Chapter 3: Knock, Knock, Knockin'

99.3K 2.6K 154
                                    

Fresia was with her friends when an unknown number called. Kumakain sila sa isang restaurant habang pinagkikwentuhan ang nangyari sa kanya kanina nang biglang tumunog ang phone niya. Mona picked it up. Ito ang sumagot ng tawag bago pa siya makareklamo.

"Hello? Who is this?" asked her friend in an almost perfect imitation of her voice and intonation. Mona's eyes widened and when she spoke again, malambing na ang boses nito. "Hi! Oh no... I'm Fresia's friend, Mona. Yes, she's here with us."

"Who's that?"

'Bullet!' Mona mouthed. Ngumiti ito nang magsalitang muli ang kausap. Saka biglang kumunot ang noo. "Boracay?"

Mona glanced at her.

"What are you talking about? She's not coming with us," paliwanag nito sa kausap.

Something in her gut just twisted. "What do you mean I'm not coming with you?!"

Hindi siya pinansin ng kaibigan. Kaya sinipa niya ang binti nito. Mona winced, but her voice remained sickeningly sweet.

"Yes, you can have her for three days," ngiting-ngiti nitong sabi sa kausap.

Akmang sasabunutan niya ang kaibigan nang pigilan siya ng katabing si Brandi. Si Mona naman ay hinarangan ni Aika. Tawang-tawa ang dalawa sa kagagahan ni Mona.

They always do this. They like to set her up with guys dahil siya raw ang pinakabata at pinakang-swerte sa kanilang magkakaibigan pagdating sa mga lalaki. Habang ang mga ito ay single at naghahanap ng love life, siya ay nagka-Richard na. But there were other guy, even before Richard.

Kahit noon pa mang sila na ni Richard, may mga nanliligaw pa rin sa kanya. At ngayon namang wala na sila, may isa na namang bagong lalaki sa buhay niya.

But while her friends blame it on fate, she blames them for their own misfortunes.


It's not destiny's fault that Aika's such a hopeless romantic. Hindi kasalanan ng universe na masyado itong pihikan sa lalaki dahil gusto nitong kasing-perfect ng mga fictional character ang makakatuluyan nito.

Hindi rin kasalanan ng mundo kung insecure si Mona. Mahilig ito sa matatamis pero ayaw mag-exercise. She also lacks confidence kaya kahit may nagbibigay na rito ng motibo ay hindi nito mapansin. Iniisip kasi nitong pang-kaibigan lang ito palagi. Always the friend, never the girlfriend.

And then, there's Brandi. Ubod nga ng ganda, masyado namang takot magtiwala. Brandi goes on dates, but only on the first ones. But it's understandable since she's been through a series of heartaches already. Dati kasi ay mabilis naman itong magtiwala. Madaling mapaikot kaya ilang beses nang naloko. Kaya ngayon, iyon ang naging shield nito laban sa lahat ng lalaki.

"I swear, Mon, one of these days, I might actually kill you," banta niya sa kaibigan nang tapusin nito ang tawag.

Humalakhak ito. "Sure! You can kill me after you get married."

Humalukipkip siya. "I really hate you right now."

"I know, Sweetie, but you'll thank me later."

She highly doubts that.

--

Fresia's plan was to ignore her friends' advice and just go to Boracay whether they like it or not. Matagal na nilang planong magkakaibigan na pumunta ng Boracay. Bago pa man makipag-break sa kanya si Richard ay naka-empake na ang mga damit niya.

Susunod sana siya sa mga ito kinabukasan. But that was before she saw the designs Bullet sent her, anyway. He got everything wrong! Mali ang kulay. Mali ang design. Mali ang placement ng mga gamit. It's like he didn't even take her preferences into consideration.

The Second Time Around (The Starving Squad #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon