HIM 14

11.5K 257 10
                                    

Keith

"Mommy, what's going on here? And why are you crying?" Sabay kaming napalingon sa likod ng may nagsalitang bata. Agad namang tumakbo si Jaydie at niyakap ito.

"Where did you go? I'm worried." Nag-alalang tanong ni Jaydie.

"I was washed my hands over there." Sabi nong bata sabay turo dun sa maliit na sink.

"Next time tell mommy, where did you go, okey." Tumango yung bata at muli itong niyakap ni Jaydie.

Pinagmamasdan ko lang bata habang nakayakap ito kay Jaydie. Biglang napatingin sa akin ang bata at nagtama ang aming mga mata--para kong nakikita ang sarili ko sa kanya nong bata pa ako. Pareha kami ng mata, ilong, labi at mukha kahit na may pagkachubby tong batang to.

"Mommy, I'm hungry." Kumalas sa pagkakayakap si Jaydie at inakay ang bata papunta sa table namin.

"Hi mga Titos, Titas and the babies! Nice to meet you again." Kinawayan niya ang barkada at hinaplos ang tiyan nina Zsazsa at Chenzy... Ang bibo niyang bata.

"Mommy, why he didn't answer me?" Bigla akong siniko ni Patrick kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?" Naguguluhan kong sabi.

"Tinatanong ka nong bata. Sino ka raw?" Bulong ni Patrick.

"Ahehe. I'm sorry. I'm Keith Mendoza." Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Ah okey po. I'm Jaykei Lopez. 3 years old. Nice to meet you po." Naglahad siya ng kamay. Tiningnan ko lang yung kamay niya.

"Maawa ka naman sa bata, na ngangawit na ang kamay niyan." Bulong ni Patrick sa akin.

Inabot ko ang maliit na kamay nito at nakipagshakehands.

***

Jaydie

Napalunok ako ng makipagshakehands si Jaykei kay Keith... God, Ito na ba ang panahon na para sabihin kay Keith ang tungkol kay Jaykei?

Tahimik lang kaming lahat na kumakain, pareho kasi kaming mga gutom lalong-lalo na tong anak ko. Habang kumakain ako panay ang sipat ko kay Keith na nakaupo sa harap namin ni Jaykei, minsan nahuhuli ko siyang nakatingin kay Jaykei tapos sa akin.

Nahalata kaya niya na may hawig sa kanya si Jaykei? Kahit naman kasi may pagkachubby tong anak ko, kung tititigan mo ng mabuti makikita mo pa rin ang features ni Keith.

"Alam niyo guys, may mukha tong si Jaykei." Biglang sabi ni Chenzy sabay kagat nong chicken.

"My loves naman, natural may mukha talaga tong inaanak natin. Saan ka ba nakakita ng taong walang mukha? *Aray* my loves naman ba't mo ako binatukan?" Ani ni Patrick.

"Sumasabat ka kasi, hindi pa tapos yung sasabihin ko, kumagat lang ako ng manok... Ayun nga, ang ibig kong sabihin may kamukha si Jaykei... Si---" Napalunok ako ng tatlong beses at nakatutok habang hinihintay ang sasabihin ni Chenzy. Hindi lang pala ako ang nakatutok sa kanya, kami pala lahat even Keith.

"Kumain ka pa my loves para busog kayo ni baby palagi. Ito oh." Sinubuan ni Patrick si Chenzy ng manok kaya hindi natuloy ang sasabihin niya, na siya namang ikinalma ng sistema ko.

Hindi na namin muling napag-usapan ang kamukha ni Jaykei hanggang sa magkahiwalay-hiwalay na kaming lahat.

"Little buddy, did you enjoy?" Tanong ko kay Jaykei habang inaayos ko ang seatbelt niya.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon