Tuwang-tuwa si Fresia sa lasagna na dala ni Bullet. Manghang-mangha itong nakapanuod sa kanya nang makalahati niya ang laman ng tray. She just couldn't stop eating! Mabuti na nga lamang at hindi siya mabilis tumaba. Safe pa naman ang waistline niya kahit manakit-nakit ang tiyan niya pagkatapos kumain.
"Nahiya ka pa. Hindi mo pa inubos," kumento nito.
Since she was in a fantastically good mood, pinalampas na niya ang pang-aalaska nito.
"I hope you're that good," sabi niya rito.
"Sorry to disappoint you, but no one can rival my grandma. She's the best. Pero masarap din naman akong magluto."
"Lahat kayo sa pamilya, marunong magluto?"
Tumango ito. "We have a restaurant in Pampanga. Sina lola ang nagma-manage. Si mama sana ang magti-takeover kaso..."
Kaso namatay agad ang mommy nito.
"Kapampangan ka pala?" pag-iiba niya ng topic.
"Yep."
"Really? Hindi halata." He looks more like a city boy, born and raised somewhere in Manila. "Magsabi ka nga ng Kapampangan."
"Ot nakang katako? Nakang kalati pero kung makapangan ka balamu metung kang banwang pedanupan."
"What does it mean?"
Ngumiti ito. "Wala... sabi ko ang ganda mo."
"Weh. Ang haba-haba ng sinabi mo, e."
Tumawa ito. "'Yon nga 'yong sinabi ko. It's up to you kung maniniwala ka o hindi."
Ngumuso siya. Alam niyang hindi iyon ang ibig nitong sabihin. The glint in his eyes gave him away. Baka mamaya ay nilalait na pala siya nito nang hindi niya alam. Wala pa naman siyang kaibigang Kapampangan. I-Google kaya niya?
Just let it go, Fresia, she told herself.
She put the rest of the lasagna inside the fridge. Kumuha siya ng damit na pamalit at saka naligo. He was watching TV when she got out of the shower. At home na at home talaga ito sa apartment niya. Nakataas na naman ang paa.
"Bakit hindi ka pa matulog?" tanong niya sabay palis ng mga paa nito.
"Kaiinom ko lang ng kape, e."
She sat next to him and took the remote. Hindi nagreklamo si Bullet nang ilipat niya ang channel. May marathon ng bridal shows sa isang cable channel. Inaabangan niya iyon simula last week pa.
"That will definitely put me to sleep," sabi nito sabay pagulong ng mata.
"My house, my channels."
Itinaas nito ang dalawang kamay. "Sabi ko nga."
--
Dalawang oras din siyang nanuod at dalawang oras nagtiis si Bullet sa mga reaksyon niya. She's emotional when watching those shows. Kaya nga niya nagustuhan ang pagdidisenyo ng mga damit pangkasal. Iba kasi ang pakiramdam niya.
Dahil na rin siguro iyon sa impluwensya ng tiyahin niyang malakas ang hilig sa kasal. Frustration kasi nito iyon dahil tumanda itong dalaga. Does that mean that she'll end up that way too?
She already eliminated the best possible candidate to be her husband. Hindi talaga niya nagawang mahalin si Richard. She tried, but what's the use of being in a relationship if you'll just try? Shouldn't loving someone come naturally?
She even did it with him, once. Naisip niya noon na baka kapag compatible in bed sila, magustuhan na rin niya ito. That maybe that carnal need will soon develop into love. Kaso wala... Richard couldn't satisfy her.
BINABASA MO ANG
The Second Time Around (The Starving Squad #1)
General FictionFresia wanted to love Richard. She tried for three years, pero walang nangyari. She thought that she wasn't capable of love because she wasn't shown love, growing up. Ang ate niya ang magaling. Ang ate niya ang importante. Ang ate niya ang mas mahal...