Chapter 16

207 4 0
                                    

(HY's note: Ang sumusunod na eksena ay nangyari a month pagkatapos ng confrontation nina Jellaine at Justine. Malapit na pong matapos ang kuwento nila kaya sana po hanggang sa huli ay suportahan n'yo pa rin.)

Chapter 16:

**Yale's Pov**

One month and a half later...

Mula noong mangyari ang pagtatapat ni Justin sa kanya, she's been acting strange..gaya ngayon. Kanina pa kami magkasama pero pakiramdam ko, wala siya sa wisyo. Kanina pa ako nagkukuwento pero ni minsan ay hindi man lang siya umimik.

Gusto kong magtanong kung okay lang ba siya? Kami? Pero natatakot ako sa isasagot niya..kaya kahit na mukha na akong tanga rito, hindi ko na lang pinahalata at nagpatuloy na lang sa pagkukuwento.

"May praktis nga ulit ang team, e. Alam mo bang pupunta raw si Kaiden mamaya? Grabe, hindi ko talaga inaasahang ipapakilala ako ni coach sa kanya. Parang nakakamangha lang kasi dati sa tv ko lang siya nakikita, pero mamaya sa personal na. Punta ka mamaya ha? Sa iyo ko idededicate yung paglalaro ko." -me

Again, walang respond galing sa kanya. Napabuntong-hininga na tuloy ako. Noon naman siya tumingin sa akin. Parang nung time lang na yun niya naalala na magkasama kami...

How ironic. Ako ang kasama niya pero iba naman ang iniisip niya. I should be happy dahil ako pa rin ang pinili niya after nung mag-confess ni Justin sa kanya. Ikinuwento niya sa akin ang lahat, yung confrontation nila after ko siyang maihatid sa kanila..yung pag-uusap nila ng lola niya. Wala siyang itinago. Sabi niya, ako yung pinili niya dahil ako ang nobyo niya.

Pero bakit hindi ako lubusang masaya?

Bakit pakiramdam ko napilitan lang siyang piliin ako at iba talaga ang gusto niya?

Bakit pakiramdam ko, malapit na siyang mawala sa akin?

Haay..ano ba naman itong iniisip ko? Ako ang mahal ni Jellaine. Wala siya rito kung si Justin ang mahal niya.

Speaking of that guy, nagkausap pala kami nitong linggo lang. Nagulat pa nga ako dahil pinuntahan niya ako sa bahay...

(Flashback)

Kasalukuyan akong naglulunoy sa may pool nang lumapit sa akin si manang.

"Iho, may gustong kumausap sa iyo.."

Tumigil ako sa paglangoy at tinanong siya. Sa halip na sumagot, nakita kong tinungo niya yung gate at pinapasok si...

"Justin,"

"Puwede ba tayong mag-usap?"

Alangan namang tumanggi ako e narito na siya diba? So kahit hindi ko siya gustong kaharap after what happened, umahon ako sa pool at kinuha yung tuwalya sa may gutter.

"Doon tayo."

Nagpauna na ako sa kanyang maglakad. Alam ko namang susunod din siya sa akin. Doon kami nagtungo sa may veranda.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" -me

"Alam kong may ideya ka na kung ano ang gusto kong pag-usapan natin.." -Justin

Of course I know. Wala naman kaming ibang pag-uusapan kundi si Jellaine.

"What about her?"

"Mahal ko siya, noon pa man. Palagi kong inuuna kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. I am on her side whenever she's feeling down..."

Tiningnan ko siya pero hindi naman siya nakatingin sa akin kundi sa paligid. nakita ko kung paano siya bumuntong-hininga bago nagpatuloy.

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon