HIM 13

11.7K 248 4
                                    

Keith

Isang linggo na ang nakalipas magmula nong reunion namin sa tagaytay. Nauna akong umuwi sa kanila dahil nagkaemergency dito sa kompanya.

Ito ako ngayon tambak na naman sa trabaho. Ito kasing magaling kong kapatid nagleave na walang pasabi at napakaraming iniwang trabaho.

At bilang boss ng kumpanya sinalo ko ang gabundok niyang trabaho. Ayaw ko namang maging dahilan ito ng pagkalugi ng kumpanyang pinaghirapan ni daddy.

"Wazzup bro! Wag ka namang masyadong workaholic diyan aaga kang tatanda niyan at baka di ka na makapag-asawa. Sayang lahi natin." Ani ni Michael na kakapasok ng opisina ko at walang sabi-sabing umupo sa harap ko.

"Bumalik ka pa. Tss." Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga dokumento na nagkalat sa mesa ka.

"Easy lang Kuya. Hindi ko naman ginustong magleave eh at iwan ang mga trabaho ko. Si daddy kasi kung hindi ako magleave ng isang linggo para idate yung anak ni Mr. Constansya na mukhang espasol kukunin niya ang baby porsche ko." Ewan ko ba dito kay Daddy kung kani-kanino nalang pinapadate si Michael.

Mabuti't di niya ginawa sa akin yun. Kung nagkataon maghahalo ang balat sa tinalupan.

"Oo na. Sige na umalis ka na. Marami pa akong gagawin."

"Nga pala Kuya, sabi ni Mommy sa bahay ka na raw magdinner. Miss na raw niyang kumpleto tayo sa hapag-kainan." Ani ni Michael bago tuluyang lumabas ng opisina ko.

Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakauwi sa amin magmula ng magtrabaho ako.

***

"Mabuti't nakarating ka anak. Tamang-tama nakahanda na ang hapunan natin." Agad akong hinila ni Tita Ara papuntang dinning area at nandun na nga si Daddy at si Michael.

Namiss ko na din tong magkasama kaming kumakain at nagkukwentuhang apat. Kahit hindi naman ako anak ni Tita Ara hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako.

"Keith, kailan ka ba mag-aasawa? Hanggang ngayon wala ka paring pinakilala sa amin ng Tita Ara mo na girlfriend mo... Bakla ka ba anak?" Saad ni Daddy.

*Cough*

*Cough*

*Cough*

"Okey ka lang ba anak? Ito tubig oh." Inaabutang ako ng tubig ni Tita Ara, agad ko namang kinuha yun at ininum.

"Daddy naman, ano bang klaseng tanong yan? Hindi po ako bakla."

"Sorry naman. Wala ka kasing pinakilala sa amin na babae. Si Jaydie lang naman ang kilala namin ng Tita Ara na bestfriend mo." Ani ulit ni Daddy.

"Speaking of Jaydie, nakita ko siya kanina sa park may kasamang binata. Siguro boyfriend niya yun o di kaya asawa. Ang sweet nga nilang tingnan... Teka, di pa ba kayo nagkita?" Ani ni Tita Ara.

Sino kaya yung kasama ni Jaydie?

Yun na kaya yung fiancee niya?

"Bisitahin mo kaya yung kaibigan mo matagal na rin kayong di nagkita. Nandun lang siya sa bahay ng Daddy niya tumutuloy." Ani ni Daddy.


Isang linggo din magmula nong huli kaming nagkita... Gusto ko siyang puntahan pero natatakot at nahihiya ako dahil sa ginawa ko sa resort at baka galit yun sa akin.

He Impregnated Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon