Chapter 17

275 4 0
                                    

  Chapter 17:

**Jellaine's Pov**

"All I want is to see you happy, Jellaine. Be happy with him."

Iyan yung sinabi ni Yale sa akin matapos naming magkalinawan. Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. At nang tuluyan nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya, napangiti na rin ako at napanatag.

"Someday, you'll find someone who is far better than me. Someday, you'll find that girl who will love you and stay by your side..and when that time comes, isa ako sa magiging masaya para sa iyo."

Iyan yung sinabi ko. Maybe, other people will say na ang weird namin para pag-usapan ang ganito ng mahinahon..Maaaring masabihan kami na ang tanga naman namin dahil bakit kailangang makasakit at masaktan pa kami kung in the end, iba rin pala ang pipiliin natin.

Well, ito ang masasabi ko. Walang kahit sino ang may karapatan na humusga sa amin lalo na sa mga desisyon namin at nararamdaman. Dahil wala silang alam. Hindi naman nila naranasang mapunta sa sitwasyong gaya ng sa amin nina Justin. Isa pa, hindi sila ang magdidikta kung ano ang tama o makapagpapasaya sa amin..kaya bakit pa namin sila iintindihin?

Isa lang naman ang mahalaga, nagkaayos na kami ni Yale at nagkapatawaran. As for me and Justin, I know that we will be finally happy.

"Siya, sige na. Puntahan mo na siya bago pa magbago ang isip ko..Go." -Yale

"Salamat ulit." -me

I hug him for one last time. Farewell at thank you hug ko sa kanya para sa pag-aalaga at pagmamahal na inilaan niya sa akin sa panahong kami pa. Pagkatapos niyon, tumakbo na ako palayo. Para hanapin si Justin...

Sinubukan kong pumunta sa canteen, baka sakaling naroon siya at kumakain. Lunch time na rin naman kasi.

Tiningnan ko yung buong canteen, maraming estudyante pero wala siya. Si Russel lang ang nakita ko at kasama sina Armando. Lumapit ako sa kanila para magtanong.

"Russ, alam mo ba kung nasaan si Justin? May kaikangan kasi akong sabihin sa kanya, e."

"Ah, oo. Naroon siya sa may faculty. May pinakisuyo kasi si Ma'am Cortez sa kanya." -Russel

"Salamat. Sige, puntahan ko na siya."

"Teka, hindi ka ba kakain? Saka nasaan si Yale?" -Armando

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Kakausapin ko na muna siya!" sabi ko na tumakbo ulit palabas ng canteen.

Excited na akong makausap si Justin at sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni Yale. Gusto ko nang ipaalam sa kanya na...

...

...

"Oopps—Jellaine?"

Hawak ang nasaktang noo na nilingon ko kung sino iyong bumangga sa akin.

"Justin!"

Sa sobrang tuwa na makita siya, agad ko siyang niyakap.

"Hey, what happened? Mukhang masaya ka yata, a. Hmm.."

"Masaya nga ako and I'm sure na mas magiging masaya ka after mong marinig ang sasabihin ko."

"Huh?" -Justin

"Halika!" sabi ko na hinawakan pa yung kamay niya then sabay kami nagpunta sa may rooftop. Magkatabi kami at parehas nakatingin sa baba.

...

...

"So...care to tell me kung ano ang dahilan ng saya na iyan?" tanong niya na napangiti rin.

Mula noong piliin kong mag-hold on sa feelings ko kay Yale, sinubukan ni Justin na gawing normal ang lahat. He tried to forget his true feelings for the sake of our friendship...alam kong mahirap...

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon