HIM 19

9.7K 206 12
                                    

Jaydie

Dumiretso ako sa condo ni Froilan pagkadating na pagdating ko dito sa Canada. I want to surprise him.

Habang nakasakay ako ng taxi papunta sa condo ni Froilan bigla akong kinabahan.

"Where here Miss?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Manong. Bumaba na agad ako pagkatapos kong magbayad at magpasalamat.

Pagkadating ko sa tapat ng unit ni Froilan agad akong nagdoorbell.

Pagbukas ng pinto---

"SURPRISE!"

"Who are you?" Ani ng isang babaeng buntis na sa tingin ko mga pitong buwan na ito.

"Babe, who is that?" Bigla akong natigilan ng makitang lumabas si Froilan sa isang kwarto na nakaboxer lang. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakatungo ito habang pinupunasan ang kanyang basang buhok.

"Froilan?" Mahina kong sabi pero sapat na marinig ni Froilan.

Agad siyang nagtaas ng tingin at nanlaki ang mata na makita niya ako nakatayo dito sa pinto.

"Ja-Jaydie!"

"Froilan, what's the meaning of this?" Nanginginig kong tanong.

I have a feeling na babae niya to pero sana hindi.

"I'm sorry. Let me explain--" And with that sinugod ko si Froilan at pinagsasampal-sampal.

"DAMN YOU ASSHOLE! HAYOP KA!" Binuhos ko lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko sa pagsampal sa kanya.

"Hey! Stop it!" Inawat ako nong babae at dahil dun siya naman ang pinagbuntungan ko.

"MALANDI KA! SLUT! WHORE!" Sinabunutan at sinampal ko siya ng paulit-ulit, wala akong pakialam kahit buntis pa siya.

Hindi ako santo. Tao ako na nagagalit at nasasaktan.

"Jaydie, stop it. She's pregnant." Pigil sa akin ni Froilan pero hindi ako nagpapigil.

"SLUT!" Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

"JAYDIE, ANO BA?! TAMA NA!" Bigla niya akong tinulak at tumama ang ulo ko sa pader.

Napahawak ako sa ulo na parang basa, pagtingin ko sa kamay ko du-dugo. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako sa ulirat.

***

Nagising ako dahil sa narinig kong ingay. Nakita ko silang lahat, si Mommy, Tito Leon, Tito Rogie, Tita Min at pati ang lalaking kinamumuhian ko.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Ngayon ko lang napansin nakabenda pala ang ulo ko ng makita ang reflection ko sa bintana.

Tiningnan ko sila isa-isa at ng madako ang tingin ko sa kanya, agad akong umiwas.

Hindi ko siya kayang makita. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Anak, hindi mo ba kami kilala?" Napataas ang kilay ko sa tanong ni Mommy.

Nauntog I mean tinulak lang ako sa pader--Magkakaamnesia agad?

Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni Mommy at iniba ko ang usapan.

"I want to go back in the Philippines." Malamig kong sabi.

"Huh?! Kakarating mo lang di ba kagabi? Hindi nga namin alam na dumating ka na pala kung hindi lang kami tinawagan ni Froilan atsaka anong nangyari sayo? Ayaw naman kaming sagutin ni Froilan kung anong nangyari." Malamang siya ang may kagagawan nito, alangan namang sasabihin niyang tinulak niya ako sa pader at pinagpalit sa ibang babae.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon