Chapter 23

1.7K 68 6
                                    

Kenneth's POV

This is it. Hiniram ko muna yung kotse ni Daddy dahil alam ko naman na hindi ako papahiramin ni Kuya. Takot magasgasan yung pinakamamahal nyang kotse e. Binigay na saakin ni Daddy yung susi at sinabing mag-iingat daw ako at wag mag-papagabi.

-----

Bumyahe na ako papuntang park. Medyo malapit lang naman, ayaw ko lang mag-lakad e. Nang makarating ako doon ay pinark ko muna yung sasakyan sa gilid at saka ako bumaba.

Inikot ko ang mata ko para hanapin si Jake. Nakita ko naman kaagad sya na naka-upo sa bench malapit sa may daan. Unti-unti akong lumakad papalapit sa kanya. Nanginginig ako, hindi ko alam kung kaya ko na syang harapin.

Bago ako makalapit ay huminga muna ako ng malalim at saka nag-salita.

"Ja-jake?" nauutal kong tanong. Kinagabahan ako, sobra! Unti-unti nyang inangat ang ulo nya at humarap saakin.

"Upo ka muna." mahinahon nyang sabi. Hindi ko ba alam kung uupo ako o hindi.

"Upo ka na." dugtong nya pa at umupo nalang ako.

"A-ano ba yu-yung pag-uusapan na-natin?" nanginginig kong tanong sa kanya.

"Yung tungkol dun sa pag-hihiwalay natin noon..." sabi nya. Sh*t! Nabukas nanaman yung topic na yun.

"Hayaan mo akong mag-explain at wag kang mag-sasalita hanggang hindi pa ako tapos ah?" sabi nya at napatango nalang ako.

"That day, ayaw kong gawin, ayaw na ayaw ko. Mahal na mahal kita, hindi kita kayang iwan pero pinag-bantaan kami..." sabi nya. Kita ko alng lungkot at sakit sa mga mata nya. Yung mga luhang pinipigil nyang tumulo. Hindi ko rin maintindihan yung sinabi nyang pinag-bantaan.

"Papaayin daw nila kami kung hindi mababayaran ung utang ng company namin sa company nila Andy." sabi nya pa. Oo, naalala ko, Andy yung pangalan nung tumawag sa kanya nung araw na yun.

"Sinabi nila na if within a week hindi pa kami nakakabayad ay papapata daw nila ang buong pamilya namin. Dahil hindi kami makahanap ng ipang-babayad sa kanila. Binigyan nila ako ng option na ipakasal ako sa anak ng may ari ng company na yun, kay Andy." pag-papaliwanag nya. Ngayon, alam ko na ang tunay na dahilan, ang tanga ko lang na hindi ko sya binigyan ng chance na mag-explain nun.

"Sorry Kenth. Mahal na mahal kita, sobra. Ayaw ko man pero wala akong choice." sai nya. Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala yug mga luha ko. Hindi ko alam na mas miserable pa pala ang naranasan nya kung para sa akin.

"No Jake, I'm sorry. Sorry kung hindi kita nabigyan ng chance na mag-explain sa akin. Sorry talaga." sagot ko sa kanya at tuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko.

"Shhh. Kenth, tandaan mo ha? Kahit saan man ako mapunta, sana maging kaibigan mo parin ako." sabi nya. Lalo akong naguluhan sa sinasabi nya.

"Ha?" tanong ko sa kanya.

"Kenth, pupunta na akong America bukas. Doon na kami titira at mag-papakasal ni Andy. Sorry Kenth." sabi nya. Hindi ko na talaga kinaya yung sinabi nya at napa-hagulgol na ako sa iyak. Ang tanga tanga tanga tanga ko!

"Sana din napapasaya ka na ngayon ni Mark tulad ng pag-papasaya ko dati sayo." sabi nya. Parang unti unting pinupunit yung puso ko sa mga narinig ko at hindi parin ako tumitigil s pag-hagulgol ko.

-----

Nang mahimasmasan ako ng kaunti ay tumayo na sya.

"Aano ka?" tanong ko.

"Aalis na. Maaga pa kasi flight namin bukas e" sabi nya.

"Pwe-pwede bang yakapin kita?" nilakasan ko na ang loob ko sa pag-atanong.

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon