Fresia was so angry last night, which she knows that many women will understand. Bullet should not have led her on. Sisimulan tapos hindi naman tatapusin? Dahil sa inis niya kagabi ay nasipa niya ito palabas ng kwarto. At dahil doon ay mukhang hindi ito nakatulog nang maayos.
Simula nang magtabi sila sa pagtulog, parang naging depende na sa kanya ang himbing ng tulog nito. Kapag malayo ito sa kanya, hindi ito masyadong nakakatulog. The further he is, the worse his nightmares get. But last night looked like hell for him.
Mapulang-mapula ang mga mata nito, parang hindi nakatulog at all. Parang may kung anong kumurot sa puso niya. She hates seeing him like this.
"Morning," he muttered. Inilapag nito ang bagong timplang kape sa lamesa. Her coffee. Then he drank from his own mug.
Hindi sana niya ito kakausapin kaso... nakakakonsensya. "Are you okay?"
Umiling ito.
"Had another nightmare?"
"The worst one so far." Inihilamos nito ang kamay sa mukha.
"Nakailang kape ka na?"
He raised his mug and answered, "This is my third cup."
Agad niya iyong kinuha mula rito. "Then enough."
Sumandal si Bullet sa counter at pumikit. He rubbed his eyes and said, "I need to stay awake."
Inilayo niya ang kape nang akmang aabutin nito. She took a few sips from her own cup before putting it on the table next to his. Inilahad niya ang kamay. "You need to sleep."
Tiningnan nito ang kamay niya. "Tatabihan mo 'ko?"
"Do I have a choice?"
"Hindi ka na galit?" nakangiti nitong tanong.
Kahit ayaw niyang ngumiti, napangiti siya sa tanong nito. "Lakas mo sa 'kin, e."
Hinila niya ito patayo at papunta sa kwarto. "You can sleep until noon," she told him. Anim na oras pa bago mag-alas dose. "After lunch na ako papasok."
Nahiga silang dalawa sa kama. Yumakap ito sa kanya at humalik sa pisngi. "Thank you," he said before dozing off.
Hindi na niya sinabi rito na kailangan din niya ng tulog. Last night was a disaster. She never should have worn that necklace in the first place. She didn't know that he was still so affected by what happened in his past. Sana man lang ay nagsasabi ito sa kanya. Ramdam niyang marami pa itong hindi sinasabi sa kanya. Maybe he's not ready yet.
She touched his face. Tulog na tulog na ito kaagad. She will let him rest for now, but he needs to tell her what's bothering him. Hindi pwedeng palaging ganito. Parang napakabigat ng dinadala nitong problema. It's wearing him down. Sa sobrang affected nito, just seeing the necklace triggered a bad memory. Naudlot tuloy 'yong...
Umiling siya. Ano ba, Aika! Lumayas ka nga sa utak ko!
Yumakap siya kay Bullet at pumikit. He will tell her someday... when he's ready.
--
Nagising si Bullet nang maramdamang may tumatapik sa pisngi niya.
"Hey... wake up. Tanghali na."
Kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa batok saka niya ito hinila palapit. "Five more minutes..."
Tumawa ito nang mahina. "Ano ako, alarm? Bangon na. Mamaya ka na lang uli bumawi ng tulog."
Well, if she didn't kick him out of the room last night, masarap sana ang naging tulog niya kanina. But he didn't point it out. Baka magalit na naman ito sa kanya. Kung hindi siya mukhang bangag kanina, siguradong hindi ito maaawa sa kanya. At pahirapan na naman ang panunuyo kung nagkataon.
BINABASA MO ANG
The Second Time Around (The Starving Squad #1)
General FictionFresia wanted to love Richard. She tried for three years, pero walang nangyari. She thought that she wasn't capable of love because she wasn't shown love, growing up. Ang ate niya ang magaling. Ang ate niya ang importante. Ang ate niya ang mas mahal...