Chapter 12

196 4 0
                                    

  Chapter 12:

**Jellaine's Pov**

Hindi ko alam kung anong meron. Hindi ko alam kung may problema ba siya o pinagdadaanan, basta napansin ko na lang ang unti-unti niyang pag-iwas sa akin. Sa tuwing pupunta ako sa kanila, lagi siyang may dahilan para di ako harapin. At pag tinatanong ko naman, iisa lang ang sinasabi niya. Wala raw siyang problema at busy lang daw siya.

Who am I talking about? Walang iba kundi ang bestfriend kong si Justin. He's really acting weird. Napakalaki na ng ipinagbago niya...gaya ngayon, basta na lamang siyang lumabas ng classroom namin na hindi man lamang nagpapaalam.

"Sweetie, tayo na." yaya sa akin ni Yale.

"Ah, sige." sabi ko pagkatapos ng pasimpleng buntong-hininga.

Kinuha ni Yale yung mga gamit ko para siya na yung magdala. Sumunod na lamang ako sa kanya palabas ng room. Habang nasa hallway, nabanggit niya yung tungkol sa nalalapit na college ball namin.

"May isusuot ka na ba sa college ball? Kung wala pa, we can go shopping if you like."

"Wala pa nga e. Pero di na natin kailangang magshopping para dun, isang beses ko lang namang gagamitin puwede na akong manghiram na lang."

"Ha? E hindi naman puwede yun, sweetie. Isa pa, kung ang pinoproblema mo ay gastos don't worry dahil afford ko ang gumastos para sa girlfriend ko."

Hindi na lang ako sumagot dahil baka iyon pa ang maging dahilan pagtatalo namin. Medyo maiksi kasi ang pasensya ni Yale. Mabilis uminit ang ulo niya sa maliliit na bagay lalo pa kung ang maliit na bagay na iyon ay simpleng pagkontra lamang sa gusto niya. Hindi tulad ni Justin na kahit na matindi pa ang kalokohang nagawa niya ay marunong pa ring magpasensya.Pero kahit naman maiksi ang pasensya niya ay sweet naman, diba?

At tama bang ikumpara si Justin kay Yale?

I'm not comparing, just stating my observation.

Whatever!

Anyways, alam ko namang magkaibang tao sila. Sa sobrang pagkakaiba —

"Hey, tutulala ka na lang ba riyan? Ang sabi ko tara na."

"H-ha? Oo!" Di ko napansin na napatigil pala ako. Kung di pa nagsalita si Yale, di pa ko kikilos.

Natuloy kami sa pag-sha-shopping. Hinayaan kong siya na ang pumili ng damit na para sa akin, wala naman kasi akong amor sa pamimili at pagiging glamorosa. Simpleng jeans at shirt lang ay okay na sa akin. But I guess, hindi ako puwedeng magsuot ng ganoon sa college ball, baka tawanan pa ako at sabihang weird.

"Sa tingin ko Yale, okay na ang mga ito." Mayamaya ay sabi ko matapis isukat ang isang 3-inch red stilletto.

"Okay. We'll pay for it then let's have dinner. Where do you want to eat? Giligan's? North Park?"

"Ahmm..sa Jollibee na lang. Miss ko na kasi yung apple pie nila saka burger steak. Masarap din yung chi—"

Bago ko pa maituloy yung sasabihin ko ay inawat ako nung malakas na pagtawa ni Yale.

"Jollibee? Sweetie naman, mas maraming class na kainan diyan bakit naman gusto mo sa jollibee lang? Hindi ka naman mabubusog diyan."

"Bakit, masarap naman a. At saka nakakarelax kaya kapag dun ka kumain. Hindi mo kailangang magkunwari na ibang tao ka.." sabi ko na medyo nairita na.

Aba, ano naman kasing masama kung sa jollibee ko gusto at hindi sa mamahaling restaurant na sinasabi niya? Sa jollibee kahit gaano ka pa ka-boyish kumain walang sisita sa'yo. Mabubusog ka na, masaya ka pa. E, sa mamahaling restaurant, butas na bulsa mo e di ka pa satisfied dahil takal lang ang serving.

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon