Chapter 4

292 6 1
                                    

  Chapter 4:

**Jellaine's Pov**

Kahit na madaling araw na akong nakatulog, maaga pa rin naman akong nagising. Niligpit at inayos ko muna yung unan saka kumot, inayos ko na rin muna yung sarili ko bago ako bumaba.

Pagdating sa kumedor, naabutan ko sina lola na nag-aalmusal...

"Good morning lola, manang."

"Good morning." -manang

"Kain ka na." -lola

Umupo na nga ako sa silya. Si manang na ang nagdagdag ng plato..

"Anong oras pupunta rito si Justin."

"Hindi ko po alam lola, basta ang sabi niya sasamahan niya akong mamasyal. Kayo po, baka gusto n'yong sumama sa amin?"

Ipinagsandok ako ni manang ng fried rice saka longganisa.

Hmm..sarap!

"Hindi na. Mag-enjoy na lamang kayo roon. Alam ko namang miss na miss ka na ng kaibigan mo."

"Ay naku, sinabi mo pa. Araw-araw yung nakikibalita rito." -manang

Napangiti ako nung biglang pandilatan ni lola si Manang Lucita. Inunahan daw kasi siyang magkuwento.

"O siya, kain lang ng kain. Ako nama'y aakyat sa kuwarto."

"Matutulog ka ulit lola?"

"Hindi. Tatapusin ko yung binabasa kong nobela."

Namangha ako sa sinabi niya.

Ano ulit?

Nagbabasa ng nobela si lola?

"Kailan pa?"

Yay, nasabi ko pala ng malakas.

"Naku, iha matagal na. Kahit noong buhay pa si kuya, hilig na niyang magbasa ng mga romance novels."

Sa lalong pagkamangha ko ay ngumiti pa si lola.

"Bakit apo, may problema ba? Hindi ba kapani-paniwalang nagbabasa ako?" -lola

"Hindi naman po sa ganun. Medyo nagulat lang ako, di ko ineexpect e."

"Kung sabagay, secret lang naman talaga yun. Kahit ang daddy mo, huli na rin nung nalaman niya."

"Alam mo ba na may bagong kinaaadikan yang lola mo..sa isang facebook page yun, nakalimutan ko lang yung pangalan. May hinahangaan siyang writer dun, ano nga bang pangalan nun?"

"Miss JES yung pen name na gamit niya." -lola

Teka, hindi naman Miss JES yung sinabi niya diba? Diba?

...

...

"Di nga lola? Nababasa n'yo yung mga sinulat ni JES?"

"Oo naman, idol ko nga siya..ang galing niya kasing magsulat. Teka, kilala mo yun?" -lola

"Oo naman ho."

"Talaga? Kaklase mo ba yun? Sa pagkakaalam ko kasi magka-edad kayo. Gusto ko nga sana siyang makita sa personal kaso alam ko namang malabo.."

Napangiti na ako ng tuluyan. Akalain ko ba namang nababasa pala niya yung mga story na ginawa ko.

At saka ano raw yun?

Idol niya ako?

"Lola, hindi mo na kailangang bumiyahe para makita siya."

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon