HIM 20

11.3K 238 7
                                    

Keith

"MOMMY! MOMMY! MOMMY!" Naalimpungatan ako dahil biglang nagsisisigaw si Jaykei sa kalagitnaan ng gabi.

Bumangon ako at binuksan ang ilaw na nasa gilid niya. Nakita kong basa ang mukha niya at humikbi.

"MOMMY! HUHUHU. MOMMY!" Panay ang tawag niya sa mommy niya habang umiiyak.

Miss na miss na siguro niya ang Mommy kahit dalawang araw pa siyang wala... Hindi ko na nakayanan ang pagtawag sa mommy niya habang umiiyak kaya ginising ko na siya.

"Hey! Baby! Wake up! You having a badream." Pukaw ko sa kanya at agad naman siyang nagising.

"Daddy, *sniff* si Mommy tinulak nong *sniff* bad guy sa *sniff* pader at may blood na lumabas sa head ni Mommy *sniff*." Umiiyak niyang turan.

"Sssh. Is just a bad dream baby. Nothings bad happen to your mommy, okey. Now, go back to sleep." Inaayos ko ang kumot niya atsaka sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. Madali siyang makakatulog kapag ginagawa ko ito sa kanya.

After 15 minutes nakatulog ulit siya. Dahan-dahan kong kinuha ang braso ko na ginawa niyang unan para ilipat sa totoong unan ng makatulog siya ng mahimbing.

Papatayin ko na sana ang ilaw sa gilid niya ng biglang nagvibrate ang phone ko sa tabi. Sinet ko sa silent kanina bago matulog baka kasi magising si Jaykei kung may biglang tatawag sa akin-- at ito nga may tumatawag.

Kinuha ko ito at tiningnan ang screen.

Si Jaydie? Bakit tumatawag siya ng ganitong oras?

Oo nga pala, magkaiba pala ang oras ng pilipinas sa canada, malamang umaga ngayon dun.

I press the accept button. Magsasalita pa lamang ako ng inunahan ako sa kabilang linya.

[Hello po! Si Sir Keith po ba ito?...Lasing na lasing na po ang may-ari ng phone na ito at ayaw po niyang tumigil sa kakainum. Nahulog po niya tong phone niya at kinuha ko po, nahanap ko po ang number niyo sa speed dial kaya kayo ang tinawagan ko... Sir, nandito po kami sa Pubhub Bar--(Hey! That's my phone. You theif.)] Totoot... Totoot...

I'm sure boses yun ni Jaydie na narinig ko sa kabilang linya. Hindi ako magkakamali.

Dali-dali akong umalis ng kama at lumabas ng kwarto. Wala na akong oras para magpalit pa ng damit, baka may masama ng mangyari kay Jaydie.

Bubuksan ko na sana ang front door ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Saan ka pupunta? Gabi na." Si Tita Ara habang may hawak na baso ng gatas. Siguradong galing ito sa kusina.

"Tita, pupuntahan ko lang po si Jaydie sa bar baka may mangyari pang masama sa kanya."

"Jaydie? Akala ko ba nasa canada siya ngayon."

"Yun din nga po ang akala ko Tita kaya lang may tumawag po sa akin kanina gamit ang phone niya na nasa bar si Jaydie lasing na lasing. Narinig ko pa nga po boses niya kabilang linya bago naputol ang tawag."

"Oh siya! Sige, puntahan muna siya baka ano pa ang mangyari. Ako na ang bahala kay Jaykei."

"Salamat po Tita. Sige po. Alis na po ako." Pagkatapos kong magpaalam kay Tita tinungo ko na agad ang kotse sa garahe ko.

Maraming tanong ang sumasagi sa isip ko habang nagmamaneho papuntang Pubhub bar.

Isa na dun, Bakit siya nandito?

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon