HIM 25 (End)

17.3K 361 30
                                    

Jaydie

Mahigit isang buwan ng hindi nagpapakita at nagpaparamdam sa amin ng anak ko si Keith magmula nong libing ni Tita Meyen. Ang sabi niya magiging busy siya sa opisina dahil sa ilang linggo nitong leave pero nang makausap ko ang kapatid nitong si Michael-

"Nagawa na namin ni daddy ang trabaho niya isang linggo bago ang libing ni Tita Meyen at saka lagi itong umaalis at babalik kapag uwian na."

Kakainis yung lalaking yun wala naman palang ginagawa ni hindi man lang kami binisita o tinawagan o text man lang at ano naman ang pinagkakaabalahan ng lalaking yun?

"Mommy, bakit hindi na po tayo binibisita ni daddy? Hindi na po niya ba tayo mahal?" Naaawa na ako kay Jaykei lagi niyang hinahanap ang daddy at kung ano pa ang sinasabi.

"Busy lang si daddy mo kaya hindi niya tayo nabibisita at saka mahal na mahal ka ng daddy mo kaya nagtatrabaho siya ng mabuti para sa future mo." Minsan naiisip ko naniniwala pa kaya ang anak ko sa dinadahilan ko? Simula palang 'busy' na ang dinadahilan ko.

"Oh sige bumalik ka na dun, makipaglaro ka sa mga bata basta wag masyadong maglalalayo."

Nandito kami sa park para malibang kahit kunti si Jaykei at makalimutan saglit ang pangungulila sa tatay niya.

Mayamaya'y may nakita akong mga taong nagkukumpulan sa dulo ng park.

"Naku ang bata! Tulungan niyo ang bata!"

Agad lumukob ang kaba sa aking dibdib at napatakbo sa nagkukumpulan nang marinig ko ang sigaw ng isang Ale.

OH MY GOD! Please not my Jaykei.

Nanlumo at unti-unting bumibigay ang tuhod ko nang makita ang isang baseball cap na may mantsa ng dugo.

"Jaykei, anak nasan ka? Andito na si Mommy." Hilam sa luha ang mata ko habang palinga-linga umaasang makita ko si Jaykei.

"Misis, kayo po ba ang ina ng bata?" Tango ang tanging naisagot ko sa lalaki.

"Sumama po kayo sa amin dadalhin ko po kayo kung nasan ang anak niyo." Hinila ako ng lalaki at pinasakay sa kotse. Nagpatianod nalang ako dahil nawalan ako ng lakas, ang importante makita ko ang anak ko at masigurong ligtas ang kalagayan niya.

***

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako at-

Nasan ako?

"Ma'am, wag po kayong malikot baka po hindi magkapantay ang eye shadow niyo." Ani ng baklang nagma-make up sa akin.

"Sandali lang po. Paano ako napunta rito? Ang huli ko naalala pupunta kami kay Jay- Oh! Ang anak ko." Agad akong tumayo at dumiretso sa pinto. Akmang pipihitin ko ang doorknob nang bumukas ito at pumasok si-

"Mommy?" Anong ginagawa niya dito?

"Lalabas kang ganyan ang suot mo?" Agad akong napatingin sa suot ko at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng mapagtanto kong nakaroba lang pala ako.

"Hay naku! Anak, bumalik ka na dun sa upuan mo nang matapos ang pagma-make up sayo. Ilang oras nalang ikakasal ka na."

"Kasal? Ako ikakasal?" Kanino? Wala naman akong maalala na nagpropose sa akin si Keith.

Wag mong sabihing Arrange Marriage to?

"Aray! Mommy naman, ba't mo ako binatukan." Ang sakit mambatok ni Mommy parang minartilyo ang bunbunan ko.

"Kung anu-anong pumapasok diyan sa kukute mo."

Sabay kaming napalingon ni Mommy nang may kumatok at iniluwa ang isang gwapong lalaking nakasuot na itim na tuxedo.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon