Chapter 15: The Awkward Aftermath

75.7K 2.2K 237
                                    

It would have been nice if Fresia was drunk. At least, may excuse sya kung bakit bigla na lamang siyang nanghalik. But last night, she was totally sober.

Napasapo siya. She should have known better. Sinabi lang ni Bullet na espesyal siya, hinalikan na niya ito kaagad. He might have just said that to his grandma so she'll let him go. It could have been an excuse. His excuse.

It could mean nothing!

Niyakap niya ang mga tuhod at saka isinubsob ang mukha roon. It was still early. Wala pang alas seis ng umaga. Hindi na siya nakatulog dahil sa nangyari. It was so awkward after the kiss. Hinawakan siya nito sa tigkabilang pisngi at seryosong tinanong kung lasing ba siya. When she told him that she wasn't, hindi na ito nakaimik.

Masyado siyang nailang kaya nagpaalam siya kaagad na matutulog na kahit gising na gising pa ang diwa niya.

Hindi niya alam ang gagawin ngayon. Malapit nang magsigising ang mga kasama nila. She can't hide inside the tent forever. Damn his lips for being so inviting. Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa utak niya!

She exhaled.

It's already done. All she can do now is pretend that it never happened. Nahiga siyang muli at pumikit. She needs to sleep, kahit konting oras lang.

--

Nagising si Fresia nang magising ang mga kasama. Nang tingnan niya ang relong suot ay nakita niyang alas siete pa lamang ng umaga. Halos isang oras lang ang naitulog niya. Hindi na rin kasi siya dinalaw ng antok dahil nag-iingay na sina Mona.

When they got out of the tent, they found the boys already cooking rice. 'Yong dala nilang skinless longganisa, iniihaw na ni Mang Ed.

May isang tindahan sa campsite pero mas mahal ang presyo ng bilihin kesa sa tindahan sa entrance. Nagbubukas lang iyon sa madaling-araw at nagsasara agad bago gumabi. Nagpainit sila roon ng tubig para sa pangkape nila. She's not fond of instant coffee but it's all they have.

Hinayaan niyang sina Aika at Bullet ang maghanda ng kape. She plans on staying away from him the whole day... but that didn't happen. Lumapit na ito kaagad sa kanya dala-dala ang isang cup ng kape.

"Good morning," nakangiti nitong bati.

"M-Morning," she murmured. Kinuha niya ang kape at lumayo dito. She couldn't even look him in the eye, for chrissake!

Naupo siya sa tabi ni Mona na noon ay pinanunuod si Felix na magsaing, which translates to him just standing near the stove, waiting for the rice to cook.

"Are you okay? You look pale," puna nito.

"I'm okay. Hindi lang nakatulog nang maayos."

"Uy... bakit?"

"Kasi nag-ingay kayo agad. Patulog pa lang ako kanina."

"Umaga na kasi, friend," sabi nito sabay higop ng kape. "Ang umaga, para sa paggising, hindi para sa pagtulog. Kung mag-date naman kasi kayo, madaling-araw na."

Pinandilatan niya ito. How did they know? Akala niya ay tulog na ang mga ito nang mga oras na 'yon!

"D-Did you—"

"See what you did?" Tumango ito. "We saw it."

Mona patted her back. Siya naman ay lalong nahintatakutan. Her friends would tease her nonstop! Baka may mang-blackmail pa sa kanila! Dapat kasi talaga ay hindi siya agad bumigay sa tukso.

"I'm dead," naiiling niyang sabi.

Tumawa si Mona. "Ano ka ba! Okay lang 'yon, 'no. Mukhang nag-enjoy din naman sya sa kiss nyo."

The Second Time Around (The Starving Squad #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon