Chapter 6

672 12 3
                                        


This is our last year in college. And I'm going to be married so soon. I don't care. I'm doing this for business. Maybe I will be forever stuck to our loveless marriage.

How i wish one day kung maghihiwalay man kami. Gusto kong makahanap ng taong mahal ako.

The man that will make me happy .

Man that used to be with me forever.

I know I'm young but for my parents I'll do everything. Its my way for them to forgive me from being stone-hearted for them all my life. I'm already forgiven but its not enough for me.

Nandito ako sa aming sala.
Hinihintay si Bandon.

Halos umirap ako.

Pupuntahan namin ang magiging bahay namin at doon na kami titira simula ngayon.

Nabigla ako noong sabihin iyon ng magulang ko. Nagreklamo ako na bakit ang aga. Pero masyado silang excited na ipagtabuyan ako. Siguro ganun talaga pag nasa ganitong sitwasyon.

Ang mga gamit ko naipunta na roon. Sa bagong bahay naming dalawa ni Bandon. Matagal na raw iyon nabili ng mga magulang namin. Wala kaming kaalam-alam. Hindi naman siguro sila excited niyan?

Wala ngayon rito si Mommy at Daddy. Pupunta raw ang mga ito sa mansion ng Cortez. Mga magulang talaga namin. Ngayon ko lang rin nalaman na matatalik na magkaibigan pala sila. Ang mga magulang ng fiance ko at ang magulang ko. Well they have a strong bond,huh?

Kanina ko pa hinihintay si Bandon rito. Baka nambabae muna ito bago ako puntahan. Naglaro nalang muna ako sa aking cellphone. Dito ko palagi nililibang ang sarili kapag nawawalan na ng buhay ang araw.

Pagkatapos ng ilang minuto. Napatalon ako sa gulat. May pumasok sa bahay at si Bandon na iyon!

Hindi man lang siya nag doorbell para nalaman ko na dumating na siya.

"Lets go?" salubong nito sa akin sa malalim na tono. I like how deep his voice. Ang mga tingin niya ay parang kakainin ako. Intimidating.

Napakurap kurap ako sa sinabi niya at bumalik agad sa huwisyo.

"U-hm. Yes." hindi ako makatingin sa kanya ng sabihin ko ang salitang iyon.

He's intimidating. Nawala na ako sa sarili. Iba ang dating niya.

Kapag titingin ako sa kanya noong pangalawa naming pagkikita malakas ang loob ko. Pero ngayon, hindi ko alam kung saan ko nailagay ang lakas ng loob ko.

Pinasadahan niya ng tingin ang aking suot at tumigil ang mata niya sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko at hinampas ko ang braso niya.

"Bastos!" sigaw ko at nauna nang lumabas sa kanya.

How dare him. Napakamanyak! Bahala ka sa buhay mo. Sana umatras nalang talaga ako sa engagement eh. Ayokong makasama ang isang manyak sa iisang bahay na katulad niya.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Nang-aasar pa talaga! Makakaganti rin ako sayo akala mo ikaw lang ang may alam sa mga ganyang bagay? Tignan natin, lalaan ko pa ang gagawin ko sayo. You want to play with me? I'm in.

"Malaki kaya, mahirap iwasang hindi tignan." ngumingisi nitong sabi habang kinakagat ang ibabang labi. Uminit ang pisngi ko sa kanyang sinabi.

"You know ,Bandon. If you want boobs right now. Go to your girls." mas lalo lang siyang ngumisi at ayoko yun.

"I have business right now. And your my business. So there is no other girl here, but you. So care to volunteer instead?" nang-aakit nitong sabi sa akin na kaagad namang pag-init ng aking pisngi.

"What the hell. I know you're bored but not me, Bandon." naiirita kong sabi sa kanya. Pero parang wala lang iyon sa kanya!

Lumapit siya sa akin at nilapit ang mukha na ikinatigil ng paghinga ko.

"You are my girl now, Ally hmmm?" he said huskily. Damn.
Nanlambot ang aking tuhod dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

My heart is pounding wildly. May naramdaman akong kamay sa aking baywang at tumindig ang balahibo ko roon.

"Lets go." he whispered. Halos manlumo ako. Nakahawak parin ang kamay niya sa aking baywang. Hinayaan ko nalang iyon roon. Baka mamaya pag binitawan niya ako matutumba ako. Habol hininga pa rin akong nagpatianod sa kanya. Hindi ko pinahalata. Baka mamaya iisipin niya apektado ako.

He lead me to his Aston Martin. Namamangha parin ako sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Ang gentleman. Ang kapal ng mukha.

Pumasok na siya sa kanyang sasakyan at pinaandar na ito.

"Is it far?" walang ganang tanong ko.

"No. 15 minutes is not far. " sagot rin nito sa malalim na nitong boses. Mukhang seryoso na itong nakatingin sa daanan.

Tinignan ko ang mukha at pangangatawan niya. He looks like the ideal man who has a muscular body and is as wise as an elder and as brave as a warrior. Bandon is perfect. Thats why girls chasing after him. I don't care . I'm marrying him for business. That's all I care about.

"Do you have a boyfriend?" Nagulat ako sa tanong niya. Tinignan ko siya pero hindi ito nakatingin sa akin. Seryoso ang mata nito sa daanan. Kumunot ang noo ko na nakatingin sa kanya. Seriously?

"I don't ." sagot ko ,wala pa akong naging boyfriend. Ayoko rin. Manliligaw marami.

"Hmm. I see." seryoso pa rin itong nakatingin sa daanan. Hindi ko alam kung bakit nito tinatanong kung may boyfriend ako. Ano naman ang pakialam niya kung may boyfriend? Umirap ako sa kawalan.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang awkward. Tumingin nalang ako sa labas at niliko ni Bandon ang sasakyan. Papunta na yata ito sa village ng bagong bahay namin.

Tama nga ako. Nabasa ko ang 'BRITT VILLAGE'. Maganda rito at malawak ang village. Mga mayayaman lang yata ang mga narito eh.

Tumigil ang sasakyan sa magandang bahay. Isa itong moderno. Manghang tinignan ko ang bahay.

"Do you like it?" tinignan ko si Bandon na nagsalita. Nakahilig ito sa uluhan ng kanyang Aston Martin. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon.

"Of course." natutuwa ako pero hindi ako nakangiti sa kanya. Tinitingnan niya lang ako na para bang may dumi ako sa mukha.

"Lets go inside." pinasok niya muna ang kanyang sasakyan sa garahe. At nauna na akong pumasok.

Manghang mangha talaga ako sa kung gaano ka garbo ang aming bahay na dalawa. Ang laki nito para sa aming dalawa.

Yung hagdan ang nagustuhan ko. Paikot kasi ang istilo. Naiimagine ko ang sarili na nagpapadausdos mula sa taas ng hagdan pababa!

Nevermind. I want to rest.

Pumunta nalang ako sa taas. Bahala na si Bandon roon sa baba. Nakita ko kaagad kung nasaan ang aking kwarto. Hindi naman kami pwedeng magtabi ni Bandon. As if naman kung tatabi ako sa kanya sa kama.

Wala akong masasabi sa bago kong kwarto, dahil maganda. Pareho lang ang laki ng kwarto ko rito at ang kwarto ko doon sa bahay.

Its 5pm now. And I want to sleep. Nakatitig lang sa kisame hanggang sa makatulog ako.

Secret HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon