Chapter 7

205 4 1
                                    

  Chapter 7:

**Jellaine's Pov**

Busy ako sa pag-iisip, si lola naman nagtatanong kay Justin tungkol sa kinalabasan ng first day namin as college student..tapos tumunog yung telepono.

"H-hello?"

"About our partnership..naisip ko lang kung gusto mo ba na gumawa na lang tayo ng interpretative dance presentation?"

"Y-Yale Hontiveros?"

"Yeah. Ako nga..so, what do you think?"

"Ah, sure. Mukhang maganda nga yun.. sige, dance presentation na lang."

"Okay. Uhh..Kailan ba ang free time mo?" -Yale

"Ha? Ano..sa sabado, free ako ng hapon." -me

Napansin kong sumenyas si Justin. Tinatanong kung sino yung kausap ko.

"Si Yale."

"Ha?"

"Ah sorry, si Justin kasi tinatanong kung sino kausap ko."

"Ahh..."

"So, paano? Saturday na lang ha? Susubukan ko na ring maghanap ng magandang tugtog." -me

"Okay."

Siya na yung tumapos sa tawag. Ibinalik ko naman sa bulsa ng suot kong pantalon yung phone ko.

"Naks! May progress.."

"Heh! Ikaw talaga, baka kung ano pa isipin ni lola.."

"Naku apo, wala naman akong iisipin. Pero, sabi nitong si Justin e pogi daw yung Yale."

"Lola!"

"O, bakit?" natatawa pa siya. "Ano, pogi ba?"

"E..a-ano.."

Biglang rumehistro sa utak ko yung itsura ni Yale.

His eyes, his face, nose and lips...

Perfectly and gorgeously handsome.

"Kung gayon pogi nga!"

"Lola naman!" -me

Natatawa sa amin si manang.

"Naku, mukhang nagdadalaga na itong apo mo." -manang

"E di mabuti. Naku apo, isa ako sa matutuwa kapag nagkalove life ka na."

"Lola, ano po bang lovelife ang sinasabi n'yo? Malabo po yang mangyari.."

"Bakit naman?"

Si manang yung nagtanong. Hindi ko na sila sinagot..dumiretso na ako sa kuwarto. Nakaramdam ako ng inis. Kung para kanino, di ko masabi...

**Justin's Pov**

"Mukhang napikon si kulit, lola."

"Hayaan mo siya. Mainam na paminsan-minsan e may nang-aasar sa kanya."

Napangiti na lang ako. Kakaiba talaga si lola, parang di man lang siya worried na baka magwala ang apo niya sa sobrang inis.

"E ikaw, anong plano mo?"

"Po?"

Medyo nadisorient pa ako sa tanong ni lola.

"Plano mo..Ang ibig kong sabihin, ano..di mo pa ba nasasabi sa apo ko?"

She's talking about my secret feelings. Sabi ko naman sa inyo, halos lahat ng mga kakilala namin alam na..even her mom.

"Sasabihin ko rin po. Humahanap pa kasi ako ng perfect timing." -me

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon