Chapter 10

297 9 3
                                        

Matapos kong matawagan ang mga kaibigan ay hindi maipinta ang mukha kong naglakad sa loob ng Café.

Agad naman nahanap ng mata ko ang nakasimangot na si Ethel na tumitingin sa akin ngayon na akala mo naman cute siya kapag nakasimangot.

At si Violet sa kabilang upuan na mukhang inaantok pa.

"Tapos na akong mag-order ,Senyora." puno ng sarkasmo nitong salubong sa akin. Ano ba naman itong babaeng to ,hindi pa nga ako nakakaupo sasalubungin niya ako ng kamalditahan niya. May dalaw yata to ngayon.

Umirap ako sa hangin at naupo na bago siya sinagot.

"Well ,I'm sorry for the inconvenience princess. Wala akong ganang kumain sa bahay dahil ayoko ang simoy ng hangin roon." tinaasan niya lang ako ng kilay, na parang alam niya.

Napaayos ako ng upo. Siguro dahil hindi naman nila alam na si Bandon na ang kasama ko simula noong mga nakaraang araw. I am really sorry for them, kung pwede ko lang sanang sabihin ay noon palang alam na nila.

Naguiguilty ako sa pagtatago ng sekreto, kaibigan ko naman sila na pwedeng sabihan. Sasabihin ko na din siguro ito para guminhawa naman ako kahit kaunti.

And i remember kung nakita rin ba nila ang halikan raw namin ni Flint. Wala talaga akong maalala. I'm fucking drunk! It's just a kiss right? It doesn't have any meaning? So it's just alright. Damn! Whatever. It's just a plain fucking kissed to forget. Not like my first kiss!

"I'm guessing you and your parents are perfectly fine. Now what? Binabawi mo na? Gosh,Allison. I know this is hard for you pero usong magpatawad, gaga."si Violet sa concern na tono. Nagkakamali ka Violet.

"Hindi naman sa ganoon. This is not about my parents anymore."

"Actually,i decided to tell you girls about something. Uh-I'm- I'm going to be ma-."

"Hi guys!" si Lilly na huli ang dating. Sobrang bagal kumilos, pinaglihi sa pagong.

Hindi ko natuloy ang sasabihin sa lakas ng boses ni Lilly.

"You're loud, Lil."pairap kong sabi. Nagkibit balikat nalang si Ethel na tumingin kay Lilly. Samantalang si Violet ay inaantok parin. Nangyare sa kanya? Nevermind.

Tumingin ako kay Lilly. Seryoso na ang mukha ngayon. Kinabahan ulit ako. Pati na rin si Ethel. Damn girls.

"Go on ,Ally. Walang mawawala pag magsabi ka. We know you're hiding something."si Lilly pero sa ibang direksyon siya nakatingin. Tinaasan lang uli ako ng kilay ni Ethel. Si Violet naman ay nakatingin na sa akin habang antok parin!

Papaliguan ko na to ng malamig na tubig!

Halos hindi na ako makahinga sa mga kilos nila. Hindi ko na mahabol ang kaba na nararamdaman ko. Kasalanan to lahat ni Bandon humanda siya sakin.

Napabuga ako ng malalim na hininga. This is hard. I don't even know how to start. Kinwento ko sa kanilang tatlo ang totoo.

Nangako rin silang walang mabubunyag dahil lagot sila sa mga magulang ko. Ang rason ko rin ay dahil wala akong gusto sa kanya. I like him beforehand a bit but now, wag na. Better to find someone else!

Napapikit ako sa tili ni Lilly at Violet na ngayon ay mukhang natauhan na. Si Ethel ay napahalukiphip lang.

"That Adonis, Bandon? Oh my God! You're so lucky. Crush ko pa iyon noong una pero taken na pala." napatawa ako ng peke sa sinabi ni Violet Kung alam mo lang.

"I don't like him. He's a playboy. I hate playboys. He is not my ideal." napayuko ako sa sinabi.

Tumingin sa akin si Lilly. Nakakunot ang noo. Si Violet nakikinig lang sa tabi niya at ito namang si Ethel ay parang may kaaway sa cellphone.

Secret HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon