Masakit ang ulo ko pagkagising ng umaga. Napansin kong nandito na ako sa kwarto ko.
Sino ang naghatid sa akin dito? Napatingin ako sa damit ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Nakapagbihis na ako ng pambahay. Sino ang nagbihis sa akin? At sino ang nag-uwi sa akin rito?
Alangan namang sa Bandon? Hell no. Bakit niya gagawin yun? Galit nga sa akin yun.
I don't care anyway. Pero iniisip ko kung sino ang nag-uwi sa akin dito? Ang naalala ko lang ay hindi naman niya alam kung saang bar ako pupunta.
Ang isang problema ko pa ay wala na akong maalala bukod roon.
Ang alam ko lang ay masaya kaming nag-uusap ni Flint nung una at hanggang doon lang ang naaalala ko.
Lumabas na ako ng aking kwarto. Wala akong pakialam kung makita ko na ngayon si Bandon. Magtatanong ako. Pero paano ko siya tatanungin. Iniwan ko to dito kagabi. Ano isasagot niya. Ang tanga ko naman.
Napasabunot ako sa buhok ko habang pababa ng hagdan. Wala akong makita o nararamdaman kung andito ba si Bandon. Wow ,feeling paranormal? Ngumiwi ako sa inisip.
Siguro naman ay nandoon pa siya sa mga babae niya ,nag-overtime! Nag-init lalo ang dugo ko sa kanya.
Nakakainis. Edi doon na siya sa mga babae niya. Mga babae niyang di hamak na mas maganda ako!
Dumiretso nalang ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Ang sakit sakit parin ng ulo ko.
Napapikit ako pagkatapos uminom ng tubig na malamig. Dinaramdam ang lamig nito papunta sa aking tiyan.
Tumingin ako sa wall clock and its 7am in the morning. Sana natulog pa ako. Pero gutom na ako.
Magluluto muna ako bago ko isipin ang hindi ko maalala kagabi. Mamaya ko na tatawagan ang mga kaibigan ko. Kasi alam nila ang nangyari kagabi sa akin dahil sila lang naman ang tanging kasama ko roon.
Nagluto muna ako ng kanin sa at sinunod ko nang iluto ang bacon ,eggs ,hotdogs and sausages.
Of course ,i know how to cook those things. I'm thanking Manang Lurdis for teaching me. I smiled.
Bakit ang dami naman yata ng niluto ko 'e mag-isa ko lang naman dito? Hindi ko naman mauubos to. Hindi man lang ako nag-isip muna bago magluto. Nasapo ko ng dalawang palad ang aking mukha.
Stupid.
Tulala kong tinitignan ang mga niluto. Naghihintay ng milagro kung magsasalita ba ang mga ito.
Nagtagal pa ang tingin ko sa mga pagkain ng may narinig akong mga yapak.
Siguro guni guni ko lang yun kasi nag-iisa lang ako dito kasi wala naman rito ang magaling kong fiance na si Bandon na siguro ay nagpapasarap ngayon ,umagang umaga!
Magmumukha na akong tanga na nakatunganga sa harap ng pagkain ngayon.
Sanay na ako sa ganito na nag-iisa sa kainan pero ngayon ay parang may kulang. Napaisip tuloy ako. Nagsaing naman ako ,nagluto ng bacon ,eggs and etc. wala namang kulang ah.
Nakakunot na ang noo ko sa malalim na pag-iisip.
Tinakpan ko muna ang mga pagkain na niluto ko at aakyat muna para maligo. Para naman maibsan nang kaunti ang sakit ng ulo.
Kaninong yabag ang narinig ko kanina? Baka si Bandon yun? Oh kita mo ,umaga na umuwi . Siguradong kakatapos lang nun sa session nila ng mga babae niya! I hate playboys! They are all fucked up! Not good in society.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko kaagad ang cellphone sa aking bedside table.
Denial ko agad ang number ni Ethel.