Chapter 16

2K 75 3
                                    

Mark's POV

Ayaw nya man ay kinaladkad ko sya para kaming dalawa nalang ang gumala. Kaya my plan just started. Hehehe.

-----

"Tara na! Dun tayo sa dagat!" sabi ko sa kanya habang hinahatak sya.

"Ayaw ko nga e! Ayaw ko pang maligo." pagtanggi nya.

"Tara na nga! Ang arte pa e. Hindi naman tayo maliligo." sagot ko.

"Sige isa pa. Hindi na kita papansinin." sabi nya. Natakot naman ako kaya umisip nalang ako ng ibang pwedeng puntahan.

"Osige. Kumain nalang tayo." sabi ko nalang.

"Sige, payag ako. Nagugutom narin naman ako e." sagot nya kaagad.

"Sige tara na!" at humanap kami ng resto na makakainan.

-----

Nandito na kami sa resto na konti yung tao para konti daw makakain kaagad kami. May lumapit na babaeng waitress at nag-bigay ng menu samin.

"Miss... Cordon bleu at Golden Opulence Sundae nalang yung saakin." sabi ko at nilista nya naman yun. Napansin ko na hindi pa sya nakakapamili kaya naisipan kong pag-tripan sya.

"Hey baby? Hindi ka pa ba nakakapamili?" nabitawan nya yung menu at nang tumingin ako sa waitress sa gilid ko. Parang nalaglag yung mga panga nila sa narinig nila.

"Miss... Steak at Fleur Burger pati pala Kobe Beef Steak Pizza at Golden Opulense Sundae din" sinabi nya kaagad. "At miss. Wag mo nalang pansinin yan. Baliw yan e."

"Baliw sayo." sagot ko kaagad. Pucha kinikilig din yata si ate. Hahaha

"Sige po sir, wait lang po." sagot nya at umalis na. Alam ko na kung kutsilyo lang yung mga mata nya kanina nya pa ako napatay dahil sa talim ng titig nya.

"Bakit mo sinabi yun ha?" inis nyang sabi.

"Kunwari ka pa. Gusto mo rin naman." pag-iinis ko sa kanya.

"Ah ganon? Eto sayo!" sabi nya.

"Aray!" sigaw ko dahil tinapakan nya ako. Nakatawag pansin naman ako sa mga tao sa loob, buti nalang at kokonti lang ang mga tao.

"Isa pa?" tanong nya.

"Subukan mo lang." sagot ko.

"Ano gagawin mo ha?" tanong nya ulit.

"Hahalikan kita." sabi ko. Namula naman sya sa sinabi ko, ang cute.

"Ahmm... Sir eto na po yung order nyo." sabi nung waitress. Nasa likod ko na pala sya at alam ko na narinig nya yung sinabi ko.

"Ah, sige thankyou." sabi ko at inilagay nya na yung mga pagkain sa table namin.

"Sige po sir. Enjoy." sabi nung waitress at lumakad na sya paalis.

"Wait Miss." tawag ko sa kanya at huminto naman sya at bumalik saamin.

"Yes sir? May kailangan po ba kayo?" tanong nya.

"May itatanong lang ako." sagot ko.

"Ano po yun sir?" tanong nya.

"Bagay ba kami nitong kasama ko?" tanong ko. Nanlaki naman yung mga mata nilang dalawa. Lalo na si Kenth.

"Ah... Sir... O-opo. Ang cute nyo nga e." sagot nya.

"Ah... sige miss, makakaalis ka na." sabat ni Kenth at umalis na ng tuluyan yung waitress.

"Ano bang problema mo ha?" inis na sabi nya.

"Problema ko? Simple lang. Iniisip ko kung pano kita makukuha." sabi ko.

Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon