HIM 17

10K 205 2
                                    

Jaydie

Nakapanganak na si Zsazsa ng healthy baby girl at ang nakakatawa si Tristan hinimatay sa loob ng deliver room habang nilalabas ni Zsazsa ang anak nila.

"Nakakaloka talaga sis. Imbes si Tristan ang paghugatan ko ng lakas, bigla nalang nanlambot at hinimatay." Napuno ng tawanan ang buong kwarto ni Zsazsa. Kumpleto kaming lahat maliban kay Keith, susunod nalang daw ito dahil may meeting pa daw.

"Eh, sa kinakabahan ako eh. Sabi nila kapag nanganak ka daw ang isa mon paa ay nasa hukay na." Ani ni Tristan sabay kamot sa batok niya.

"Talaga? Huhuhu T_T my loves kapag nanganak ako wag na wag kang hihimatayin huh, kundi ako papatay sayo." Baling naman ni Chenzy kay Patrick.

"Oo naman my loves. Promise hindi ako hihimatayin. Di kita iiwan hanggang sa mailabas mo ang baby boy natin." Ani ni Patrick sabay akbay kay Chenzy.

"Anong baby boy? Baby girl ang panganay natin." Pagpoprotesta ni Chenzy sabay kuha ng braso ni Patrick na nakaakbay sa balikat niya at kinurot ang tagiliran nito.

"*Aray* Hehe. Oo nga pala, baby girl ang panganay natin." Ani ni Patrick. Magbiro ka nalang sa lasing at sa bagong gising, wag lang sa babaeng buntis. Hahaha.

"Eh, ikaw Jaydie, sino ang kasama mo nong ipinanganak mo si Jaykei?" Tanong ni Zsazsa.

Muli namang bumalik sa akin ang nangyari nong araw na yun.

FlashBack:

Umuulan nung gabing yun at naiwan akong mag-isa sa bahay.

Si Leann, kapatid ko sa ina, nandun sa lolo't lola niya.

At sina Mommy at Tito Leon ay may business seminar sa London. Ayaw ngang sumama ni Mommy nun dahil ako lang mag-isa sa bahay... pero pinilit ko siyang sumama kay Tito Leon atsaka sa susunod na buwan pa naman ako manganganak at tatlong araw lang naman yung seminar nila.

Matutulog na sana ako ng biglang nawalan ng kuryenti. Hindi naman ako takot sa madilim kaya lang umuulan at may kasama pang kulog at kidlat.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Since nasa baba lang ang kwarto ko dahil nga buntis ako at hindi na kayang umakyat pa ng hagdan.

Pagkarating ko sa kusina hindi ko na pansin na may basa sa sahig kaya nadulas ako.

"AARRRGGGHHH!" Napasigaw ako sa sobrang sakit ng pagbagsak ko.

Pinilit kong makatayo pero bigla nalang may tubig na bumuhos mula sa akin at kasabay ng sobrang sakit ng tiyan.

"AARRGGGGHH! SAKLOLO! HELP ME! HELP ME! HEELLLPPP! SAKLOLO!" Manganganak na ata ako... pero--

"ARRGGGGHH! HELP ME! PLEASE HELP ME!" Baby, hold on ka muna. Wag mong iwan si Mommy may tutulong din sa atin.

Biglang bumukas ang pinto at may taong pumasok. May tinawagan siya ng makita akong nasa sahig at namimilipit sa sakit.

"Hold on Miss. The ambulance is on the way. Just don't sleep." Ani nong taong tumulong sa akin.

End of Flashback:

"Grabe yun talaga ang nangyari sayo?" Ani ni Tristan.

"Mas nakakatakot pala yung nangyari sa inyo ni Jaykei. Kung hindi pa dumating yung tumulong sa inyo, nawala ka na sa amin." Naiiyak na sabi ni Zsazsa. Dinaluhan naman siya ng asawa niya at pinapatahan.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon