Chapter 4

4.2K 140 5
                                    

Kenneth's POV

Nandito na ako sa bahay ngayon. Nakahiga sa kama ko pinipilit parin magmove-on at pinipilit nang hindi umiyak. Iniisip ko nalang na baka tama yung sinabi ni Jester na baka hindi talaga sya ang para saakin kaya ganito ang nangyari. Baka nga may nakalaan pa talaga para saakin. Para mawala naman sa isip ko ang mga nangyari binukas ko muna ang laptop ko para mag facebook. Habang nagbrobrowse ako sa newsfeed naalala ko na "In a Relationship" parin ako kaya agad ko itong pinalitan ng "Single" isang step na to sa pagmomove-on ko. Isa ko pang naalala na friend o pa pala sya. So sinearch ko ang pangalan nya "Jake Sandoval" at pinindot ko agad ang unfriend dahil hindi ako makakamove-on kung makikita ko ang mga pictures na ipopost nya. Nag-browse lang ulit ako sa newsfeed at habang tumatagal, tinatamad narin ako kaya naglog-out ulit ako.

Nahiga nalang ulit ako sa kama ko at nagearphones nag-hanap ako ng kanta sa playlist ko at plinay yun.

Playing... Tuloy Parin by NeoColours

Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

Tuloy parin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang ating mundo
'Pagkat tuloy parin

Bawat lyrics ng kanta ay tumatagos sa puso ko. Unti-unting pinaparealize saakin na kahit anong mangyari sa buhay ko kailangang mag-patuloy lang ako dahil past is past, you can't go back in time, but you can change the future if you focus in the present and forget the bad memories of the past.

Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala ng iyong halik
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito

Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig
Tanggap na at natuto pang
Harapin ang katotohanang ito

Tuloy parin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang ating mundo
'Pagkat tuloy parin

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Nak. Bumaba ka na. Kakain na tayo, nandyan na ang Kuya Hiro mo." sabi ni Mommy

"Opo Mommy' bababa na po." sagot ko.

Nag-ayos na ako ng sarili ko at chinarge ko muna din ang phone ko bago bumaba.

-----

Pagka-baba ko papuntang dining room ay naabutan ko na si Mommy at Kuya na nakaupo na at hinihintay nalang ako.

"Oh Kenneth, umupo ka na" sabi saakin ni Mommy.

Lumakad na ako papunta sa upuan ko at naupo na.

-----

Habang kumakain kami. Kinausap ako ni Mommy.

"Nak, mamaya pagkatapos nating kumain mag-usap tayo ha?" malambing na sabi ni Mommy.

Tumingin ako kay Kuya at nginitian nya lang ako. Parang alam ko na tong nangyayari ah.

"Sige po Mommy." sagot ko sa kanya.

Pagka-tapos naming kumain sinabi ni Kuya na sya na daw ang magliligpit ng pinagkainan namin at sinabing mag-usap na raw kami ni Mommy.

-----

Nandito kami ni Mommy sa garden namin. Dito nya kasi gustong makipag-usap saakin.

"Mommy, ano po bang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.

"Nak, alam ko na ang lahat. Sinabi na saakin lahat ng Kuya Hiro mo." kalmadong sabi nya saakin.

"Mommy, I'm sorry." sabi ko habang nakayuko'

"Anak, hindi mo kailangang mag-sorry. Wala sayo ang problema, na kay Jake." sabi ni Mommy.

Sobrang natouch ako sa sinabi nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit. Yinakap nya rin ako.

"Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami para sayo. Wag kang mahihiyang mag-sabi ng mga problema at pinagdaraanan mo kasi maiintindihan ka namin lalo na ako dahil nanay mo ako. I love you anak." sabi nya saakin.

"I love you too Mommy at Thank you sa lahat. Napakaswerte ko kasi naging anak nyo ako ni Daddy. Lagi kayong nandyan para sa akin, para suportahan ako sa lahat ng gusto ko." tugon ko kay Mommy.

Matapos naming mag-moment ni Mommy. Nag-paalam narin ako sa kanya na aakyat na ako sa kwarto ko.

Pag-akyat ko sa kwarto nakasalubong ko si Kuya na pababa.

"Kuya, thank you." sabi ko sa kanya. Ngumiti muna sya bago mag-salita.

"Tss... No need. Alam ko naman kasi na wala kang balak sabihin kay Mommy yang pinagdadaan mo kaya ako nalang ang nag-sabi. Kasi mas maganda kung alam ni Mommy kasi alam kong matutulungan ka nya. Sige bababa na muna ako" sagot nya saakin.

"Sige Kuya, Thank you ulit." sagot ko.

Pumasok na ako sa kwarto ko at dumirecho sa kama. Kinuha ko na rin ang phone ko at nag facebook muna ulit ako. Pag-open ko account ko ang daming messages.

Tinignan ko yung ilan sa mga ito...

"Hi. Kuya, I'm also single, pwede tayo nalang?" naka-sulat sa isang message.

"Cutie. Single ka na? Usap tayo." luh, hindi ako interasado kung sino man sila. Tss.

Dahil iritang-irita na ako a kakabasa ng mga messages. Naglog-out na ako. Kinuha ko nalang ang laptop ko para manood ng movies. Wala namang pasok bukas so pwede akong mapuyat. Tumingin ako ng magandang movie na mapapanood ko.

Browse...

Browse...

Browse...

Ayun!

Harry Potter. Matagal na rin nung huli kong napanood to at this is one of my favorites kasama na ang Percy Jackson simula noong high-school pa ako. Mahilig ka si ako sa mga ganitong genre na mga movies. Plinay ko na ang movie at sinimulang manood. Naisip ko rin, sa ganitong paraan na ibabaling ko yung atensyon ko sa ibang bagay, mas madali kong malilimutan ang mga nangyari.

-----

Halos 2am na nung matapos akong manood at inaantok na rin ako so, inoff ko na yung laptop ko at humiga na sa kama ko. Bago ako matulog tumingin muna ako sa phone ko at nakita ko na may note na nakasulat "Anniversary" naalala ko bigla na kung kami pa ngayon, anniversary na pala namin. Kaso wala na e, dinelete ko nalang yung note na yun at sinabi ko sa sarili ko na "Malilimutan din kita." bago ko ipikit ang mga mata ko.

-----

Nagising ako nang maramdaman ko na may umupo sa kama ko.

Pagdilat ko bigla nalang...

-----

Votes and Comments po :)

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon