Chapter 15

26 1 0
                                        

Ang ingay namin sa Airport. Sa dami namin ay masasabi mo talagang hindi boring lalo na kapag may mga loko-lokong lalaki katulad nina Dalton and Tripp.

My god! Para silang mga palaka na nagkokokak-kokak. The hell? Imagine? Kanina noong papasok kami itong si Dalton kina-usap si Tripp. Nagsama pa talaga!

"Alam mo ba pre, may nakita akong nakakatawang joke!" feeling close itong si Dalton eh ,lmao. Nakaakbay siya kay Tripp. Si Tripp naman laki rin ng ngiti eh. Natawa nalang ako at nakinig.

"Ang sabi doon. Ang puti mo sa facebook pero sa personal maitim ka pala! Ano ka? Solar Eclypse?" Humagalpak si Dalton ng tawa pagkatapos niyang sabihin yun. Humawak pa siya sa tiyan niya.

Tumawa kaming lahat dahil sa tawa niya! Tumingin kami kay Tripp na nabadtrip.

"May problema ka ba sa kulay ng balat ko?" si Tripp na nagkukunwaring badtrip. Tinago ko ang ngiti. Sila Broke at Flint tawang-tawa sa reaction ni Tripp. Mga traydor niyang pinsan.

"Ha? Anong—hindi ah!" si Dalton na kunwari hindi niya yun sinadyang sabihin kay Tripp.

Tumawa kami. Tanned kasi itong si Tripp kung ikumpara sa aming lahat. Kahit ang mga pinsan niyang sila Broke, Flint, Ethel at Bandon ay fair ang kanilang balat. Yan ang mga gusto kong balat ng lalaki eh. Pero nevermind.

"Pinaglihi raw kasi yan ni Tita sa Uling." si Broke na humagalpak sa tawa. Pati yung katabi kong si Bandon.

Hindi na namin mapigilan ang mahinang tawa kaya sumabog na. Sobrang lakas ng tawa namin. Ang lalakas ng trip nila.... Sasakit pa yata ang panga ko kakatawa.

"Isa ka pa, gago!" si Tripp.

Tumawa kami. Nilapitan siya ni Dalton at umakbay ulit. Nakisabay naman si Tripp sa kalokohan ulit ni Dalton ,oh my.

"Uy, sorry na." paglalambing kunwari ni Dalton. Gusto ko tuloy takpan ang mata ko! Yuck! Hoy! mga malalandi! Takti...

"Ang ganda kaya ng kulay ko! Solar Eclypse amputa!" natatawa na ring sabi ni Tripp.

"Forgiven na ba ako." hinaplos ni Dalton ang braso ni Tripp.

"Putangina, ang landi mo pre!" tawang tawa na ngayong sabi ni Tripp. Tinigil na ang pagdadrama.

Sabay kaming lahat ngumiwi sa kanila.

"Ewwww...Gay" si Lilly

"Hoy! Anong gay? Gusto mong subukan? ha?" paghahamon ni Dalton kay Lilly.

Lumingon sa kanya si Lilly at inirapan lang siya.

"Aba, hoy! Ang suplada!" si Dalton tumatawa.

"Try mo ,Lil." tawa ni Ethel din sa kanya. Nang-iinis.

"Sige nga, Dalton." si Kuya Blake. Napansin ko si Ethel sa gilid nakatingin kay kuya habang inaasar si Dalton. Suss.

"Wala yan...." si Violet naman. Hinigit siya agad ni Broke.

"Style mo sobrang bulok, pre" si Gavin kay Dalton.

"Gago! Marami namang patay na patay!" pagmamalaki niya.

"Ah.." tumango-tango si Tripp naman ngayon.

"Marami nga pre, saang sementeryo ba?" tumawa kaming lahat.

"Hoy! Gago! " natawa na rin si Dalton.

Nasa loob na kaming lahat ng eroplano ngayon. Hindi naman matagal ang biyahe.

Nung dumating na kami sa hotel ay ang gulo na naman nina Dalton at Tripp.

Nakita kong nadulas si Dalton pagkaakyat namin sa tamang floor ng rooms namin.

Secret HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon