HIM 4

14.7K 334 8
                                    

GOOD MORNING SUNSHINE!

HAPPY BIRTHDAY TO ME! ^_^

Agad kong kinuha ang phone ko na nasa side table. Gusto ko greetings agad ni Keith ang unang mabasa ko. Mga bata palang kami siya agad ang pinakaunang babati sa akin, except for my mom and dad.

And to my dismay walang text si Keith.

Ah. Baka tulog pa yun o di kaya'y may ginagawa lang. Naalala ko last year tanghali na niya akong nabati dahil may pinapagawa ang daddy niya.

Binalik ko phone ko sa side table saka bumangon sa kama, nagtuloy ako banyo para gawin ang morning rituals ko.

***

"HAPPY BIRTHDAY JAYDIE!" Bungad sa akin ng barkada pagkapasok ko ng bahay galing nagsimba.

"Girl, i-blow muna ang candle dali." Ani ni Patty habang may hawak na camera.

"Ano ka ba Patrick, dapat magwish muna si Jaydie bago ihipan yung kandila" Ani ni Tristan na may hawak na cake.

Pinikit ko ang aking mga mata at nagwish.

Sana maging masaya ang lahat ng mga taong mahal ko.

At inihipan ko na ang kandila.

"KAINAN NA!" Kanya-kanyang kuha na ng pagkain ang mga barkada.

Pinaghanda kasi ako nina Daddy at Tita Sharlene stepmother ko, ito na raw kasi ang huli na dito ako magbibirthday at padespida party ko na rin daw to.

Pinapasunod na kasi ako ni Mommy sa Canada at dun ko na din daw tatapupusin ang pag-aaral ko.

Matagal ko rin itong pinag-isipan at kinausap ko din sina Daddy at Tita Sharlene tungkol dito, pumayag din naman sila, kung saan daw ako masaya susuportahan nila ang desisyon ko. Hindi naman sa hindi ako masaya poder nila, namimiss ko na din kasi si Mommy, 3rd year highschool pa ako nun nong huli kaming magkita, although may skype naman pero iba pa rin yung nakakasama at nakakayakap mo.

Masaya ako dahil nandito sila la-- Teka, bakit wala si Keith?

"Guys, asan pala si bestfriend'ng Keith?" Imposible namang nakalimutan niya ang birthday ko.

"Tinext at tinawagan ko na yun, di naman makuntak." Ani ni Tristan napuno ang bibig ng pagkain.

"Ewww. Tristan, tumatalsik yung kanin mula sa bibig mo. Bakit di mo yan nilunok bago ka nagsalita."Ani ni Zsazsa

Tinalikuran ko muna sila at tinawagan ko si Keith.

Tama nga si Tristan di ko siya makontak.

Nasan na kaya yun?

"Mga bata, ito oh!" Ani ni Daddy na galing sa kusina na may dalang bote ng alak.

"Tamang-tama po yan Tito, uhaw na uhaw na po ako." Ani ni Tristan at kinuha niya kay Daddy ang alak.

"Anak, wag masyadong iinom maaga pa ang flight mo bukas." Ani ni Daddy na siyang ikinatigil at napatahimik ang lahat.

"Aalis ka?" Basag ni Patty sa katahimikan.

Tumango nalang ako bilang sagot habang nakayuko. Alam kong magagalit si Patty, hindi ko kasi sinabi sa kanya yung desisyon ko, naturingan ko pa siyang bestfriend ko, aside from Keith.

"Saan ka pupunta? Kailan ang balik mo?" Patuloy ni Patty.

"Pinapasunod ako ni Mommy sa Canada at I'm--I'm staying there for good." Napagdesisyunan ko na rin na dun na ako mananatili.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon