Chapter 25: A Glimpse of the Past

71.9K 2.4K 326
                                    

Fresia woke up before Bullet that morning. This rarely happens. Kapag nangyayari iyon ay hindi muna siya umaalis sa pagkakayakap nito. The warmth of his body is a striking contrast to the cold weather.

They may not be doing it, but this is every bit as intimate as that.

Tiningala niya ang katabi. Tulog na tulog pa rin ito. He looks better now. Simula nang magtabi sila sa pagtulog ay nawala na ang itim sa ilalim ng mga mata nito. He doesn't look tired anymore. Buong gabi itong nakayakap sa kanya. Kahit medyo malikot siyang matulog ay hindi pa rin siya nalalaglag dahil secure na secure siya ng mga braso nito. Who'd have thought that she'd find someone as sweet as him? Hindi ito nahihiyang magpakita ng nararamdaman kahit nasaan sila. Palaging yumayakap, umaakbay, o humahalik.

Hindi na nito kailangang manligaw sa kanya kung ganito naman ito araw-araw. Mas sweet pa sa asawa.

She planted a soft kiss on his jawline saka siya dahan-dahang kumawala sa pagkakayakap nito. Mabilisan siyang naghilamos at nagsuklay ng buhok, then she brewed coffee. He likes his dark and bitter. She likes hers creamy and sweet.

She wanted to make some pancakes but she doesn't know how. But she's willing to try. Kumuha siya ng mga ingredients na nasa cupboard at ginawa ang naaalala niyang steps mula sa demonstration ni Bullet sa Pampanga.

Dahil hindi naman siya mahilig mag-bake, wala siyang measuring tools. Kumuha na lamang siya ng maliit na tasa at doon tinakal ang harina. Inilagay niya iyon sa isang bowl at gumawa rin siya ng butas sa gitna. On a separate container, she put two whole eggs and fresh milk (she's not sure if it's the right kind of milk for pancake making). She mixed the two wet ingredients and set them aside. Hinaluan niya ng asukal ang harina saka niya pinaghalo-halo lahat.

She was trying to smoothen all the lumps when Bullet finally woke up.

"What are you doing?"

"I'm making pancakes."

Naghilamos muna ito sa banyo saka siya binalikan. He checked the batter. It still has a few lumps in it. Kinuha nito ang panghalo mula sa kanya. He whisked the lumps out of the pancake mixture.

Ito ang nagtimpla ng kape habang siya naman ay sumubok magluto ng isa. Nilagyan niya ng maliit na hiwa ng butter ang lutuan. Dalawang takal sa sandok ang inilagay niyang batter sa pan. And immediately, there's a problem. Parang kutsinta ang texture ng pancake nang tiningnan niya ito maya-maya. Nasunog din agad ang butter na inilagay niya para hindi dumikit ang mixture sa pan.

She turned the stove off and grunted. Padabog niyang ibinato ang sandok sa sink.

"Mag-fried rice ka na lang ulit," inis niyang sabi kay Bullet.

She was about to throw the mixture away when he stopped her.

"Kumalma ka nga," sabi nito. He put it back on the table and asked her about the ingredients she used in making the pancake mix. Siya naman ay inisa-isang sabihin ang mga inilagay niya roon.

"Did you put butter and baking powder?"

Nakanguso siyang umiling.

"I forgot the baking powder."

"Kailangan mo 'yon para paalsahin 'yong pancake," paliwanag nito.

Tumango siya. "Kailangan pa ng butter?"

"So that it won't stick to the pan. Para hindi mo na kailangang maglagay ng butter o oil sa lutuan."

"Oh... I didn't know that."

Idinagdag nito ang mga kulang na sangkap at muling hinalo ang mixture. Nang makuntento ay ito na ang nagluto.

His version of the pancake was perfect. It was fluffy and it smells really delicious.

The Second Time Around (The Starving Squad #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon