Andito ako ngayon sa labas ng sasakyan ko nasa parking lot ako ngayon ng restaurant.
Mamaya nalang ako papasok kong tatawag na si Mommy.
May pasok sana ako ngayon kaso nag excuse muna ako kasi dahil dito ,ayos lang din naman na hindi na ako papasok alam ko naman ,mas magaling pa sa guro. Napatawa ako sa naisip.Habang nagmumuni muni ako dito sa labas, naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone.
Mommy is calling. Sinagot ko agad.
"Hello."masayang bati ko.
"Honey,pumasok kana rito naghihintay na iyong parents niya." Pagkasabi ni Mommy nun ay napaangat ang tingin ko at tumingin sa loob ng restaurant. Kinakabahan ako.
Parents niya lang, so hindi talaga siya pupunta? Humaba yata sungay ko.
"Okay Mom, in a sec." inayos ko muna ang sarili ko.
Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang kaba. Ano ba naman to. Suminghap ako tsaka nagsimula ng maglakad.
"Smile okay?" nasa tainga ko parin ang cellphone ko habang naglalakad.
"Of course, Mom."ramdam ko ang lamig at panginginig ng tuhod ko. Nahihiya ako. Sa kapal ng mukha nagawa ko pang mahiya.
"Good."
Binaba ko na ang tawag.
Inhale. Exhale. Allison calm down. Magpapakilala pa lang kayo sa isa't isa hindi ikakasal.
Mukhang madalas ko nang kinakausap yung sarili ko. mababaliw na siguro ako.
Pagpasok ko sa loob, nakita ko na sila Mommy and Daddy. Nandito din si Kuya sino kaya yung kasama niya.
Teka mga classmates ko rin ito!Ang tanong bakit sila nandito? Baka relatives sila ng magiging fiance ko?
Lumapit na ako sa kanila. Nag beso na naman at ngumiti ako ng pilit dahil kinakabahan.
"Oh! there you are honey." Mom said habang bumebeso. I smiled at her silently.
"Hello darling.."Bati sa akin ng magandang babae na nasa 40's? i don't know kung nasa ilang taon na ito dahil maganda ito tulad ni Mommy pero mas maganda ako. Kasing edad lang siguro ito ni mommy at sigurado akong siya yung Mommy ng magiging fiance ko!
"Hello." awkward kong sagot.
"By the way, I'm Jannette Cortez mom of your fiance."
Sabay ngiti niya sakin.Tama ako siya nga ang ganda niya. Hindi naman siguro pangit iyong anak niya? Siguro si lahi ni Adonis. Kaya Napangiti ako sa inisip. Baka nga.
"Nice to meet you tita." nakipagbeso ako sa kanya. Ang lambot ng pisngi niya parang iyong sa amin ni Mommy. I'm really amused.
"No! call me Mom now." sabi ni tita Jannette sabay tawa nagbiro ako sa sinabi ko.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
At parang ang bilis naman yata? Mommy agad? Magmemeet pa nga kami ng anak niya.
"Okay."It's so awkward.
"Okay, umupo kana." 'mommy' Jannette offered. Shit nakakahiya.
Ngumiti nalang ako. I'm speechless. This is new to me. Ang awkward sobra.
"By the way nasa restroom iyong anak ko kaya wala pa siya rito." my fiance's mom said.
"Okay." i don't care anyway. Kahit doon nalang siya maghapon, ayos lang sa akin.
But i don't wanna missed his handsome adonis face. I need to see him and fantasize his body.
Okay, i'm just kidding. Baka mamaya sabihin na malandi ako.