HIM 1

37.4K 530 34
                                    

Jaydie

"Keith, tama na yan. Nakakarami ka na." Pilit kong inaagaw sa kanya ang bote ng alak na akmang tutungain niya.

Kaninang alas-otso pa siya nag-iinom at alas-dose na ng hating gabi ngayon. Ang masahol pa hinatak niya ako dito na hindi pa naghahapunan.

"Ano ba?! Wag mo nga akong pakialaman. Sino ka ba?" ani niya sabay waksi ng kamay ko.

Pusang gala! Sino ako? Aba-aba! Walang hiya! Tong ungas na to.

"HOY KEITH MENDOZA! HINATAK-HATAK MO AKO PAPUNTA RITO TAPOS SASABIHIN MONG SINO AKO? MY GOD! AKO LANG NAMAN ANG BESTFRIEND MO." na mahal ka. Kaimberna!

Noon pa man mahal ko na si Keith at gusto ko na talagang sabihin sa kanya kaya lang nauunahan ako ng takot. Takot na baka lumayo siya sa akin.

Hayyy! Ito na naman lagi ang rule ko sa buhay niya, nakaupo sa tabi niya at pinagmamasdan kung kailan matatapos tong pagdadrama niya.

Nag-order na rin ako ng drinks...water, remember hindi pa ako naghahapunan kaya tubig lang. Ayaw ko namang tuluyang masira ang tiyan ko at para din naman may mapaglibangan ako hanggang hinihintay'ng maknock-down tong katabi ko.

"Bakit Jaydie?" Bigla kong naibuga yung iniinom ko ng bigla siyang humarap sa akin. Pasalamat siya nakatagilid ako sa kanya kundi nabugawan ko siya ng iniinom ko.

Sus! Keith, kung di lang kita mahal kanina pa kita binatukan.

"Bakit niloloko ng mga taong mahal ko? Ano bang mali sa akin?" Aba! Malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba mahal mo?

Minsan loko din tong si Keith kung anu-ano nalang ang tinatanong o sinasabi kapag nalalasing. Pero para sa akin,

Wala kang mali Keith, sila ang may mali at kung sakaling may mali ka nga tatanggapin ko dahil mahal kita.

Kung masasabi ko lang sana.

Noon pa ma'y magbestfriend na kami ni Keith since we're elementary back then. Una, crush ko lang siya and then nong naghighschool na kami yung pagkacrush ko sa kanya lumevel up at naging love pero sa kasamaang palad hanggang bestfriend lang ang tingin niya sa akin.

Kaya ang peg ko ngayon na BESTFRIENDZONED. :(

"Jaydie, mahal na mahal ko si Cynthia. Hindi ko kayang mawala siya sa akin." ani niya sa gitna ng kanyang pag-iinom.

Ako rin mahal na mahal kita at hindi ko rin kaya mawala ka.

"Jaydie, please tulungan mo akong bumalik siya sa akin." Kung tutulungan kita Keith para na rin akong nagpapakamatay.

Hindi ko siya sinagot at nagpaalam muna ako na pupunta sa CR at pinatingnan ko muna siya saglit sa bartender.

Habang papunta ako sa CR may nakita akong di kanais-nais at nagpataas ng aking dugo.

Si Cynthia Perez, ang babae na naging dahilan kung bakit nagpapakalasing at nag-eemo ang bestfriend ko ngayon.

At talagang nagkuha pa niyang magsaya kasama ang lalaki niya habang ang bestfriend andun nagpapakalunod sa alak.

Hindi na ako tumuloy sa CR, umatras din naman yung ihi ko at binalikan si Keith sa bar counter na ngayon ay nakadukmo at nakatulog na.

Binayaran ko ang bartender sa mga naiinom namin at binigyan ng tip para sa pagtingin saglit kay Keith kanina. Nagpatawag rin ako ng bouncer para magpatulong akayin si Keith.

Kailangang makalabas na kami rito bago makita kami ng Cynthia na yun.

"Dito nalang po niyo siya isakay sa likod." Pagkatapos isakay nong bouncer si Keith sa backseat nagpasalamat at binigyan ko siya ng tip, then bumalik na siya sa loob ng bar.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon