Chapter 30: B.A.C

63.3K 2.3K 418
                                    

Coincidence lang ba na nawalan ng bala si Bullet at may nakita si Fresia na bala sa mga gamit ng kapatid niya? It even has Bullet's initials. Bullet Andreus Cardona. It's too much of a coincidence.

Ano na lamang ang gagawin niya kung totoo iyon? Kakayanin ba niya?

She shook her head. No. She shouldn't assume things. Malay ba naman niya kung saan galing ang bala. Maybe Fiona bought it from a souvenir shop. Uso naman 'yong mga balang ginagawang pendant. At napakarami ring pangalan na B.A.C ang initials sa mundo. Just because things look like one thing, doesn't mean it's the truth.

Shaking her head, she put the necklace on and went out of the room. Pinuntahan naman niya ang sariling silid para doon maghanap ng iuuwi. Wala nang masyadong gamit sa kwarto niya. Either naitapon o naipahingi na. Isang drawer na lamang ang nandoon. Pagkatapos niyang mailagay sa kahon ang mga dadalhin ay napagpasyahan muna niyang matulog. Kung maaga siyang uuwi, hindi niya madadatnan si Bullet. Ito pa naman ang gusto niyang unang makita pag-uwi niya.

Plano sana niyang idlip lamang ang gawin, power nap. Kaso ay mahigit dalawang oras na pala ang lumipas nang magising siya. Dali-dali siyang nag-ayos at lumabas ng kwarto dala ang kahon ng mga gamit.

"'Yan lang ang iuuwi mo?" takang tanong sa kanya ng ina. Nakaturo ito sa kahon na dala niya na wala pa yatang kalahati ang laman.

She nodded. "You can do whatever you want with the rest."

Isinukbit niya ang dalang bag at lumabas ng bahay patungo sa sasakyan. She called Bullet before starting the car, telling him what time she'll be arriving.

"Damihan mo ng luto, a. Paniguradong gutom ako pag-uwi ko."

"Oo naman. Kasya na ba sa 'yo ang isang kilong afritada at isang rice cooker na kanin?"

Ngumuso siya. "Grabe ka naman. Hindi naman ako ganyan katakaw."

Tumawa ito. "Malay ko ba kung hindi ka pa nagla-lunch. Feeling ko hindi masarap ang pagkain dyan. Kulang sa pagmamahal."

"Sobrang bland nga ng kinain namin kanina. Kung hindi lang ako gutom, hindi na sana ako kumain," sumbong niya.

"Don't worry. When you come back, you'll have the most amazing meal. I promise you that."

"I know," sabi niya nang may ngiti. "Nga pala, may pasalubong ako sa 'yo mamaya."

"Really? What's that?"

"Basta. You'll see."

"Okay. Drive safely."

Feeling a little uplifted, she drove home with a smile on her face. Iniwanan na niya ang inis sa dati nilang bahay.

--

The way back was laced with traffic. May aksidente sa daan. Mabuti na lamang at may mga CD siya ng paboritong kanta ni Bullet. Since they liked jamming in the car so much, nagpa-burn ito ng CD para mapatugtog nila sa daan, lalo na kung traffic.

Limang oras din siya sa daan. Kaya hindi pa man siya nakakarating ng apartment ay puro pagkain na ang nasa isip niya. She should have eaten something, kahit biskwit lang. Hindi sana siya dapil na dapil sa byahe.

Pero nang may maamoy siyang mabango ay nawala ang pagsisisi niya. Sa pintuan pa lamang ay kalam na nang kalam ang sikmura niya dahil sa bango ng niluluto ni Bullet. She excitedly opened the door and found the living room dark. Nakapatay ang ilaw. Tanging ang mga kandilang nakalapag sa sahig ang nagsisilbing ilaw.

There's also a scattering of rose petals on the floor.

Sumilip si Bullet mula sa kusina. Naka-apron ito at may hawak na sandok. He looks so cute! Parang house husband lang ang dating.

The Second Time Around (The Starving Squad #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon