Chapter 2

3.9K 97 3
                                    

Pagkatapos ng mga drama namin umalis na kami papunta na kaming cafeteria.

"Girls,kami na ang mag oorder."kuya Blake said. Mabuti naman,tinatamad ako e.

"Sure kuya.Guys bayad niyo bigay niyo na kanila kuya."sabi ko sabay turo sa mga kaibigan kong mga adik. Ngumisi nalang ako. Nang iaabot na sana nila Ang mga bayad ay nagsalita si kuya.

"No sis. My treat." Aba aba. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang kuripot kong kambal ay manlilibre. Sabog confetti!

"Paparty na ba ako ,Kuya? Kuripot ka tapos manlilibre ka? Whoa! Heaven!" Pangisingisi ako na nanunudyong nakatingin sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero agad namang nakabawi.

"Sis ,it's all from the past. Shut it. People changed. And I am." Nakangiting sagot nito sa akin at kinindatan nalang ako. Napanganga nalang ako sa kilos ng kambal.

"Baka nakakalimutan ninyo na may tao pa dito"

Napalingon kaming apat sa lalaking nagsalita.
Kung hindi ako nagkakamali siya si Dalton.
Nakakunot lang ang noo ko na tumingin sa kanya. Lumapit sa kanya si Kuya at inakbayan ito.

"Oh,sorry bud .Namiss ko lang itong mga babaeng ito e." Paliwanag ni kuya kay Dalton at tinignan kaming apat at nginitian. Ngumiti rin sa amin si Dalton at si Lilly at Violet ay kilig na kilig. Si Ethel naman tahimik at namumula parin ang pisngi dahil iyon siguro sa nangyare kanina sa paghila sa kanya ni kuya. Sus.

"Hi ladies."bati ni Dalton sa amin. Nakakunot lang ang noo kong nakatingin sa kanya. Mga kaibigan ko Lang ang nag 'hello'

"Tara na, gutom na ako."ani Dalton na ngumingisi parin hanggang ngayon.

"Let's go"inakbayan na siya ni kuya. Ang isa sa kanila ay napakatahimik. Siguro kong magsama sila ni Violet, sasabog to at magwawalk-out.

Umalis na sila kuya para mag order.

Ayan na naman ang mga bulungan. Hindi talaga mawawala ang bulungan na yan dito sa Pilipinas.

Magbubulungan na nga lang rinig na rinig pa! I call that bullshit.

"Allison!" napatalon ako sa gulat ng sigaw ni Violet. What the hell? Hindi niya kailangan na sigawan ako. Baka lumabas kaluluwa ko at hindi na makabalik sa katawan.

"What the hell, Violet!" she laughed at my reaction. She's always like this! Kapag alam niyang lutang ako at may sasabihin siya sa akin, maninigaw siya. Ang sakit sakit sa tenga.

Ano ba itong babaeng to, akala mo nakalunok ng megaphone ang lakas lakas ng boses.

"Tahimik nga kayo diyan." ani Ethel. Napatawa ako sa sinabi niya. Iniisip siguro nito ngayon si kuya Blake kaya nagfofocus.

"Bakit? Wag mong sabihin na iniisip mo si Kuya Blake? Uyy luma-lovelife na siya." Asar namin say kanya. Lalong namula ang pisngi niya so confirmed!

"Tss. Nevermind." Nawala na ito sa mood kaya mananahimik na kami,mahirap na.

Beastmood kasi e. Baka lumipad pa yung lamesa pag napikon yan. We know Ethel enough. Kaya pa yata nitong talunin ang mga boksingero e.

Hindi nagtagal dumating na rin sila kuya Blake kasama iyong mga kumag niyang kaibigan.

Aaminin ko na gwapo sila. But I will just keep it to myself na gwapo sila. Baka mamaya kapag sinabi ko aakalain nilang may gusto ako sa kanila. Which is a big no.

Nasaan kaya iyong isang kasama nila kuya. Gwapo din kaya siya? But I guess,he is.

Ano ba tong mga iniisip ko. Mukhang ang landi ko naman yata. Pero malandi ba talaga ang tawag sa may nagwagwapuhan lang? I'm curious so. I am too innocent into those thingy.

Secret HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon