HIM 3

15.9K 350 8
                                    

"Girl, papunta ka na ba sa tambayan? Sabay na tayo." Kakadismiss lang namin at mukha agad ni Patty ang nakita ko pagkalabas ko ng classroom namin.

"Pupunta pa ako ng canteen eh. Gusto ko kasing kumain ng carbonara." Yung prof. kasi namin naikwento niya yung paborito niyang carbonara na gawa ng misis niya, kaya ayun natakam tuloy ako.

"Oh! Parang nagulat ka?" Nanlaki ba daw ang mata.

"Girl, di kaya'y naglilihi ka?" Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Patty.

Noon pa man kumakain na ako ng carbonara ah, occasionally nga lang, atsaka di lang naman ako ang natakam ah, sa katunayan nga nag-uunahan na yung mga kaklase ko ngayon papunta sa canteen.

At ako naglilihi? Imposible. Wala naman akong naramdaman na kakaiba sa akin atsaka dinatnan ako nong isang araw.

"Loko to. Hindi ah. Hindi ako nakapaglunch kanina kaya nagugutom ako.Tara na kung gusto mong sumama,baka maubusan pa ako ng mga kaklase ko." Mauubusan na ata ako kung babagal-bagal ako.

"Sigurado ka huh, baka bigla nalang akong maging ninang diyan." Napataas ang kilay ko.

"Ambisyosa to! Ninong ka, hindi ninang atsaka sigurado akong hindi ako naglilihi kakatapos ko lang nong isang araw." Binulong ko sa kanya ang huli kong sinabi baka kasi may makarinig at maissue pa ako.

"Ewww. Kadairi to."

"Arte nito." Inirapan ko siya at nauna na akong maglakad sa kanya baka wala na talaga akong maabutang carbonara sa canteen, at kapag nangyari yun puputulan ko talaga si Patty.

.

Puputulan ng

.

.

KUKU!

***


Burrp...*

"Gracias!" Sabay punas sa gilid ng labi ko. Nabusog talaga ako dun.

"Kadiri ka girl parang di ka babae ang lakas mong dumigay at isa kang carbonara monster." Natawa ako sa reaksyon ni Patty at may hampas pang kasama. Nakaubos kasi ako ng limang serve ng carbonara.

"Eh, sa gutom ako eh at sinabi ko naman sayo na hindi ako nakapaglunch kanina kaya bumabawi ako ngayon."

"Ewan ko sayo, tara na nga sa tambayan baka hinihintay na nila tayo dun." Oo nga pala, friday ngayon, and every friday it's flyday magkikita-kita kaming magkakaibigan para gumala.

"Sandali kukunin ko lang yung tatlong pack ng polboron na pinaserve ko."

"Hindi ka lang carbonara monster, polboron smasher ka din."

"Hindi naman para sa akin to. Pangsalubong ko to kay Tita! Mahilig kasi siya sa polboron." Ang isa para kay Tita at siyempre ang dalawa para sa akin. Hehe. Eh, sa gusto ko ding kumain ng polboron eh.

"Tara na nga." At hinila na niya ako palabas ng canteen.

***

"Oh! Nandito na pala ang dyosa nating kaibigan at ang gwapong alalay." Ani ni Tristan na ikinatawa naming lahat, except for Patty na nakabusangot.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon