Chapter 8

293 9 5
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok.

Hindi na ako kumain baka maabutan ako ni Bandon. Hindi ko pa nawawala sa isip ko ang nangyare kagabi.

Hindi ko ma-imagine na ginawa ko yun. Nakakapanood naman ako sa mga movies pero syempre sa mga kiss lang. Nevermind.

Pinadala na dito kahapon ang sasakyan ko kaya hindi ko na kailangang mag-commute.

Ayoko ring nag-cocommute. May sasakyan naman ako. Alangan namang e-display ko lang sa aming garahe para mabulok.

Pumasok na ako sa sasakyan at umalis na sa bahay. Ayokong makita si Bandon ngayon.
Anong oras na baka ma-late yun sa school. Baka nga nauna na pa yun saking umalis eh.

Pagkarating ko sa parking lot ng school ay nakita ko si Violet na kakababa lang din galing sa Lexus nitong sasakyan.

She waved at me so i wave back. Nagmadali siyang lumapit sa akin.

"Good morning." bati nito sa akin malapad ang ngiti.

"Good morning."

"Nasa loob na daw sila Ethel at Lilly. " humalakhak niyang pagkasabi. Napatawa ako sa kanya at hinila ko na siya papasok sa school. Ang dami pa kasing sinasabi. Ang aga-aga.

"You know last night? I met this guy sa bar. He's so gwapo!" tili nito habang niyuyugyog ang aking balikat. Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Violet ,ang aga aga lalaki na agad ang nasa isip mo." sambit ko rito na tatawa tawa dahil sa kabaliwan ng kaibigan.

"Wag kang Kj, Ally! Ipapakilala kita mamaya sa kaibigan ni Broke. Dito rin sila nag-aaral same level Engineering. Nakakainis nga eh. Sigurado akong magugustuhan mo siya!" ang lapad ng ngiti niya habang kinikilig.

Puro lalaki na naman. Idadamay pa ako.

Wala silang alam na ikakasal na ako kaya ganyan siya makapag-reto sakin ng mga lalaki. Ang rason kasi niya nasa last year na kami ng college wala parin raw akong nagiging boyfriend.

Dapat ba paramihan ng boyfriend at Exes?

May mga nanliligaw sa akin pero wala silang napapala.

Marami ring nagtetext sa akin pero ni-isa wala akong nereplyan. Hindi ko alam kung kanino nila nakuha ang number ko pero siguro sa mga kaibigan ko na kilala nila o ka-close nila.

Ewan ko rin ba ,kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nagpapaligaw.

"Hindi ako kj, Violet. Ibang usapan na kasi yang lalaki na sinasabi mo." sabi ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad papunta sa aming room.

Business Ad ang kinuha naming course. Dahil na rin sa negosyo ng pamilya.

Siguro pati ang mga kaibigan ni Kuya na alam kong may malalaking negosyo rin ang pamilya.

"Whatever, Ally. Humanda ka mamaya baka malaglag ang panga mo." malakas na tawa nito ng marating na namin ang classroom.

Naku ,Violet kung alam mo lang na ikakasal na ako baka panga mo ang malaglag at hindi ang akin.

Sabi ni Mommy at Daddy na wag ko raw munang sabihin at ilihim muna kaya, shut up ako. Alangan namang ipagkalat ko. Hindi naman namin gusto ang isa't isa. Kaya what's the point.

Nang makarating kami sa aming upuan ay nakita kong umangat ang ulo nina Lilly at
Ethel sa amin ni Violet.

Malaki ang ngiti ang sinalubong samin ni Lilly. At si Ethel naman ay nakanguso na tumingin sa amin.

Kinindatan ko nalang siya at palinga linga ako ng tingin para hanapin si Kuya pero parang wala pa.

"Sayang wala ka kagabi." parang malungkot na sabi ni Lilly sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Secret HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon