Chapter 5

274 4 1
                                    

Chapter 5:

**Jellaine's Pov**

These past few days, tama nga ako ng hinala na mag-eenjoy ako..nakapag-enroll na rin kami at gaya ng napag-usapan, pareho kami ni Justin ng course na ite-take. Yey!
Kaya naman ngayong first day ko as college student, talaga namang excited at happy ako.

Naalala ko tuloy nung tapos na kaming mag-enroll, dumiretso na kami sa NBS para mamili ng school supplies. Kasama namin si Russel, yung isinama ni Justin nung time na sinundo niya ako...Fine Arts din pala yung kinuha niya? Ayan, isa na rin tuloy siya sa classmate ko.

At least, dalawa na silang kakilala ko..may kasamang magbonding at dagdag ka-chikahan..chos!

Speaking of those two, hayun at busy sa pakikipag-usap dun sa dati nilang classmates. Ako? Ito, tahimik na nakaupo sa gilid. Wala pa kong kakilala kasi nahihiya ako makipag-usap.

"Excuse me, bago ka lang ano?"

Napatingin ako dun sa nagsalita, lalaki siya? Well, di rin ako sigurado..mukha siyang ano e.

"A-ako?" tinuro ko pa yung sarili ko.

"Yeah, ikaw nga. Ikaw lang naman kasi yung kinakausap ko ngayon, duh?"

"Ah, pasensya na. Oo, parang ganun na nga." -me

"Ha? Ang gulo mo naman, darling. Pakilinaw lang please dahil baka maloka ang brain ko."

"I'm from Manila but I decided to go back here and dito na lang mag-college."

"Wow, you mean Manila girl ka? Sabagay, ang ganda ng kutis mo. Pero.."

"A, natural ko na yan."

Pasintabi na lang dahil mas diyosa naman talaga ako..

"Pero?" tanong ko.

"Pero bakit ganyan ang getup mo? Para kang tomboy?"

"Uy, magkakilala na kayo ni Protacio?"

Si Justin yan, lumapit na sa amin. So, Protacio pala ang name niya...medyo panget pakinggan. Peace!

"Maka-Protacio ka naman diyan." nagpout pa siya ng lips.

"O bakit? E yun naman ang pangalan mo a." -Justin

Sasagot pa sana yung si Protacio nang biglang...

...

...

"Aww..ang sakit ng taynga ko." -me

Hala! Mukhang nabingi na ako dahil sa tili nung lalaking biglang sumulpot sa pinto. Hmm..teka nga, lalaki nga ba yun? Para kasing ka-team pa iyon nitong si Protacio na kasalukuyang tinataktak yung ulo niya. Mukhang ewan!

"Oh my gas! Oh my gas, Yale Hontiveros is coming! Ang pogi, shemay ni Aling Pepay!"

"Shut up, Armando. Ang ingay mo talaga kahit kailan.."

Napatingin ako dun sa babaeng tahimik na nagbabasa kanina. Masama na ngayon yung pagkakatingin niya kay Armando.
"Chrissy, ilang beses ko bang dapat ipaalala sa'yo? It's Amanda okay? A-M-A-N-D-A.."

"Whatever! Just shut your big mouth dahil di ako makapagbasa ng maayos."

"Ay, supladitang matar-okay, sabi ko nga tatahimik na.."

Natawa ako ng lihim nung bubulong bulong na lang si Arman-este Amanda.

"Oy, bago? Wow, I'm Amanda..ang nag-iisang diyosa. Ikaw, anong namesung mo?"

"Jellaine. Jellaine Erica Sta. Maria.." -me

"Ang nice naman ng name mo."

"Thanks. I-ikaw rin."

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon