HIM 15

11.8K 221 4
                                    

Jaydie

Nandito kami ngayon sa mall. Nag-aya kasi tong si Keith na ipasyal at ibili ng mga laruan si Jaykie. Ayaw ko sanang sumama para magkabonding silang mag-ama kaya lang tong anak ko nagpabebe, ayaw niyang sumama sa Daddy niya kung hindi ako sasama.

"Come on Mommy, Daddy. Let's buy airplanes." Hinila kaming dalawa ni Keith, ni Jaykei papasok sa Toy Kingdom.

It's been a week na din mula ng maipakilala ko silang mag-ama at sa loob ng linggong yun palaging naglalaro sa park ang dalawa. Ewan ko ba dito kay Keith kung nagtatrabaho pa ito. Umaga palang nasa bahay na siya at siya na rin ang nagpapaligo at nagpapakain kay Jaykei.

"Daddy, I like that one. Can you buy it for me? Pretty please." Saad ni Jaykei at nagpacute sa daddy niya. Ito namang Keith ang bilis madala kaya ayun binili ang standee ni Luffy ng one piece.

Pinagbebenta ba yun?

"Oh! Sure, anything for my baby boy." At ginulo ni Keith ang buhok nito.

Nasabi ko na ba sa inyo na may favoritism na nagaganap dito?

Ayan nasabi ko na.

Yung cute kong anak ayaw magpatawag sa akin ng baby boy dahil malaki na raw siya, kaya I call him little buddy, pero kapag daddy niya ang tumawag na baby boy, aba'y ang loko tuwang-tuwa pa.

At isa pa, ayaw niyang ginugulo ko yung buhok niya, pero daddy niya okey lang.

Haiist! Pinagpalit na ako ng anak ko. T_T

"What's with that face?" What's with that face, mukha mo. Tss.

Iniwan ko siya at sinundan yung anak ko sa counter.

***

Lunch time na kaya itong anak ko nagtatantrums na.

"Daddy, I'm hungry." Lagi nalang daddy, daddy, ang bukambibig nitong anak ko. Nakakaselos na.

Loka! Siyempre, ngayon lang niya nakasama ang daddy niya. Eh, ikaw, simula pa lang nong nasa sinapupunan mo lang siya. Tudyo ng utak ko.

"So, where do you want baby boy?" Lumuhod si Keith para mapantayan ang anak ko, namin at nandito kami sa gitna mismo ng mall kaya agaw kami ng pansin.

Ang gwapo naman yung daddy at ang bait-bait niya sa anak niya.

Oo nga, lumuhod pa siya para mapantayan yung bata at tinanong kung saan gustong kumain ng bata.

Ang cute-cute din baby boy manang-mana sa daddy niya.

O, walang ng nakuha sa akin kahit ako pa ang nagdala sa kanya sa loob ng siyam na buwan at nagluwal.

"I want Jollibee, daddy." Masigla niyang sagot.

"Okey then. Let's go." Binuhat nalang ni Keith si Jaykei para mabilis kaming makarating sa Jollibee. Lunch time na kasi kaya siguradong maraming tao at pahirapang humanap ng pwesto.

Pagkadating namin sa Jollibee agad ng pumila si Keith at kami naman ni Jaykei ang naghahanap ng bakanteng upuan. Maya-maya'y dumating na si Keith na may dalang isang tray at may kasunod na isang crew na may dala ding tray.

Matapos ilapag yung mga pagkain, kakagat na sana ng manok si Keith ng magsalita si Jaykei sa tabi ko.

"Let's pray muna Mommy Daddy." At nagsign of the cross.

"Papa Jesus, thank you for this food and thank you that you've granted my wish. Me, Mommy and Daddy eating together. Amen. Let's eat na po." Hindi ko alam na yun pala ang wish ng anak ko mula noon. Ang sama kong ina.

"Jaydie, why are you crying?" Ani ni Keith sabay punas ng mukha ko. Hindi ko alam naiyak na pala ako.

"Why are you crying Mommy? You didn't like the food?"

"Nothing little buddy. I like the food di ba paborito natin tong chicken joy?" Tumango naman siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Gabi na ng umuwi kami galing mall at nakatulog na si Jaykei sa sobrang pagod. Kung anu-ano kasi ang pinaggagawa ng mag-ama sa mall.

"Dito mo nalang siya ilapag." Inayos ko ang kama na hihigaan ni Jaykei habang buhat ito ni Keith.

"Salamat." Ani ko.

Pagkatapos ilapag ni Keith si Jaykei nagpaalam na siya sa akin. Uuwi pa kasi siya sa condo niya which is far from here. Naikwento kasi niya sa akin na hindi na siya tumutuloy sa bahay ni Tito Alfred, daddy niya which is 1 block away from here, at malapit lang daw yung condo niya sa company nila.

***

Kakatapos ko lang magbihis na pampatulog ng magring ang phone ko.

Honey Calling...

O_O OMG! Hindi ko pala natawagan ng ilang araw si Froilan. Nawili kasi ako sa mag-ama kong nag-eenjoy sa kakalaro at sa pamamasyal. At hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkita at nakilala na Jaykei at yung daddy niya, to think na siya ang fianceé ko at napamahal na sa kanya si Jaykei.

"He-Hello Honey!"

[Honey, I miss you. Why you didn't answer my call or call me?]

Ang totoo niyan nawala talaga sa isip ko si Froilan nitong mga nakaraang mga nakaraang araw.

Kasi si Keith lang ang nasa isip mo kaya nakalimutan mong may fianceé ka na. Sabi ng isang utak ko.

"I'm sorry Honey kasi--" Dapat ko bang sabihin sa kanya? Napamahal na din kasi kay Froilan si Jaykei.

[What is it Honey? Is there any problem?]

"Ahm. Honey, I met him. The father of Jaykei, my bestfriend back then." *Moment of silence*

Kinakabahan ako habang hinintay kung anong sasabihin ni Froilan.

[Sinabi mo na ba sa kanya? Masaya ba si Jaykei nakilala niya ang daddy niya?] Pinakinggan ko maigi ang boses niya at parang nagkacrack ito. Does it mean umiiyak siya?

"Hon, umiiyak ka ba? Please, wag kang umiyak. Hon, I love you I don't want to see or hear you crying." Nasasaktan kasi kapag umiiyak siya. I love him kahit na nakalimutan ko siyang tawagan nitong mga nakaraang araw.

[I'm sorry Hon. Natatakot lang ako ngayong nagkita na kayo muli ng first love mo at may anak pa kayo baka--] Pinutol ko ang sinasabi niya. Kung anu-ano kasi ang lumalabas ng gwapo kong fianceé.

"Ssh. Don't think that Hon. Ikaw na ang mahal ko ngayon, di ba magpapakasal na tayo. Tatay lang siya ng anak ko kaya nothing worry hon."

Tatay lang kaya ng anak mo o may iba pa. Sabi naman ng utak ko.

[Thank you Hon. Always remember that I love you so much.]

"I love you too, Hon."

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Froilan pagkatapos pinatay na niya ang tawag may meeting pa kasi siya at ako naman ay matutulog na.

***


DKC

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon