titripan nanaman nya ako.

-----

Itinaas nya yung kamay nya na parang kumuhuha ng bituin. Habang ginagawa na yun may lumapit na mga drones na halos mag-kakadikit lang at may nakatali dun at huminto sa harap namin. Ano to? Sino naman nakaisip na mag-palipad nito sa gabi?

"I love you Kenth." sabi nya at ibinaba yung kamay nya. Kasabay ng pagbaba ng kamay ay nag-hiwahiwalay ang kaninang dikit-dikit na mga drones at bumungad saakin ang mga katagang nakasulat doon.

"KENNETH ACOSTA...
WILL YOU BE MY BOYFRIEND?"

Naguluhan ako sa nabasa ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Kenth, I love you. So will you be my boyfriend?" tanong nya ulit. Totoo nga, para saakin yun. Kitang-kita ko rin ang pagka-sincere nya sa bwat salitang binitawan nya. Sobrang hindi ko inakala ang mga nangyayari, ngayon lang ulit may nag-effort saakin ng ganito simula nang nag-hiwalay kami ni Jake.

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon