Hiyang-hiya pa rin si Fresia sa nangyari noong Martes ng umaga kaya hindi siya umuwi nang gumabi. Nang tawagan siya ni Bullet bandang alas nueve ay nagdahilan na lamang siyang may tatapusing damit.
"I need to finish a dress for my client. She's going to visit tomorrow," she told him. There is some truth in her statement. She really needs to present a customized wedding dress for a client tomorrow. But the dress was already done last week.
"Are you sure it's not because you're avoiding me?" paninigurado nito.
She let out a nervous laugh. "Avoid you? Why would I do that?"
Of course, she already knew the answer to that. Hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari kaninang umaga. She was still shaken when she went to work. Walang pep talk. Hindi halos siya makausap ng mga consultants. Nagkulong lang siya sa opisina niya maghapon.
It was so embarrassing for her. She and Bullet were almost naked when Richard barged in the apartment. Alam niya kung ano ang inisip nito. Gustuhin man niyang magpaliwanag ay hindi niya nagawa dahil naunahan siya ng gulat.
Sigurado siyang makararating ang nangyari sa mga magulang niya. She was also sure that they are the ones who sent Richard there. Dahil hindi siya mapakiusapan ng mga ito ay si Richard na lamang ang pinakiusapan nila.
It is like Richard to go to her apartment early. Ganoon ito kapag may lakad, maagang pumupunta sa kanya para hindi siya makagulo sa schedule nito at hindi rin ito makagulo sa schedule niya.
She used to appreciate his timing. Palagi kasi itong may dalang breakfast kapag ganoong oras ito pumupunta. Pero hindi ito bumibisita nang walang paalam. If she knew that he will come, she would have told Bullet to go home.
Kaso hindi niya alam. Nagkanda-letse-letse tuloy.
"Anong oras kang uuwi bukas?" narinig niyang tanong ni Bullet. "Ipagluluto pa ba kita ng agahan?"
"I'd probably be late." Tanghali na siya uuwi para hindi niya ito maabutan. "Pero magluto ka pa rin para may pagkain ako pagdating."
Tumawa ito. "All right. I'll see you tomorrow."
--
There's nothing to do at the boutique at night. Fresia tried sketching new designs but nothing's coming up. Hindi sya inspired mag-drawing. Hindi rin naman siya makatulog dahil maaga pa. Dahil bored na bored na siya, tinawagan niya ang mga kaibigan. Sina Aika at Mona lamang ang naka-conference niya dahil busy si Brandi. Nasa club yata ito. She answered earlier but the background noise was too loud. Wala siyang naintindihan.
"Ano'ng ulam nyo kanina?" bungad na tanong ni Mona.
"Hindi ko alam. Nag-overnight ako sa shop."
"Bakit?" tanong naman ni Aika. "Kung may lalaking kasing-gwapo ni Bullet na magaling magluto na naghihintay sa bahay ko, uuwi ako ng maaga araw-araw."
"Couldn't have said it better, Sister!" pagsang-ayon ni Mona. "Kung ako ikaw, tatabihan ko pa sya pagtulog!"
She rolled her eyes. "Ang landi nyong dalawa!"
"Hindi malandi. Appreciative lang," pagtatama ni Aika.
"Tama. Unlike you, appreciative kami ni Aika. Ikaw, ikaw na nga 'yong hinahainan ng grasya, tumatanggi ka pa."
Ini-loudspeaker niya ang phone at inilapag sa mesa. Mangangalo lamang siya kung pakikinggan niya ang dalawang magpalitan ng opinyon tungkol sa mga lalaki. Who says that only men objectify women? In reality, women do it more often than men. Hindi nga lang sila inirireklamo ng mga lalaki.
BINABASA MO ANG
The Second Time Around (The Starving Squad #1)
Aktuelle LiteraturFresia wanted to love Richard. She tried for three years, pero walang nangyari. She thought that she wasn't capable of love because she wasn't shown love, growing up. Ang ate niya ang magaling. Ang ate niya ang importante. Ang ate niya ang mas mahal...