HIM 18

10.5K 215 17
                                    

Jaydie

Dalawang linggo na ang nakalipas ng huli kaming nagkita at nagkausap ni Froilan through skype. Dati rati kung araw-araw siyang tumatawag, ngayon ni Ha ni Ho wala.

Inaamin kong simula nong pinagtapat at pinakilala ko kay Keith si Jaykei ay malimit ko ng naiisip si Froilan pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi ko na mahal si Froilan.

Lagi akong sinasama ng mag-ama kung saan sila magbobonding dalawa at naging maayos na din ang pagkakaibigan namin Keith.--- Napagdesisyunan naming dalawa na maging magkaibigan. May fianceé ako at siya naman may girlfriend kaya it's better na maging kaibigan kami for Jaykei.

"Jaydie, gusto mo raw akong makausap?" Ani ni Keith.

Nandito siya lagi sa bahay para kamustahin at makipaglaro kay Jaykei. Dun na rin siya umuuwi sa kanila para malapit lang daw siya kay Jaykei.---Mahal na mahal niya ang anak namin at napagdesisyon ko na bigyan siya ng pagkakataon na bumawi kay Jaykei.

"Oo. Gusto ko sanang sabihin sayo na babalik na ako ng canada sa susunod na linggo, tapos na kasi ang vacation leave ko." Bakas sa mukha niya na ang kalungkutan. Malamang iniisip niyang isasama ko si Jaykei. Napangiti ako.

"Wag ka na ngang malungkot diyan, hindi ko naman isasama si Jaykei... Gusto kitang kausapin dahil sayo ko siya iiwan... Hindi naman ako masama para isama si Jaykei sa pag-alis ko at nakita ko kung gaano mo siya kamahal kaya kampante akong iwan siya sayo." Nag-angat siya ng tingin at biglang lumiwanag ang mukha... pero teka, ba't may kunti pa ring lungkot sa mga mata?

"Talaga?! Hindi mo siya isasama at iiwan mo talaga siya sa akin?" Mangha niyang pagkasabi.

Nalikmata lang siguro ako kanina. Wala namang bahid ng kalungkutan ang boses niya at masayang-masaya siyang iiwan ko sa kanya si Jaykei.

"Paulit-ulit? Naka-unli?" Nagulat ako ng bigla nalang niya akong niyakap.

"Hindi naman. Kinaklaro ko lang. Salamat Jaydie huh, sa kabila ng ginawa ko sayo hindi mo pinagkait sa akin ang anak natin." Biglang lumakas ang tibok ng puso ko kaya agad akong kumawala sa pagkayakap niya.

Nakakahiya kong maramdaman niya ang paglakas ng tibok ng puso ko, lalo pa't hindi ko alam kong bakit.

"Kailan alis mo? Kailan ka babalik?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Sa susunod na linggo." Actually, may dalawang linggo pa ako bago matapos ang vacation leave ko, I want to surprise Froilan and spend my last remaining days with him.

Babawi ako sa kanya sa dalawang buwan na hindi kami magkasama at siyempre miss na miss ko na rin yun.

"Ah. Ganun ba. So, may tatlong araw ka nalang pala rito. Nasabi mo na ba kay Jaykei?"

"Oo at ang saya nga niya na iiwan ko siya sayo." Totoo, nagtatalon pa nga sa kama namin.

"Alam mo nakakatampo na yang anak mo... Ayaw niyang ginugulo ko ang buhok niya pero ikaw okey lang... Ayaw niyang tawagin ko siyang baby boy dahil big boy na raw siya pero ikaw ayos lang at ang lapad ng ngiti... at ngayon naman tuwang-tuwa siya na iiwan ko siya sayo at lagi niyang tinanong kung kailan ako aalis, eh noon ayaw niya akong umalis kahit sa trabaho lang ang punta ko." Ano ba to para akong bata na nagsusumbong sa tatay.

"HAHAHAHAHA." Aba! Tinawanan lang ako ng loko.

"*Aray!* Jaydie, *Aray!* di na ako tatawa. Sorry na. *Aray!* " Pinaghahampas ko siya sa braso niya.

Nagtatampo na nga pinagtatawan pa. Hmp.

***

Keith

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon