HIM 23

11.3K 204 13
                                    

Keith

Flowers (check)

.

Chocolates (check)

.

Teddy bear (check)

.

Presentable me (check)

.

Aakyat ako ng ligaw at hihingi na rin ng sorry kay Jaydie.

Bumuntong hininga muna ako bago pinindot ang doorbell.

"Teddy bear at chocolates may paflowers pa. Hehehe pasok po kayo Kuya Keith." Ani ni Mai-Mai, katulong nina Jaydie.

"Salamat Mai-Mai." Pumasok na ako sa loob ng bahay.

Naabutan ko si Jaydie nakaupo sa sofa at inirapan lang ako.

Galit talaga siya sa akin.

"DADDY!" Agad tumayo si Jaykei mula sa pagkakadapa at yumakap sa sa akin.

"Daddy, is that for me?" Sabi ni Jaykei sabay turo sa chocolates na hawak ko.

"No baby. This is for your mom. Don't worry I didn't forget my promise. Come on get it in the car pasama ka kay Ate Mai-Mai." Makakalimutan ko pa ba anak ko.

Agad naman nitong tinawag si Mai-Mai at tumakbo palabas. Hindi naman ako natatakot na lumabas si Jaykei safety naman tong subdivision namin.

And now, haharapin ko na ang galit ng mahal ko.

Linapitan ko siya sabay abot ng mga dala ko sa kanya.

"Mahal, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan at paalisin ka kanina nadala lang ako sa nararamdaman kong galit ng makita ko yung babaeng yun." Napaupo ako sa tabi niya at ibinaba ang mga dala ko sa mesa.

Humarap siya sakin.

"Wala naman sa akin yun Keith eh, naintindihan ko, ang kinagagalit ko ay kung bakit hanggang ngayon galit ka pa rin sa mama mo. Keith, matagal na yun."

"Alam mo namang iniwan niya ako noon at hindi binalikan diba? At alam mo kung gaano ako nangulila sa kanya ng mga panahon yun natural na magalit ako sa kanya." Pinigilan kong wag magtaas ng boses at iniwas ang tingin ko sa kanya. Ayaw kong dagdagan ang galit niya ng dahil lang sa babaeng yun.

"Sinabi na niya kung bakit hindi ka niya binalikan diba. Oo. Mali si Tita pero naisip mo bang nahihirapan din siyang iwan ka?" Bakit ba niya pinagtatanggol ang babaeng yun? Mas matagal niya akong nakasama at alam niya lahat ang mga dinanas ko.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon