HIM 11

12.8K 245 3
                                    

Jaydie

"Come on Jaydie, Let's swim." Hila-hila ako ni Zsazsa papunta sa dagat. Nakasuot ako ng dark blue two piece, gayun din si Zsazsa kahit na malaki na ang tiyan nito.

"Mahal naman, parang awa muna wag ka ng tumakbo baka madapa ka at mapaanak ka ng wala sa oras." Kanina pa nagmamakaawa itong si Tristan sa cottage namin. Ayaw nga nitong pagsuotin si Zsazsa ng two piece ang sagwa daw tingnan dahil malaki ng tiyan nito, pero wala ng nagawa si Tristan ng bigla na itong umiyak kaya ayun nagtagumpay ang bruha.

At ngayon naman, patakbong pumunta ng dagat na siyang pinag-alala na naman ni Tristan.

"Halika na kasi mahal, magswimming na tayo. Promise hindi na talaga ako tatakbo." Tinaas pa ni Zsazsa ang kamay niya.

"Oo na. Nandyan na." Lumapit na si Tristan sa amin. Bigla naman siyang winisikan ni Zsazsa ng tubig sa mukha kaya ayun gumanti si Tristan.

Umahon na ako ng makita ko silang masayang nagwiwisikan ng tubig. Nakita ko naman sina Patrick at Chenzy sa di kalayuan, ganun din ang ginawa nila nagwiwisikan ng tubig.

Masaya akong nakikita ang mga kaibigan kong masaya, pero hindi pala lahat masaya ng makita ko si Eric sa may cottage na pinagmamasdan sina Chenzy at Patrick. Kitang-kita ko sa mga mata niya na mahal pa rin niya si Chenzy.

"JAYDIE! COME ON JOIN US!" Sigaw ni Chenzy habang kumakaway sa akin.

Gagawin pa ata akong chaperon ng lovebirds na to.

Umiling ako habang nakangiti sa kanila. Gusto ko silang mag-enjoy... Dun nalang muna ako sa cottage at eenjoy ko rin ang mga pagkain, wala kasi sa Canada ang mga yun.

Tatalikod na sana ako ng mabangga ako sa isang pader.

Wait, wala namang pader dito sa tabing dagat.

Nang mag-angat ako ng tingin---WAAAH! Hindi pala pader to.

"Okey ka lang, Jaydie?" Napatingin lang ako sa kanya mula ulo hanggang paa. O_OH MY TOPLESS SIYA. Yung mga abs niya kumakaway sa akin at tama nga ako nadagdagan na ang 6 packs niya. 8 packs na siya ngayon.

"Hey! Jaydie, are you okey?" Niyuyog-yog niya ako at dun na ako tauhan.

"A-ah. O-okey lang ako. No-nothing to worry... Si-sige una na ako." At tumakbo na ako palayo. Para akong teenager na nahihiyang nakaharap sa crush.

MY GOD! Nakakahiya. Bakit nagstammer pa ako kanina? T_T

***

*Mommy, answer the phone!*

Ring tone palang alam ko na kung sinong tumatawag sa akin.

"Hello! Little buddy. How are you?" It's been 2 weeks na nandito ako pilipinas miss na miss ko na ang anak ko, ngayon lang ako nawalay sa kanya ng matagal.

[I'm okey Mommy and I miss you too.]

"So, what are you doing now? You already eat your dinner? Who's with you?"

[I'm doing my assignment. Yes, I already done eating my dinner. I'm with Tito Leyan.]

"Okey Little buddy, just finish your assignment... I will call you later... I love you and I miss you."

***

Keith

Kakatok na sana ako sa pinto ng cottage ni Jaydie ng mapansin kong hindi pala nakasirado ng mabuti.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon