"Ally ,wake up!" sino na naman itong gumigising sakin.
"Allison!"sigaw nito sa akin.
"What?"napabalikwas ako ng bangon. Sigawan ka ba naman habang natutulog. Hindi naman sa puyat ako pero syempre gusto kong magising ng kusa!
"Diba, sabi ko na maaga ang gising natin?"sabi ng kambal kong may dalaw. Kung minamalas ka nga naman.
"Five minutes more kuya."ang sakit pa ng ulo ko. Nakalimutan kong uminom ako ng sobrang rami kagabi sa bar. Mag-isa ko lang kaya hindi na namalayan ang kalasingan.
"Kailangan na nating maghanda habang maaga pa."
Hindi parin ako bumabangon. Bahala ka diyan kuya, mangawit ka sana kakatayo riyan. Hindi ako sanay na ginigising ng maaga. But right now i need to ,kahit labag sa kalooban ko.
"Ally..."pangungulit niya parang bata.
"Ayan na kuya oh babangon na kaya lumabas kana baka ilunod kita sa inidoro rito."patawa kong sabi.
Bumusangot si kuya pinipigilang ngumiti.
"Bilisan mo, andiyan na sila mommy sa baba."Namilog ang mata ko sa sinabi ni kuya Blake. Andiyan na sila. Uuwi lang sila pag may kailangan, lalo ngayon sa akin.
"Oo andiyan na nga sila, kaninang madaling araw lang."
Dahil nahalata ni kuya na hindi ako makapaniwalang nariyan na nga sila."Maligo kana ,ambaho mo na oh." si kuya may patakip takip pa sa ilong. Umirap ako.
"Ikaw! Mabango ka ba ha!?"naiinis kong sagot sa kanya dahil hindi matanggap ang sinabi.
"Oo naman. Kanina pa ako nakaligo kaya maligo ka na."aniya at lumabas na ng kwarto ko. Proud na siya niyan? Nakakainis rin minsan e.
Pumasok na ako sa bathroom para gawin ang dapat kong gawin.
Hindi na ako nagtagal sa banyo kaya mabilis lang akong natapos.
Lumabas na ako ng banyo at nagsuot na ng fresh cherry print white dress, and a beige stilettos. I hope my so called to be my soon fiance ay wala roon. Sana rebelde para hindi ako siputin. Magkakasundo talaga kami kung iyon ang mangyayare.
Bumaba na ako sa livingroom. At nakita ko na ang mga taong hindi ko palagi nakikita ,wala palagi rito sa mansiyon. Ang sakit bilang anak na hindi man lang bigyan ng oras para makasamang buo ang pamilya, pero buo lang kami pag may kailangan sila sa anak nila katulad nito para sa kompanya namin.
And oh! Yan na naman puro pera na naman at negosyo ang mas mahalaga sa kanila kesa sa sariling anak pero ayos lang, magulang ko parin sila.
And yeah, they love me and my brother but i just feel abandoned because they have more time for business over me and kuya Blake.
I understand. I can't blame them from doing their best to make our lives living beautiful.
I hate them before for being my parent and neglected us for business, but i love them very much. Kung wala sila at hindi nila ginawa yan wala ako ngayon rito.
Namuo ang mga luha ko habang tinitignan ang aking mga magulang. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nakababa na ako at pinahid na ang luha. Baka makahalata pa sila.
"Sweety ,good morning." sabay yakap sa akin ni daddy na ikinabigla ko, bakit ganito naiiyak ako? Ang higpit ng yakap ni Daddy at niyakap ko siya kaya umiyak ako na parang bata.
"Hush ,enough sweety."pagpatahan ni Daddy sa akin and he kissed my forehead.
"Ngayon niyo lang ako niyakap ng ganito."sambit ko habang humahagulhol.